Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinaglilingkuran" poems
Sa paraang iyan nila kami pinatatahimik, pinapatay, at tinatapos. Baril ang kanilang sagot sa aming sigaw, Sigaw para sa karapatan at bayan, Bayang aming pinaglilingkuran. Hindi pa ba kayo naalarma? Na mismong makabagong bayani na ang pinapatay nila, Mga bayaning halos walang pahinga, Mapagaling lang nila tayo mula sa pandemya. Pandemyang naglabas ng baho nilang mga nasa itaas, At kanilang mga hindi pagiging patas, Mga taong lantarang lumalabag sa batas, Malaya pa rin at nakikinabang sa ating kaban. Kaban na pinagnanakawan, Bilyong utang, Na tayong simpleng mamamayan ang magbabayad, Magbabayad sa inutang na hindi naman natin napakinabangan. Ilang inosenteng buhay pa ba ang mawawala, Bago ka tumigil sa pagsuporta sa tuta ng Tsina, Sa mga tangang namamahala, Sa mga taong walang hiya. Gising mga bulag!
0
Dec 17, 2020
Dec 17, 2020 at 7:10 AM UTC
"Red-Tagged"
Manggagawa ang tatay ko at manggagawa din ako, lumaki ako sa lugar na ang mga kapit-bahay ko ay puro mga manggagawa. Dati pangarap ko’ng maging labor lider, maging unyonista na tulad ng tatay ko. Manggagawa mga taong pinalalakas ang katawan dahil ito ang kanilang tanging puhunan. Katawan, dugo at pawis ito ang kailangan dahil wala silang ibang masasandalan. Mga isang-kahig at isang-tuka at mga alipin ng gutom at pangangailangan, mga modernong alipin. Mga factory workers, bodegero, baradero, construction workers, OFW, mga sekyu, mekaniko, latero, karpintero, katulong, hardinero, kubetero, tsuper, kargador, estibador – lahat sila mga manggagawa. Gumagawa araw at gabi kapalit ng maliit na kita, hindi sapat na benipesyo at walang dangal sa harap ng among kapitalista. Mga inuupasala at pinagsasamantalahan, mga gatasan na laging tinatampalasan ng mga walanghiya at mga tampalasan. Manggagawa na walang dangal na laging busabos ng mga mayayaman at makapangyarihan kailan mo kaya makikita ang araw ng iyong katubusan? May mga dambuhalang mahilig kumain ng laman mga halimaw na walang kabusugan, mga bampira na sinasaid ang dugo ng biktimang walang kalaban-laban. Ganyan ang mga kapitalistang ating pinaglilingkuran. Mga walang pakialam sa buhay ng iba ang mahalaga sa kanila ay ang kumita ng limpak-limpak na pakinabang. Mga kapwa manggagawa may araw din na tayo ay lalaya. 'Wag mainip sapagkat nakatunghay ang kasaysayan ang batas nito ang magsasabi kung kelan tayo lalaya sa tanikala ng mga mapang-aping panukala.
0
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 8:15 PM UTC
MANGGAGAWA

Continue reading...
4
Sinong mag-aakala Na doon, tayo ay magkakakilala Una kang masilayan, Wala akong ibang naramdaman Sa gilid ng aking mata Ika’y aking nakikita Halos magkatabi Iisang upuan lamang ang pagitan. Sinong mag-aakala na tayo ay iisa; Iisang Diyos pinaglilingkuran, iisa ang pinaniniwalaan Sabay umawit, nagpuri sa Panginoon Na alam nating tapat mula noon hanggang ngayon. Sinong mag-aakala na sa paglipas ng isang linggo Sa dating lugar, tayo'y muling nagtagpo Walang muwang, mga hakbang ko'y patungo pala sa'yo Labi nati'y ngumiti nang ang mga mata natin ay nagsalubong. Lumipas mga araw, Ika’y akin paring natatanaw Nakasama, nakausap, at higit na nakilala Ikaw ay maalam, Nabigyan ng kakayahan Magsalita, mangusap tungkol sa katotohanan. Sinong mag-aakala na damdamin ko’y makukuha mo Ang aking atensyon ay hindi na maialis sa’yo Sa bawat salitang lumalabas sa bibig mo, Tila ang tinig mo’y nagsisilbing musika sa pandinig ko. Sinong mag-aakala na ika'y gugustuhin ko, Makasama sa tuwina, Galak, tanging nadarama Tunay nga’t ang pinagsamahan ay hindi nasusukat, sa kung gaano na katagal magkakilala. Sinong mag-aakala na hanggang ngayon ikaw pa rin ay kasama ko Sa panahon at oras na minsa'y gipit na gipit na ako Tinuruan, nag-iba ang pagtingin ko sa mundo Naging positibo sa lahat ng aspeto. Sinong mag-aakala na ikaw ay aking makikilala Landas na nagtagpo nang dahil kay Bathala Panahon ay susulitin, hindi mamadaliin Upang sa huli ay hindi tayo mabitin! © LMLB
0
Jul 6, 2018
Jul 6, 2018 at 10:37 PM UTC
Kismet
pilit at pilit na sinusupil ang karasahan na kumikitil ng buhay ng mga taong na wala namang kasalanan ngunit tuloy pa ring pinagdidiinan hindi dapat tayo masanay na ang trato sa bawat isa'y 'di pantay-pantay lahat tayo ay may karapatan at dapat lang na ito ay ating ipaglaban lalo na sa panahon ngayon na kung saan ang hustisya'y para na lang sa iilan imbis na paglingkuran ang samabayanan, kinukurap ang mga pera sa kaban ng mamayang dugo't pawis ang inilaan nagmimistulang mga mang-mang sapagkat wala silang kaalam-alam na ang kanilang panginoong pinaglilingkuran ang siyang kumakamkam sa kanilang mga pinaghirapan
0
Oct 4, 2019
Oct 4, 2019 at 1:39 AM UTC
NEVER AGAIN