Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinagdarasal" poems
Wala Akong Magawa Nagsimula lahat ito noong nabasa ko ang sulat mo Unti-unti kong binasa ang bawat letra na sinasambit mo Ramdam ko ang sakit, pagmamahal at panghihinayang na iyong nararamdaman Pero wala akong magawa dahil ako ay may kasalanan. Akala ko sa una lang to pero bakit habang tumatagal ay lalong bumabaon sa aking puso. Ang hirap kalimutan ang mga panahon na tayo'y pinagtagpo Lagi kung pinagdarasal na balang araw ay mapatawad mo ako Pero ito ay iyong tatandaan, gagawin ko ang lahat para matupad ang aking pangako.
0
Nov 22, 2015
Nov 22, 2015 at 1:38 AM UTC
Promise
Sa tag-init tayo nagkatagpo dala ang uhaw nais mapawi ang pagkatuyot sa tag-araw mga lalamunang di nadadaluyan hanap ay tubig, mga umiibig sa lamig sa daloy ng awit ng mga Ipil at sa mga aalalang nabuo sa bawat paglagok, sa bawat isa mga alaalang nabuo sa tag-araw. alaala pa ang pagpalakpak ng mga dahon minsan lang masiyahan sa pagpapalit-panaog ng tag-araw at tag-ulan panga-pangakong binuo sa ilalim ng araw pinagdarasal ng mga kahapon di pa rin nalilimot, mga tuyong ugat ng mga pusong sawi sa pag-ibig na tubig sa tag-init minsan lang magkaniig dahil ikaw at ako ay minsan ng nanirahan dito bumuo ng mga alaaalang impit na itinago sa ilalim ng mga punong saksi sa mga uhaw na puso, sa marahang pag-indayog ng mga dahong maririkit sa bawat pag-ihip ng hanging mainit sa katawang binalot ng mga sala at sa bawat pagbabalik sa alaala ikaw pa rin ang tanging nakikita sa bawat paglampas ng liwanag sa maririkit na butas ng kahapong sa ilalim ng ipil nakatago Heto na naman ang tag-init hudyat ay muling pag-udyok sa uhaw na pusong may pangangailangan tuyot ang daloy sa bawat paghinga sa bawat pag-ihip  kulang ang haplos bawat hagod ay paos. Alaala ka sa mga sinag ng araw umaalpas sa mga dahon ng ipil mga hapong napawi ang init ng tag-araw nakakulong pa rin sa mga alaala sa ilalim ng punong puno ng pagmamahal sa kahapon at ako na di pa rin nagsasawa sa ilalim ng mga Ipil maghihintay sayo Sa Ilalim ng mga Ipil Michael Joseph Aguilar Tapit 04/11/2016
0
Nov 6, 2018
Nov 6, 2018 at 4:34 PM UTC
Sa Ilalim ng mga Ipil
Sa tagal ng ating pagsasama Wala na akong ibang mahihiling pa Kundi ang magkaroon ng isang masayang pamilya Pamilyang bubuohin ko kasama ka Pagkatapos nang tayoy ikasal Araw araw kong pinagdarasal Na aking hiling ay maibigay na ng maykapal Ang tanging biyaya na kukumpleto Sa buhay mo at buhay ko Ang mabiyayaan sana tayo Ng isang munting bersyon ng ikaw o ako Kaya di kayang sukatin Ang sayang naibigay mo sakin Nang sa iyong sinapupunan Ay mayroon na palang namamahayan Sa wakas ay dininig na At ikay buntis na pala Pero anong sakit ang aking nadama Nang malaman kong di pala ako ang ama Dahil habang tayo ay nagsama Naghanap ka pala ng iba
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 8:44 AM UTC
Dininig na Dasal (TAGALOG)
Isa kang kidlat, Panandaliang liwanag sa gabi kong maulap, Ikaw ang bagyong matagal ko nang pinagdarasal na dumaan at manatili, Istorbohin mo ang kalmadong dagat sa pusong nananahimik, Ibigay mo ang mga kulog mo na ikakabingi ko, papakinggan pa rin kita, Ibuhos mo ang ulan mo, Ang hangin mo, na kayang ipaalala sa'kin kung paano ginawin. Iparamdam mo ang hagupit ng bagyo mo, At pangako, Magiging matatag ako, Ipagdarasal na manatili ka.
0
Aug 5, 2016
Aug 5, 2016 at 10:41 AM UTC
Bagyo
*Nang una kitang makita at makilala ‘Di ko mailahad ang aking nadarama Pinagdarasal na lagi kitang kausap Palaging sinisilayan  at hinahanap Madalas tinitignan ang iyong larawan Ika’y ‘di rin nawala sa aking isipan Sa munting panahon ng ating pagsasama ‘Di ko naiwasang mahulog at umasa Ika’y hinintay ko, hindi ako napagod Aking nadarama’y hindi bastang naglaho Kahit masakit, matagal ako nagtiis ‘Di mo hiningi ngunit ginusto kong gawin Nagkunwaring manhid ngunit ako ay hindi Paghihirap ay ‘di ko na lamang pinansin Pagkat alam ko na sa dulo, ito’y sulit Inisip ko na ika’y mapapasaakin Ito ang aking lubhang pinaniwalaan Hanggang umabot sa puntong ako’y nabulag ‘Di namalayang habang ika’y iniibig Unti-unting nawala ang aking sarili*
0
Mar 1, 2015
Mar 1, 2015 at 11:32 AM UTC
090214
nagbabakasakali lang naman baka naaalala mo pa ako naaalala mo pa ba unang pagkikita kulay ng supil mo'y pula ganda ng iyong mata ang nilaman ng mga dati kong kanta naaalala mo pa ba ako oo sa likod ng 'yong ala-ala na minsan sa buhay mo ay hinagkan ako nilambing hinalikan iniyakan tinawanan at higit sa lahat at ang pinaka masakit sa lahat minahal baka naaalala mo pa ang pagkakulang ng 'yong mga kamay dahil hindi nito hawak ang akin kung gaano kalungkot ang 'yong mga daliri dahil hindi nakapulupot sa akin baka naaalala mo pa na ang laman ng mga mata mo ay ang mukha ko at ang laman ng utak mo ay ako, palagi baka naaalala mo pa na bago ka tamaan ng rumaragasang sasakyan na nagpawala ng memorya at ala-ala mo ay kasama kita sinasambit ang matagal na nating mga pangarap anak, pamilya at iba pa baka naaalala mo pa na bago ka mabunggo ng paparating na ilaw mula sa unahan ng rumaragasang sasakyan sa gitna ng dilim ay pinagdarasal ka na sana 'di magbago ang pagmamahal mo ngayon sa apat na sulok ng 'yong kwarto sa ospital ay di mo ako naaalala limot ang dating ala-ala ang halik ang yakap ang luha ang hikbi ang tawa nagbabakasakaling naaalala mo pa
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:42 AM UTC
headlight