Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Vincent Liberato Mar 2018
Ang mutya ng kaarawan
Sana'y muling masulyapan
Tinig mo'y may dalang katotohanan
Sana'y labis kong mapakinggan

Hiling na sana'y magkausapan
Ang araw na 'yun ay 'di makalimutan
Taimtim na umaasang magkakitaan,
Upang ika'y pasalamatan

Pagca't ako'y muling nabuhayan
Nagapi ang nanlulumong kamatayan
Sa loob ng masidhing kalooban
Ikaw ang nagdala ng matinding kagalakan

May isang sumpang wagas
Kahit na ang araw ay mag wakas
Sa puso ko'y ikaw ang binibigkas
Tuwing ako'y naghihintay sa labas.
G A Lopez May 2021
"Sino ang bayani ng buhay mo?"
Minsan itong naging paksa ng aming aralin sa filipino
Madalas din itong itanong sa akin ng madla
Ngunit wala akong ibang sambit kundi ang iyong ngalan ina.

Bagama't wala siyang hari na katuwang,
Para sa akin siya ay reyna magmula pa noong ako'y walang muwang.
Magkaiba man ang daang ating nilalakaran,
Alam kong pareho tayo ng langit na tinitingnan.

Dito ay umaga, diyan ay gabi
Sa pagtulog mo ina nais kitang katabi
Iniibig kita kahit sa personal man ay 'di ko ito masabi
At kung maayos na ang mundo, dadampian ko ng pagmamahal ang iyong pisngi't labi.

Hindi sapat na ika'y pasalamatan
Pangakong pagod mo'y aking papalitan
Ng pag-ibig na walang hanggan
At ibabahagi ko lahat ng kabutihan mo hanggang sa aking kaapo-apohan

Kung tuluyan ka nang manghina
At kunin ka na sa akin ng May Likha,
Ako ang makakasama mo hanggang sa iyong huling hininga
Kukumutan kita ng pag-ibig, mahal kong ina.
Eugene Jan 2016
Kung  magsusulat ka, simulan mo.
Kung nasimulan mo na, tapusin mo.
Kapag natapos mo na, basahin mo.
Habang binabasa mo, intindihin mo.

Kapag naintindihan mo, itama mo ang mali.
Kapag naitama mo ang mali, isaayos mo.
Kapag naisaayos mo, basahin **** muli.
Kapag binasa mo ulit at natiyak na ang lahat,
Ibahagi mo at ilathala upang mabasa ng iba.

Sulat lang nang sulat.
Huwag matakot magkamali.
Ibigay mo ang iyong makakaya.
Ilabas mo ang iyong talento.
Huwag mo lamang kalimutang,
Pasalamatan ang Diyos...
It'smeAlona May 2018
H-alaga ng buhay
A-y kanyang ipinamalas
P-ag-aaruga't kalinga'y
P-atuloy niyang ipinadarama
Y-akap at halik ang laging niyang
    ibinibigay, ngunit tila


M-arami ang sa ati'y nakakalimot na
     magpasalamat
O- o nga't tayo'y abala sa pang araw-
     araw nating pamumuhay upang
     mabigyan siya ng masaganang
     buhay, ngunit sa
T-uwing siya'y nalulungkot at
    nalulumbay ni
H-indi natin magawang aliwin man
    lang
E-wan kung saan ba siya nagkulang
    upang pasasalamat sa kanya'y hindi
    magawang maisambit man lamang
R-amdam ang pangungulila ng isang
    Inang napagkakaitan ng
    pagmamahal at pasasalamat ng
    isang anak
S-akripisyo'y kanyang iginawad upang
    bigyan tayo ng magandang buhay


D-ugo at laman na sa ati'y kanyang
    ibinigay, kaya
A-ting alalahanin na tayo'y may isang
    Inang handang magmahal at
    magbuwis ng buhay, kaya ngyong
    araw ng mga Ina hayaan **** ika'y
    aming pasalamatan
Y-ou're our Mom who gave US life.


N-atatanging INA, sa
A-ming siyam na magkakapatid na si
N-anay
A-DORACION LOYOLA TIMAJO-
    ARCENAL a.k.a DORY OCAMPO
G A Lopez Oct 2019
Mahirap maglakbay
Sa mundo ng sanlibutan
'Di maiiwasang mahirapan
Ihanda pa rin ang sandata
Ika'y lumaban.

Tutuksuin ka ng sanlibutan
Ngunit hindi iyan ang dahilan
Upang pagsamba'y iwanan
Manalig ka
At ng 'di na muling maagaw pa.
Sa Kaniya mo idulog iyong mga panalangin
Ika'y tiyak na didinggin
Hinagpis mo'y papawiin
'Wag kakalimutang siya'y pasalamatan
Kung ang saya'y muli **** nakamtan

Marami mang tiisin
Hindi ka niya bibiguin
Bagkus ika'y iibigin
Magtiwala ka sa Kaniya
Mahal ka ng Ama

Kapatid, asahan **** pangako Niya'y kakamtin
'Wag kakalimutan ang tungkulin
Mahirap malunod sa baybayin
Ngunit ika'y makakaahon din
Sa tulong ng may likha sa atin.
Tuwing may unos sa buhay, sino ba ang ating sinasandalan?
Di ba ang ating pamilya na handa tayong tulungan?
Sila ang ating pinaghuhugutan ng lakas noon pa man.
Kaya dapat sila’y pahalagahan at pasalamatan.

Noong bata pa lang kami, kayo ang nandiyan para sa amin.
Humubog sa aming pagkatao at bumuo ng aming mithiin.
Upang makapagtapos ng pag-aaral at mga pangarap ay abutin.
Ngayon na kami ay mga matanda na, oras na suklian kayo na aming mga tungkulin.

Araw-araw namin kayo kasama sa puyatan dahil kami ay nag-aaral
At nandiyan rin na tuwang-tuwa tuwing kami ay may mga parangal.
Kaya maraming salamat sa aming pamilya na nandiyan magpakailanman
At oras at panahon sa amin ay pinag-alayan.

Ang salitang salamat ay walang katumbas sa inyong pagmamahal sa amin.
Kaya buong kasiyahan at pasasalamat an gaming mga panalanagin.
Dahil kayo ang munting mga regalo mula sa ating Panginoon.
Kaya kami ay suwerte at wala nang mahihiling mula noon.
Kev Catsi Jan 2022
Bagong kabanata ay nabuksan
tatlong daan anim naputlimang pahina ang pupunan
bawat araw ay ilalathala at susulatan
maging maganda o masama man ang kalabasan

Mga kalbaryo at pagsubok na kailangan pagtagumpayan
Mga pagpapalang darating at kailangan nating pasalamatan
Mga sakit at pighating hindi maiiwasan
Ating haharapin at mararamdaman

Ika'y handa na ba ngayon?
Harapin ang bukas at iwan ang kahapon?
Kalimutan at isara libro ng nagdaang taon
Pero may mga aral ka ng nakaraan na iyong baon baon.

Sa libro ng ating buhay na tayong may akda
sulitin ang guhit at sulat ng ating tinta
matuto sa mga karanasang mapait at maganda
Bago natin bitawan ang pluma at lumagda

— The End —