Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Dhaye Margaux Sep 2015
Tinukso mo ako ng iyong maskara
Ang pinto **** bakal ay nagmukhang pilak
Mga bintana mo'y tila walang sara
Ang bawat sulok mo'y humahalimuyak

Akong naghahanap ng lugar sa mundo
Namalik-mata nga't naakit mo agad
Sa mga pangako'y nadala't natukso
Naghintay ng dulot, magagarang gawad

Sa aking pagyakap sa pintong makinang
Ngiti ko'y sumilay, nag-isip, nangarap
Akala ko'y lungkot dito'y mapupunan
Saya ang papalit sa dusa at hirap

Subalit nagulat sa aking pagmulat
Ang pinto **** pilak ay puro kalawang
Mga bintana mo'y  nabuway ng lahat
Ang bawat sulok mo'y amoy basurahan

Paano pa ako ngingiti, sasaya
Kung ang pangarap ko ay biglang naglaho?
Mabubuhay ka bang kuntento't payapa
Sa lugar na itong ngayo'y gumuguho?

Nais kong tumakas, lumayo, tumakbo
Sa bilangguan kong kakila-kilabot
Subalit kadena ko'y mayroong kandado
Kasama ba akong mababaon sa limot?

Hindi! Ang sigaw ng matapang kong puso
Kadena sa paa'y aking wawakasan
Mabubuhay ako na hindi bilanggo
Ipaglalaban ko, aking kalayaan!

---Marguerite
9/18/2015
7:33 am
Will translate soon
Euphrosyne Feb 2020
Milya milya man ang layo mo,
Pero sisiguraduhin kong kakayanin ko,
Kakayanin ko, kakayanin natin lahat ng mga pagsubok na darating, Pagsubok na sabay nating haharapin,
Pagsubok na kahit tayo ay magkalayo'y alam kong ating malalagpasan,

Wala sakin kung kilo kilometro man ang layo mo,
Wala sakin kung hindi kita nakakasama o nakikita,
Pero sakin sapat ng alam kong mahal mo ko,
At sapat ng malaman **** ikaw lang ang laman ng puso ko,

Hindi ko man hawak ang iyong mga kamay,
Hindi man kita mayakap gamit ang aking mga bisig,
Hanggat nandito ka sa puso ko,
Mananatiling ikaw hanggang dulo

Mahal, Gusto kong malaman ****
Kahit ilang milya o ilang kilometro ang layo mo,
Wala ng papalit sayo dito sa puso ko.
Hindi man ngayon, handa akong maghintay hanggang sa magtagpo tayo.
Para sayo ito ulit diane. Kahit ilayo mo pa sarili mo kusa akong lalapit sayo. Determinado parin ako.
Chit Jun 2020
Paulit-ulit
Papalit-palit
Palipat-lipat
Ang usap-usapan
Sa bahay-bahayan
Ng mga tau-tauhan
Sa mga bara-barangay
Ng kung anu-anong
May biglang nagsunug-sunugan.

SUNOG!!! SUNOG!!!

Kunwa-kunwarian
Ng mga paslit-paslitan
Na naglalaro ng bahay-bahayan
Sa mga bara-barangay.

Hay naku naman....😅
Kuwento ng paulit-ulit
reyftamayo Aug 2020
ang dami **** gusto
lahat na lang pinapangarap.
sana nga ay sapat ang panahon
o 'di kaya'y sobra-sobra pa.
mataas abutin pinipilit pa rin
kung mababa naman, walang kagana-gana.
nasa'n kaya 'yong tamang-tama?
hindi na makuntento kahit kailan
laging nag-aasam ng bago
lalo na 'yong naiiba
para bang moda na papalit-palit.
hanggang saan kaya
ang lakas na makakaya?
upang itong mundo'y hubugin
sa gusto at ayaw ng iyong sarili?
masaklap kung minsan ang buhay na ito
kaya kailangan ang tibay ng loob.
umasa sa liwanag na dala ng pag-asa,
konting tiis lang,
umaga na naman.
Jun Lit Jul 2019
[isang pagsasalin sa Tagalog, batay sa orihinal na
"When tomorrow starts without me" ni David Romano]

Kapag nagsimula ang bukas na di ako kasama,
at ako’y wala roon upang makita;
Kung sisilayan ng araw ang iyong mga mata,
na puno ng luhang para sa akin, Sinta;
Labis kong nais na hindi ka lumuha,
katulad ng sa araw na ito’y iyong ginawa,
habang inaalala ang maraming bagay at salita,
na hindi nasabi o hindi nawika.

Batid ko kung gaanong kamahal mo ako,
kasingsidhi ng pag-ibig kong tanging sa iyo,
at sa tuwinang ako’y iisipin mo,
Alam kong hahanap-hanapin mo ako;
Subalit kung ang bukas ay magsimulang wala ako,
nawa'y pakaunawain mo,
na isang sugo ang dumating at tinawag ang aking ngalan,
at ang kamay ko’y kanyang hinawakan,
at wika’y handa na ang aking paglulugaran,
sa malayo’t mataas na kalangitan,
at kailangang lumisa’t talikdan,
tanang sa aki’y mahal, lahat ay iiwan.

Subalit pagtalikod kong palayo,
Isang patak ng luha ko’y tumulo,
pagkat buong buhay, lagi kong kinukuro,
Ayokong mamatay.
Maraming dahilan para ako’y mabuhay,
maraming gagawin pang mga bagay,
Tila imposible, hindi kailanman,
na ikaw mahal ko’y iiwan.

Bumalik sa ala-ala ko ang mga araw na nagdaan,
ang masasaya’t ang mga kalungkutan,
Pumuno sa isip ang pag-ibig nating pinagsaluhan,
at lahat ng ating galak at kaligayahan.

Kung sa kahapo’y mabubuhay akong muli,
kahit man lamang kaunting sandali,
Magpapaalam ako’t hahagkan ka
at marahil, makikita kong ngingiti ka.

Ngunit lubos kong napagtanto,
na hindi na kailanman mangyayari ito,
sapagkat pagkawala’t mga ala-ala na lamang,
ang sa aki’y papalit at maiiwan.

At nang maalala ko ang sa mundo’y mga kasayahan,
na bukas ay di ko na matitikman,
ikaw ang naging laman ng isipan,
at puso ko’y napuno ng kalungkutan.

Ngunit pagpasok ko sa pinto ng kalangitan,
Ramdam ko’y ako’y nakauwi sa tahanan.
Pagdungaw ng Bathala’t ako’y nginitian,
mula sa kanyang gintong luklukan,

Wika’y “Ito ang Walang Hanggan,
at lahat ng pangakong sa ‘yo’y inilaan".
Sa araw na ito, natapos ang buhay sa lupa,
ngunit dito ngayon ang simula.
Di ko ipapangako ang kinabukasan,
ngunit ang ngayon ay magpakaylanman,
at dahil bawat araw ay pareho lamang,
ang nakaraa’y hindi na kasasabikan.

Ngunit ikaw ay naging matapat at naniwala,
tunay at totoo, lubos na nagtiwala.
Kahit may panahong may mga hindi tama,
na alam **** hindi dapat ginawa.

Ngunit ikaw ay pinatawad na
at ngayon sa wakas ay malaya na.
Kaya’t kamay ko ba’y hindi mo hahawakan
at sa buhay ko, ako’y sasamahan?

Kaya pag sumulong na ang bukas at wala na ako,
huwag **** iisiping nagkalayo tayo,
dahil sa tuwinang iisipin mo ako,
Nandito lang ako, diyan sa puso mo.
My translation into Tagalog of David Romano's "When Tomorrow Starts Without Me" -
"When tomorrow starts without me,
and I'm not there to see;
If the sun should rise and find your eyes,
all filled with tears for me;
I wish so much you wouldn't cry,
the way you did today,
while thinking of the many things,
we didn't get to say.

I know how much you love me,
as much as I love you,
and each time that you think of me,
I know you'll miss me too;
But when tomorrow starts without me,
please try to understand,
that an Angel came and called my name,
and took me by the hand,
and said my place was ready,
in heaven far above,
and that I'd have to leave behind,
all those I dearly love.

But as I turned to walk away,
a tear fell from my eye,
for all life, I'd always thought,
I didn't want to die.
I had so much to live for,
so much yet to do,
it seemed almost impossible,
that I was leaving you.

I thought of all the yesterdays,
the good ones and the bad,
I thought of all the love we shared,
and all the fun we had.

If I could relive yesterday,
just even for awhile,
I'd say goodbye and kiss you
and maybe see you smile.

But then I fully realized,
that this could never be,
for emptiness and memories,
would take the place of me.

And when I thought of worldly things,
I might miss come tomorrow,
I thought of you, and when I did,
my heart was filled with sorrow.

But when I walked through heaven's gates,
I felt so much at home.
When God looked down and smiled at me,
from His great golden throne,

He said, "This is eternity,
and all I've promised you".
Today for life on earth is past,
but here it starts anew.
I promise no tomorrow,
but today will always last,
and since each day's the same day,
there's no longing for the past.

But you have been so faithful,
so trusting and so true.
Though there were times you did some things,
you knew you shouldn't do.

But you have been forgiven
and now at last you're free.
So won't you take my hand
and share my life with me?

So when tomorrow starts without me,
don't think we're far apart,
for every time you think of me,
I'm right here, in your heart."
rhosey Nov 2020
Mahal, samahan mo ko.
Iwanan natin ang mundo,
Lakbayin natin hanggang dulo,
Iiwasan ang lungkot at gulo.

Mahal, hawakan mo ang aking kamay.
Malayo pa ang ating lalakbayin
Kaya pakiusap,
Huwag **** bibitawan ang aking kamay.

Mahal, huwag kang matakot.
Pangako ko di ko bibitawan ang 'yong kamay.
Ipikit mo lang iyong mga mata.
Tayo'y papalit na sa ating patutunguhan.

Mahal, salamat sinamahan mo ko takasan ang mundo na puno ng problema,
Muling idilat mo ang iyong mga mata,
Sasayaw tayo sa gitna ng mga tala.
Di ko alam kung bakit
Ikaw parin ang nasa isip
Pilit kalimutan
Nakaraan ay hayaan

Gusto ko nang gumising
Sa katotohanang ikaw ay hindi na akin
Tinig ko'y iyong dinggin
Sana ako'y iyong mahalin

Ikaw lang ang gustong balikan
Nakaraan kahit masakit
Mahagkan ka lang
O kahit huling halik

Mahal kita at wala ng iba
Hindi kita ipagpapalit kahit bukas makalawa
Ako ang papalit ng tuwa sa iyong mga luha
Ngunit ang lahat ng yon ay mananatili nalang sa ating mapait na kahapon.
yndnmncnll Aug 2023
Singkislap ng mga tala ang iyong mga mata
Sa tuwing ikaw ay nakatingin sa akin
Sa tuwing tayo ay magkasama
Anong saya aking nadarama

Di ko maipaliwanag
Sadyang aking mundo’y lumiliwanag
Ibubulong ko na lamang sa hangin
Ang aking nararamdaman na hindi ko maamin

Aking mahal, sana ay ikaw na nga
Ang aking makakasama hanggang sa pagtanda
Sana ay ako lamang ang iyong mamahalin
Ikaw lamang ang aking mahal

Ikaw lamang ang aking minamahal
At ikaw lamang ang aking mamahalin
Ikaw lamang ang aking mahal, minamahal at mamahalin, sinta
At wala nang iba pa

Hindi man kita kasama araw man o gabi
Walang ibang papalit sa’yo dito sa puso ko
Ikaw lamang ang aking gustong makatabi
At sa iyo lamang umiikot aking mundo

Saksi ang Panginoon sa ating pagmamahalan
Dahil alam niyang sa iyo ako nakalaan
Ito ang iyong pakatatandaan
Na kahit ako ay magkamali man, pangakong hindi kita sasaktan

Singdami nang mga tala ang mga taon
Na gustong tayo ang magkasama hanggang sa huli
Kahit na tayo man ay magkalayo ngayon
Alam kong makakasama’t mahahagkan kitang muli

Sana ay pagbigyan ng panahon
Kahit sa gabi lamang ikaw ay makatabi

Ikaw lamang ang aking mahal
Mula noon hanggang ngayon
Ikaw lamang ang aking minamahal
Mula noon hanggang ngayon

Ikaw lamang ang aking mahal
Ang aking minamahal
At aking pipiliing mamahalin
Sana ay ako rin

— The End —