Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagpilit" poems
murahin mo ako aking kaibigan gisingin mo ako mula sa kahibangan higit mo pang lakasan at huwag tigilan pigilan mo ang lamig ng tagulan ang daplis ng suntok mo'y mainit ngunit kulang pa sa lakas upang ako'y magising sa sumunod **** sipa ako'y namilipit naalimpungatan lang ako sa iyong pagpilit ihampas mo na lang ako sa lupa para cool
0
Jul 27, 2011
Jul 27, 2011 at 7:33 AM UTC
Ihampas mo ako sa lupa
hindi na kita ipaglalaban, sawang-sawa na ako mula nang 'yong iwanan na ang puso'y nagdurugo hindi na kita ipaglalaban, hindi na tulad ng dati na pipiliting ibuklat ang mga mata para lang makausap ka pa hindi na kita gagambalain sa pagtatanong sa'yo ng anong maaari kong gawin upang mapangiti ka at makita ang nakasisilaw **** ngipin, ang 'yong ngiting nakapanlalambot, ang 'yong mga matang natutuhan nang ako'y malimot hindi na kita guguluhin sa pagpilit kong kumain ka na, matulog nang maaga, para ika'y titigan ko habang ika'y nahihimbing sa aking piling hindi na kita ipaglalaban, dahil kahit kailan ay hindi mo man lang ako sinubukang mahalin kahit na ako'y naghihirap man din, hindi mo pinansin ang pagpupuyat ko gabi-gabi sa aking tahanan, ang pagpilit kong payagan tayo ng tadhana na magmahalan, at pagmamahal ko sa'yo sa lahat ng posibleng paraan at ngayo'y bahagi ka na lamang ng aking nakaraan
0
Jul 12, 2016
Jul 12, 2016 at 8:52 AM UTC
Hindi na kita ipaglalaban
sana pinigilan ko ang sarili ko nang tuluyang mahulog sa'yo upang hindi na maulit ang ginawa kong pagpilit sa aking sarili sana pinigilan ko ngunit, sana hindi nalang kita tinigilan pero kailangan kitang iwanan kasi hindi lamang ako yung nasasaktan pati ang damdamin kong pilit kong pakawalan sana hindi kita tinigilan sana nakikita ko ay iyong reaksyon sa likod ng mga hadlang tuwing tayo'y nagkakaroon ng interaksyon kahit sa chat lamang sana nakikita kita pero bakit kung kailan ilang buwan nalang tayo magsasama saka muling kumislap ang aking mga mata tuwing ika'y nakikita hindi ito tama sapagkat nangako ako sa sarili ko na titigilan na kita noon pero noon iyon anong nangyari saakin ngayon bakit biglang ninakaw mo ang aking atensyon mula sa kanya, patungo sa'yo sana matagal ko na itong ginawa hindi kung kailan malapit ka nang mawala sa aking paningin, hindi kung kailan malapit ka nang maglaho sa aking paligid, hindi kung kailan bumalik na ulit ang nararamdaman ko para sa iyo... hindi. sana nagawa ko nang umamin sa'yo noon ngunit hindi ko kaya hindi ko kayang masaktan dahil lamang sa munting damdamin ko na maaaring makasira sa kung anong meron tayo. oo, magkaibigan tayo. alam ko yun. dahil hanggang doon lang tayo. sana, nakita mo kung gaano ka kahalaga sa paningin ko. sana... pero hindi.
0
Jan 29, 2018
Jan 29, 2018 at 6:04 AM UTC
Sana
nang dumating ako sa kalyeng puno ng alaala pinagmasdan ang kalsadang bagong gawa bakas pa rito ang pagdaan ng mga pison na pilit na pinapantay ang baku-bakong landas ng aking kinabukasan 'di pa gaanong tuyo ang itim na aspaltong kalalagay lang at sinusubukang takpan ang sementong 'di man lang nakatikim ng liwanag tulad ng aking puso ang aking pusong sa bawat tibok ay binubuhusan ng malagkit na aspalto ng pagkalimot at ang sementong balot na balot ng matigas at malutong na aspalto'y paulit-ulit na dinadaanan na tila walang pakialam sa kung gaano ba kasakit masagasaan nang paulit-ulit, paulit-ulit, paulit-ulit hanggang sa magkawatak-watak ang aspaltong kalasag ng semento mula sa liwanag at kung ito'y mangyari ay susubukan muling ayusin at bubuhusan ng mainit na aspalto upang takpan ang mga sugat at butas na sumisilip sa liwanag ngunit tulad ng pagdidilig sa patay na halaman o sa pagpilit na malimot ang minahal ay imposible at walang katuturan dahil ang nagagawa lamang ay baku-bakong kalsadang puno ng alaala at kung pagmamasdan ang kalyeng bagong gawa ay bakas ang paghihirap at pagpilit na ikubli ang itinatagong nakaraan
0
Dec 10, 2015
Dec 10, 2015 at 7:38 AM UTC
aspalto
Pasensya ka na Pasensya na kung natagalan Pasensya na kung natagalan ang aking pagtahan Pasensya na kung matagal na panahon kitang hangad Pasensya na kung medyo mabagal ang pag-usad Dahil hindi ganun kadali Matagal na panahon ang kailangan At hindi lang isang sandali Pinagpapaguran ko ang prosesong ito Hindi ito madali dahil kasali dito ang pagpilit sa sarili ko Pero kahit mahirap, kakayanin ko Para sa ikalalaya mo Akala ko nga huli na yung naisulat kong tula dati para sa'yo Ngunit ako mismo ang sumira sa paksa Na akala ko'y yun na ang magiging huling tula Hindi pa pala Hindi ko kayang yun ang magiging huli Hindi pala madali Dahil napagtanto kong nakapagsusulat lamang ako kapag ito'y tungkol sa'yo At dahil nagkamali na naman ako Lulubusin ko na ito Pakinggan mo ako Hindi ko sasabihing ito na ang huli Kasi baka masira ko na naman uli Kaya eto na, pakinggan **** mabuti Sa muling pagkakataon, Sasabihin ko ito sa'yo Mahal kita Pero sawa na ako
0
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 6:56 AM UTC
Pasensya Ka Na