Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"paghingi" poems
Nakalimot ka siguro na masungit sa iyo ang tadhana Nang ikaw ay nagmahal sa isang tao at nagpahalaga Maikling ngiti lang ang kanya ngang hatid Ngunit habang buhay nasa iyong panlasa ang pait Tuwing iidlip siya ay na riyan Tuwing paggising siya ang hanap Maging sa panaginip ikaw ginagambala ng iyong maling desisyon Hanggang sa langit ang paghingi mo ng solusyon Ikaw lamang naman ay nakinig sa tibok ng damdamin Wala ka naman talagang sala sa harap ng iyong salamin Siya ay dala ng nanlamig na hangin Sa iyong paghinga iyo siyang nakuha Kalaunan tanging hindi umayon ay tadhana
0
Dec 24, 2018
Dec 24, 2018 at 8:47 AM UTC
Malambing na Kaibigang Tadhana
*pagod na ako kakalakad palayo sa iyo kakatakbo pabalik sa iyo pagod na ako maghintay ng kahit ano maghintay ng anino mo pagod na ako sa mga paghingi mo ng tawad at sa aking pagpapatawad pagod na ako pagod na ako sa iyo pagod na ako sa sarili ko*
0
Apr 25, 2017
Apr 25, 2017 at 11:25 AM UTC
Pagod na ako
Di ako umiiyak sa away o sigawan. Umiiyak ako sa labis na katahimikan. Sa mga panahong kailangan ko ng kasama Sa mga panahong pati sarili'y ayaw ko na. Mga kumukuliglig na huni at bulong. Mga inipit na hikbi at paghingi ng tulong. Lahat ‘yan ay naninirahan sa isipan. Lahat ‘yan ay mahirap takbuhan, mahirap takasan. Bumibilis na tibok ng puso, Malalamig na pawis na sa leeg ay namumuo Mga hiningang hinahabol ang takbo, Magang mga matang nagmamakaawang ang luha'y huminto. At unti-unti Hihimasin ang isip Mula labas palalim sa loob Unti-unti Pipigain ang puso Makirot sa una ngunit nakakamanhid rin pala kapag nasanay na. Hahalungkatin ang nakaraan, Nang dumilim ang kasalukuyan. Babasagin ang kasalukuyan, Nang mabaling ang tingin sa iba maliban sa harapan. "Huwag kang mag-isip." Ang abiso nila. Ngunit diba nila naisip Na tila ka na ring sinabihan na: "Huwag kang huminga kung ayaw mo na." "Huwag kang tumingin kung nahihirapan ka." "Huwag kang makaramdam kung nasasaktan ka." Huwag ka nalang mabuhay kung di mo na kaya." Oo, ayaw ko na. Lahat kinatatamaran pati paghinga. Bawat gabing inilaan sa iyak. Tila ang isip, pinipilit na mabiyak. Oo, nahihirapan na. Di maiwasang tumingin sa mga mata Ng iba't ibang taong may iba't ibang kwento. Ng iba't ibang ngiti sa kabila ng malungkot na mga anino. Oo, nasasaktan na. Mula sakit, gusto ko nang kumawala Mula sa kadenang mas malambot pa sa bakal Ngunit kung hawakan ka tila ka sinasakal. Oo, di ko na kaya. Sana nga tumigil na. Na bawat umaga nagdarasal akong gabi na At sa bawat gabi, nananalangin akong matapos na. Ang sinimulang buhay na inilaan sa iyak. Inilaan sa pag-iisip na sa bawat takbo tila ka winawasak. Bukas sa lahat ng bagay mabuti man o masama. Bukas rin sa posibilidad na ipagpatuloy pa o tapusin na. Ito. Ganito. Ganito kahirap, ganito kasakit. Ganito kasimple ang isang atake.
0
Apr 29, 2018
Apr 29, 2018 at 8:24 AM UTC
Atake

Continue reading...
54
Hinaharap, tadhana, Kinabukasang sino ang maygawa? Ano nga bang napapaloob, Sa bugso ng damdaming may kidlat at kulog. Lahat, balot ng katanungan, Lahat, di nauunawaan, Lahat, walang kasiguraduhan, Mistulang ang lahat pagsisisihan. Nakakatakot nga namang magkamali, Mapait, mapupuno ka ng pighati, Masusugatan, manghihinayang, Sasabihing “kung di nalang sana nagpakamang-mang”. Kabalighuan ba ang magbakasakali? Ang paghingi sa’yong kamay ay isa bang pagkakamali? Pagmamahal sayo’y di ba nagbunga ng maganda? Damdamin ko ba’y nagpagulo sa isip mo sinta? Ikaw ang nakakaalam nyan, Ikaw, ang iyong puso’t isipan, Ikaw ang magpapakalma, Sa unos na kasalukuyang rumaragasa.
0
Mar 27, 2018
Mar 27, 2018 at 7:49 PM UTC
Ano nga bang itinakda?
Kung umabot man sayo ang tulang isinulat ko, pakatandaan mo sana ito. Hindi man maipinta ng mga salita ang nadarama o ni mabahiran ng tugma ang aking pagsinta, huwag mo sanang isiping ako'y sumuko na datapwat ang paghingi mo ng espasyo sa pagitan nating dal'wa ang nagbigay linaw n dapat pang ipaglaban ka! Pero kung masawi man sa digmaan, sinta, Itago mo sana ang pabaon kong dugo Patunay na inilaban kita hanggang dulo
0
Dec 8, 2022
Dec 8, 2022 at 1:32 PM UTC
DIGMA