Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagbalot" poems
011521 Iaalay ko ang aking katha Sa mga sumusubok sa landas na kayhirap pasukin At ang sigaw nila'y kalayaan sa pagpili Kung saan ba ang kani-kanilang tatahakin. Malayang pagpili -- Pagpili sa hindi lamang gusto, Ngunit pagpili sa kung ano nga ba Ang tunay na nararapat. Kaakibat ng pagpili, Ay ang pagtimbang sa kung ano bang Makabuluhan sa panglahat na kapakanan. Hindi tayo pipili dahil tayo'y makasarili, Bagkus tayo'y pipili dahil ito'y ating pinag-isipan. Bakit ba gusto nating tahakin kung nasaan Naroon na ang lahat? At ang lipon ng bawat kulay ng bahaghari Ay sama-samang pumoprotesta Sa kani-kanilang adhikain. Minsan, gusto nating matahimik.. Tahimik na lumalaban Hindi gaya ng mga nasa lansangan At itinatali ang sarili Sa kanilang nasanayang batas. Tayo'y hahalili sa kahapong nagtapos na henerasyon, O baka nalimot mo na ring tayo'y demokrasya na ngayon Ngunit mga alipin ng baluktot na administrasyon noon.. Ano nga ba ang malinis na konsensya Sa bayan kong dinungisan na ng pawis Ng iba'ibang ganid na mga bansa? O minsan nga'y masakit pa pala ang malaman Na tayo rin mismo ang sumira At lumaspangan sa bandila nating Noo'y dugo ang nasa itaas. Sakim ang ating mga sarili Pagkat tayo'y nauuhaw pa Sa pansarili nating kalayaan. Tayo'y walang ipinag-iba Sa mga pailalim na bigayan At pagsalo sa kaso ng iba, Pagtalikod sa karapatang ipinaglalaban Ng mga naging bihag sa selda. Habang ang iba'y naghahalakhakan At pawang mga hangal Sa kanilang pagbalot sa sarili Patungo sa bukas Na hihimlay sa kani-kanilang mga hukay. Susuong ka pa ba? Kaya mo pa bang magbulag-bulagan? Pero sa buhay na iyong pipiliin, Piliin mo sana ang daang matuwid. At paano mo nga malalaman Ang mas higit sa timbangan Kung ang iyong pamantayan Ay sirang orasan at papel na ginintuan.. Nasayo ang hatol Ang hatol kung saan ka lulusong Kung saan ka makikiuso..
0
Jan 15, 2021
Jan 15, 2021 at 12:29 AM UTC
Kalye

Continue reading...
59
(DEPRESYON) Sa mundong ito ay patuloy na nabubuhay ako, Wala akong pinipili na kahit na sino, Basta sa oras na ako ay makilala mo, Sa oras na pinapasok mo 'ko, Hindi ko alam kung kaya mo akong takasan, Dahil marami ng nagtangkang kitilin ang buhay ng dahil sa hatid kong kapalaran. Ako, ang sisira sa buhay mo, Gagawin kong miserable ang utak mo, Kapag nakilala mo ako, Kahit saan ka pa magtago Wala! Walang tutulong sayo!Tandaan mo! Lahat sila aayawan mo! Guguluhin ko ang iyong mundo, Yayanigin ko bawat pahina ng buhay mo, Kahit ipagpilitan isarado ang bintana, Papasok, papasukin kita,Wala ka nang magagawa! Sumuko ka na! Kaibigan hinihintay na kitang sumama, Ikukulong kita, sa lugar na hindi na makakalabas pa,Kahit ilang beses hanapin Susi para makalabas sa suliranin, Ikaw ay pilit kong aangkinin. Pilit kitang aagawin,Dahil sinasabi ko sa'yo isang pagpapanggap lang ang kanilang gagawin, Makinig ka! Halika na at sa akin ay sumama, Dahil alam kong patuloy lang sila sa panghuhusga,Patuloy ka lang kukutyain, At patuloy ka lang paiiyakin, Oo, nabubuhay ako sa husga, sa kutya, sa pagbalot sa sarili mo sa awa, Sa walang tigil na pagluha ng iyong mga mata, At sa malalang pag-iisip tulad ng pabago-bagong emosyon na hindi alam kung ano ba talaga,Nabubuhay ako at mas lumalakas ako, Sa tuwing nakikita ko ang isang taong mahilig magtago,Ilihim ang nararamdamang sakit sa kahit na sino,Mas lalakas pa ako kung sa oras na ako ay niyakap mo. Huwag kang magtangka,Pagtakas ay wala kang mapapala,Dahil kapag dinapuan na kita, Wala ng gugulo pa sa iyong mundong ginawa, Gilitan ng leeg, wala pa ring talab, Susundan kita hanggang kabilang buhay Kahit magtago ka man sa kaibuturan ng kagubatan.Ako, ang iyong kalaban, Patago kitang sasaktan, At unti-unti kitang pahihirapan, Ako ang madadala sa'yo sa kamatayan, Buhay ako at patuloy na gagambala sa iyong mundo,Mistulang buhay mo ay sisirain ko, Unti-unti kong babaguhin ang iyong sarili, At titiyaking ni isa sa iyo ay walang mananatili. Tandaan mo, at laging isaisip mo, Kakatok ulit ako sa pintuan mo, Dahil ilang beses ko ng sinabi sa'yo, Na nabubuhay ako sa lungkot, sa takot, sa luha, sa panghuhusga ng iba, At sa tuwing nag-iisa ka habang hindi na alam ang gagawin at solusyonan ang problema. Ipapaalala ko lang sa iyo na hindi mo ako basta madadaig,Na hindi mo ako basta malulupig, Hangga't dala-dala mo ang aking mundo, Hindi ako titigil sa'yo. May panahon ka pa,Makakatakas ka pa, At magagawa mo akong daigin kung makikinig ka, Hindi ako kasinungalingan, Nagsasabi ako ng toto, dahil totoo ako. Kung sinasabi nila peke ako,Na dulot ko lang ay pagpapapansin,Sinasabi ko na sa'yo mali ang makinig sa kanilang daing, Intindihin mo ako at unawain lahat ng sinasabi ko,Marami ng buhay ang nawasak ng dahil sa akin,Kaya kung mabuhay ng matagal ang iyong hangarin,Pakinggan mo ako dahil hindi ako nagbibiro,At hindi ako nakikipaglaro. Hindi ako pag-iinarte, hindi ako pag-iinarte. Sa oras na dapuan ko ang mga mahal niyo, o maging ang mga kaibigan mo, Pakiusap, hawakan mo ang kaniyang kamay at hilain papunta sa masayang mundo, Pakiusap ko!Kung sakaling ako ay makilala mo, Layuan mo ako,Ipakilala mo ako sa lahat ng malaman nila na hindi ako pagpapapanggap. Makakatakas ka pa,Makakatas ka. Nabubuhay ako sa mundong ito,Ngunit kaya niyo ako.Dasal lang at tiwala sa sarili ang katapat ko.
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:25 PM UTC
DEPRESSED

60
sinabi mo sa akin mahal mo ako naniwala ako. sinabi mo sa akin ako lang naniwala ako. sinabi mo sa akin, habang hawak ang kamay ko, na “nandito lang ako.” humawak ako nang mahigpit at naniwala ako. sinabi mo sa akin habang ako’y yakap mo na di ka bibitaw na kahit kailan maasahan ko ang pagbalot ng iyong mga kamay sa aking katawan yung tipong lahat ng lamig sa mundo mga problemang di ko ginusto mawawala na lang sa init ng katawan mo. oo, naniwala ako. sinabi mo sa akin na ako lang na hinding hindi ka titingin sa iba sa parehong paraan ng pagtingin mo sa akin at naniwala ako. at naniwala ako. naniwala ako at ipinangako ko sa sarili ko na simula nang sinabi mo na mahal mo ako wala nang mas gaganda pa sa paningin ko kung hindi ang mukha mo. ang mukha **** sa ngiti palang na naniwala akong pwede palang maging masaya sa mata palang na naniwala akong nakita na kita — nahanap ko na. sa bawat pisngi **** naniwala akong may paglalagyan pala ng mga labi kong uhaw sa halik. naniwala ako sa lahat. naniwala ako sayo. may mga oras din namang nagduda ako. sa bawat away sa mga masasamang salitang nabitawan sa kada luhang pumapatak sa ating mga mata sa mga di pagkakaintindihan sa mga muntik nating pagbitaw. naniwala pa rin ako. naniwala ako sayo. pero di ko inakala na ang tiwala ay dahan dahan din palang nawawala. isang kandilang ilang minuto na lang apoy nito mawawala. kahit ilang beses kong sinabi sayo na ako’y di mawawala. na ako’y nandito lang wala ng iba. na ako’y naniwala sa iyong salita, sa iyong ganda, sa iyong lahat na. kahit na tayo’y magkasama ang puso mo nasa iba na. naniwala ako mahal mo ako. pero ako lang pala ang ganito. sinabi mo sa akin tapos na tayo naniwala ako. na wala ako. wala na ako sa puso mo.
0
Jul 17, 2019
Jul 17, 2019 at 1:46 AM UTC
naniwala

58