Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"orihinal" poems
Dalawang taon na ang nakalipas Ang aking unang nakitang liwanag, Isang liwanag na ako’y nasilaw At nahimala sa ‘king natagpuan, Ang ilaw na ito ay mahalaga, Mas mahalaga pa sa milyong pera, At hindi ko ito inaakala Na ito pala’y aking makikita, Isang araw ako ay may tiwala, May tiwala na magiging akin s’ya, Itong tiwala ay isang tadhana, Tadhanang ika’y mapapahimala, Itong ilaw ay aking binitawan, At pinagpalit sa ibang liwanag, At ito ay aking napagsisihan, At bumalik sa ‘king unang liwanag, Nung ako ay nakabalik sa ilaw Hindi ko ulit ito mabibitaw, At ang aking problema ay gumaan At hindi ko ulit ito iiwan Ang tula na ito ay maliwanag At di kailangan ng paliwanag, Itong tula ay isang kwento lamang At ito ay nagsisimula palang, Kapag ako’y na sa gitna ng dilim Ikaw ay nandoon para saakin, Para ako ay kumintab sa dilim Tuwing ang araw ay ‘sang makulimlim, Ako’y natutuwa sa ‘yong itsura Tuwing ikaw ay naging masaya, Pati ako ay nagiging masaya Ang iyong saya ay nakakahawa, Kung ika’y nakita kong nakangiti Ang damdamin ko ay gustong ngumiti, At maraming taong gustong humingi Nang iyong tuwa sa iyong pagngiti, Dahil sa’yo, hindi ko mapigilan Na tumingin sa iyong kagandahan, Na hindi ko kayang makalimutan Ang kagandahan na ‘king minamasdan, Sa ‘yong ugali ay ‘king nagustuhan Dahil sa iyong pagka-orihinal, At sa ‘yong magandang kaugalian Na di kayang magaya ng sinuman, Ang iyong mata ay isang bituin Dahil sila ay magandang titigin, Na walang plano para lang tumigil Kahit ito’y nasa gitna ng dilim, At isang araw na nakita kita Ikaw ay ang aking naging tadhana, Kahit pinakaunang pagkita Ikaw na agad ang aking nadama, Kahit hindi pa tayo magkaibigan tangi ‘kaw na ang aking nagustuhan, Na walang kahirap-hirap maghanap Sa iyong nakatagong kagandahan, Sa ilang taon na aking pasensya At ito ay sulit na hintayin kita, Dahil ikaw ay walang kasing halaga Nang kahit anong halaga ng pera, Ikaw ay isang tunay na liwanag Dahil ang aking buhay ay kuminang, Na walang tigil para lang kuminang Para Makita ang aking daanan, Ilang taon ko na itong tinago Para lang ikaw ay hindi lumayo, Na sa aking pag-iisip sa iyo Na damdaming ito ay di matuyo, Di ko ipipilit ang ‘yong pagmahal Na ako ang iyong karapat dapat, Na mahalin, para sa iyong buhay At ako’y may respeto sa ‘yong buhay, Ang aking nakatagong pakiramdam At ito ay para sa iyo lamang, Ako ay swerte nawalang kaagaw Dahil ako ay mag-iisa lamang, At ako ay hindi titigil dito Dahil ito ay para lang sa iyo, At wala kang kaagaw para dito Dahil ako ay para lang sa iyo, Sa puso ko’y hindi kita mabibitaw Dahil para sa ‘kin ika’y espesyal, At ikaw ay hindi mapapahamak Dahil ako ay naririto lamang, Ako ay nakapili ng seryoso At hindi nagkakamali sa iyo, At ikaw ang aking sariling mundo, At hinding-hindi ko ‘to magugulo, Kung ikaw ay wala, ako’y madilim Hindi magbabago ang ‘king damdamin, Sapagkat ito ay hindi titigil Dahil ikaw ay ang aking bituin, Kahit malawak ang ating paligid Tayo ay magkikita pa rin ulit, Dahil ito ay ang aking damdamin At ‘tong damdamin ay para sa atin, Ikaw ang nagbigay sa ‘kin ng pag-asa, At ito ay nagamit ko ng tama, Hindi ako palaging umaasa Dahil ito’y bihira lang tumama, Tuwing ako ay may nalilimutan Ikaw agad ang aking natandaan, Kahit ikaw ay ang aking iniwan Ikaw ang lumabas sa ‘king isipan, Ang tula na ito ay magwawakas Ngunit ang damdamin ko’y walang hanggan, Tatlong saknong nalang ang katapusan Dahil ito ang huli kong sagutan, Para saakin ikaw ang liwanag Kung ika’y wala, ako’y isang bulag Tuwing kumintab ang ‘yong kagandahan, Ang mga bulaklak ay namulaklak, Ilang taon ko na itong hinintay, Para lang ang damdamin ko’y malabas, Itong pagkakataon ang dumaan Para malaman **** ‘king naramdaman, Hindi ko inakala ang ‘yong ganda Na ang ibang tao ay di makita, Ito na ang katapusan ng tula, At salamat sa iyong pagbabasa.
0
Dec 13, 2019
Dec 13, 2019 at 6:02 AM UTC
Liwanag ng Aking Buhay

Continue reading...
120
kailan ba nabuhay ang mga manunulat? sa lahat pagkakataon, kumukuha lang sila ng materyal, ng inspirasyon, ng hangin sa baga ng apoy. kung iniisip **** ibinigay na nila ang lahat sa'yo, pakaisipin mo ring marami silang nakuha mula sa'yo: ang alon ng buhok mo, ang tsokolate **** mata, pantay na mga ngipin, nakakaakit **** ngiti ngunit higit sa lahat nang 'yon, ikaw pa rin ang talo, bakit? dahil minahal ka nila upang iguhit nang tulad nang sa mga pintor: delikado, misteryoso at orihinal. kahit pa ilang tauhan na ang nagdaan, makikita mo ang pagkakaiba ng oras, panahon at lugar; pagkapusyaw at pagkalamlam, katingkaran o putla ng kulay mo sa tuwing magkahawak kayo ng kamay. ikaw ang talo, dahil kahit sinong gagawa ng sariling istorya, ikaw; na tinutukoy niya ay ang laging kontrabida. 'hanggat hindi natututong magsulat ang leon, palaging papupurihan ng mga istorya ang mandirigma.' ikaw ang nang-iwan, unang nilapitan, unang bumitaw sa magpakailanman, ang hindi lumingon sa bawat pagtawag sa pangalan **** kirot na ngayon ang katumbas para bang kalamansing piniga sa sugat na kailanma'y di naghilom at naglaho. pero sa panahong bumakat na sa papiro ang mga letra, hindi na lamang siya ang luluha sa pagkawala mo, ni maiihi sa kwentong una kayong nagkatagpo kailan ba nagkaroon ng pagkakataong inisip lamang ng manunulat ang ngayon at hindi ang bukas na isusulat niya ang mga nangyari nang araw na 'yon? ang unang beses mo siyang halikan sa pisngi, ang panay na pagdantay mo sa kanyang balikat at pagkahawak sa kanyang braso? kailan ba niya malilimutan at ilang beses pa niyang pauulit-ulitin ang gunita ng pagpatak ng mga luha mo sa harapan niya nang walang dahilan kundi dahil masaya kang kasama siya? kailan ba nabuhay ang isang eskribo? sa simula pa lamang ng panahon, kasiping niya gabi-gabi ay ang tinta ng pluma at papel sa harap ng init ng gasera at nagbabagang puso. mamahalin ka niya gamit ang buhay na mga salita papatayin ka niya hangga't di ka na makaahon sa lalim ng bangin kung saan inimbak ang pagtingin niya sa'yo nabuhay siya nang dumating ka nang mga panahong ang mga oras ng kabataan ay itinatapon na, ikaw ang naging gasolina upang magliyab siya oo ikaw na irog niya nabuhay siya upang buhayin ka magpakailanman
0
Jan 9, 2017
Jan 9, 2017 at 4:20 AM UTC
Ikaapat na Taon ng Pagluluksa

24
Sino nga ba ang pipiliin? Ako'y nalilito sa babae'ng mamahalin, Parehas na inaangkin, Sino nga ba ang mamahalin? Sila'y parehas na mahal, Parehas na espesyal, Parehas na minamahal, Sino nga ba ang orihinal? Puso'y nalilito, Ang puso ko'y magulo, Sino nga ba ang paborito? Sino nga ba ang gusto? Parehas na ayaw mawala, Pinipiglan ng masasayang alaala, Pagmamahal sa ka nilang dalawa gusto nang mawala, Upang dina makagawa ng malaking pinsala,
0
Oct 17, 2018
Oct 17, 2018 at 11:34 PM UTC
Nalilito
ang hirap mamatayan ng sigla mula sa dating kinahiligan pagkanta, pagsusulat at iba pa at mas mahirap bumuhay ng namamatay na sigla dahil ang oras ay limitado kahati ang responsibilidad sa mundo at ang dating nagniningas ay humihina na lalong hindi naging mas madali gumawa ng orihinal na bumabase sa gusto ng lipunan o tumatalima sa kasalukuyan o bumabagay sa kapaligiran nawa sa mga taong nakukulangan ng apoy ay bumuhos ang mala-gasolinang inspirasyon at matapos na ang mga kanta mga kwento, liriko pagpinta at mga blangkong espasyo na nag-aasam ng yakap mula sa mga letra, kulay, linya at kung ano pa mang ekspresyon na galing sayo dahil ang matapos ang mga ito ay hindi mo inutang sa mga taong mapangmata nandiskrimina at nanghusga ito'y para mabuo ka muli
0
Jan 14, 2020
Jan 14, 2020 at 7:43 AM UTC
Passion
[isang pagsasalin sa Tagalog, batay sa orihinal na "When tomorrow starts without me" ni David Romano] Kapag nagsimula ang bukas na di ako kasama, at ako’y wala roon upang makita; Kung sisilayan ng araw ang iyong mga mata, na puno ng luhang para sa akin, Sinta; Labis kong nais na hindi ka lumuha, katulad ng sa araw na ito’y iyong ginawa, habang inaalala ang maraming bagay at salita, na hindi nasabi o hindi nawika. Batid ko kung gaanong kamahal mo ako, kasingsidhi ng pag-ibig kong tanging sa iyo, at sa tuwinang ako’y iisipin mo, Alam kong hahanap-hanapin mo ako; Subalit kung ang bukas ay magsimulang wala ako, nawa'y pakaunawain mo, na isang sugo ang dumating at tinawag ang aking ngalan, at ang kamay ko’y kanyang hinawakan, at wika’y handa na ang aking paglulugaran, sa malayo’t mataas na kalangitan, at kailangang lumisa’t talikdan, tanang sa aki’y mahal, lahat ay iiwan. Subalit pagtalikod kong palayo, Isang patak ng luha ko’y tumulo, pagkat buong buhay, lagi kong kinukuro, Ayokong mamatay. Maraming dahilan para ako’y mabuhay, maraming gagawin pang mga bagay, Tila imposible, hindi kailanman, na ikaw mahal ko’y iiwan. Bumalik sa ala-ala ko ang mga araw na nagdaan, ang masasaya’t ang mga kalungkutan, Pumuno sa isip ang pag-ibig nating pinagsaluhan, at lahat ng ating galak at kaligayahan. Kung sa kahapo’y mabubuhay akong muli, kahit man lamang kaunting sandali, Magpapaalam ako’t hahagkan ka at marahil, makikita kong ngingiti ka. Ngunit lubos kong napagtanto, na hindi na kailanman mangyayari ito, sapagkat pagkawala’t mga ala-ala na lamang, ang sa aki’y papalit at maiiwan. At nang maalala ko ang sa mundo’y mga kasayahan, na bukas ay di ko na matitikman, ikaw ang naging laman ng isipan, at puso ko’y napuno ng kalungkutan. Ngunit pagpasok ko sa pinto ng kalangitan, Ramdam ko’y ako’y nakauwi sa tahanan. Pagdungaw ng Bathala’t ako’y nginitian, mula sa kanyang gintong luklukan, Wika’y “Ito ang Walang Hanggan, at lahat ng pangakong sa ‘yo’y inilaan". Sa araw na ito, natapos ang buhay sa lupa, ngunit dito ngayon ang simula. Di ko ipapangako ang kinabukasan, ngunit ang ngayon ay magpakaylanman, at dahil bawat araw ay pareho lamang, ang nakaraa’y hindi na kasasabikan. Ngunit ikaw ay naging matapat at naniwala, tunay at totoo, lubos na nagtiwala. Kahit may panahong may mga hindi tama, na alam **** hindi dapat ginawa. Ngunit ikaw ay pinatawad na at ngayon sa wakas ay malaya na. Kaya’t kamay ko ba’y hindi mo hahawakan at sa buhay ko, ako’y sasamahan? Kaya pag sumulong na ang bukas at wala na ako, huwag **** iisiping nagkalayo tayo, dahil sa tuwinang iisipin mo ako, Nandito lang ako, diyan sa puso mo.
0
Jul 19, 2019
Jul 19, 2019 at 5:11 AM UTC
Kapag nagsimula ang bukas na di ako kasama

70
"ikaw lang at ako, yan ang pangakong binitawan mo, ikaw lang at ako pangako hanggang dulo ikaw lang at ako pangako yan mahal ko. " hindi ko na maalala kung kaylan at paano nagumpisa pero ang sakit at sugat sa puso ay sariwa pa. minahal kita ng totoo at sobra sobra maski nga para sa sarili ko ay hindi na ako nagtira naaalala mo pa ba noong tinanong kita miss pwede ba kitang mahalin? nagbiro ka pa nga "pwede, wag mo lang angkinin" ilang buwan din kitang sinuyo at pinaglaanan ng pansin at sa wakas aking sinseridad ay iyong binigyang pansin ilang buwan din ang lumipas biglang nagiba ang pagtingin ako ba ang nagkulang o sadyang may iba ka na giliw? at akin ngang nalaman buhat sa isang kaibigan ako pala'y walang karapatan sapagkat hindi ako ang orihinal mahirap man pero kailangang tanggapin eto ang kinahinatnan na bigay ng kapalaran ang tanging tanong ko lang bakit ganun naman tao lang ako nagmahal ngunit nasaktan akala koy tunay pagmamahal **** pinakita yun pala'y isang huwad at nakamaskara ang iyong pagibig na ipinupunla sana'y inamin na ng mas maaga upang hindi na umasa pa na may isang taong darating upang aking makapiling
0
Feb 15, 2018
Feb 15, 2018 at 10:14 AM UTC
IKAW LANG AT AKO