Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nasusukat" poems
(Continue reading for English translation) Ang pagiging tao Ay hindi nasusukat Ng mga makamundong salik Na maglalaho lamang; Sapagkat nagiging tao ang tao Sa pamamagitan Ng pagpapakatao. Ang pagiging mahusay na tao Ay ang taos-pusong pakikipagkapwa Sapagkat mabubuo lamang ang tao Bilang tao Sa pamamagitan Ng pagyakap sa kapwa Na pagyakap din Sa sarili-- Dahil ang dalisay na pakikipagkapwa Ay ang paglampas Sa karaniwan Sa limitasyon Sa sarili. Sa bawat paglampas Ang tao ay pinapanganak muli. --- One's personhood Is not measured By worldly factors That will only fade away; Because a person becomes truly himself By being His fullest self. To be an excellent person Is to whole-heartedly reach out to others For man can only be whole As a person Through Embracing others Which is also an act of embracing Oneself-- Because being a sincere person for others Is going beyond The ordinary One's limits Oneself. In each going beyond Man is reborn.
0
Jun 7, 2014
Jun 7, 2014 at 10:40 AM UTC
[aretē]
Sinong mag-aakala Na doon, tayo ay magkakakilala Una kang masilayan, Wala akong ibang naramdaman Sa gilid ng aking mata Ika’y aking nakikita Halos magkatabi Iisang upuan lamang ang pagitan. Sinong mag-aakala na tayo ay iisa; Iisang Diyos pinaglilingkuran, iisa ang pinaniniwalaan Sabay umawit, nagpuri sa Panginoon Na alam nating tapat mula noon hanggang ngayon. Sinong mag-aakala na sa paglipas ng isang linggo Sa dating lugar, tayo'y muling nagtagpo Walang muwang, mga hakbang ko'y patungo pala sa'yo Labi nati'y ngumiti nang ang mga mata natin ay nagsalubong. Lumipas mga araw, Ika’y akin paring natatanaw Nakasama, nakausap, at higit na nakilala Ikaw ay maalam, Nabigyan ng kakayahan Magsalita, mangusap tungkol sa katotohanan. Sinong mag-aakala na damdamin ko’y makukuha mo Ang aking atensyon ay hindi na maialis sa’yo Sa bawat salitang lumalabas sa bibig mo, Tila ang tinig mo’y nagsisilbing musika sa pandinig ko. Sinong mag-aakala na ika'y gugustuhin ko, Makasama sa tuwina, Galak, tanging nadarama Tunay nga’t ang pinagsamahan ay hindi nasusukat, sa kung gaano na katagal magkakilala. Sinong mag-aakala na hanggang ngayon ikaw pa rin ay kasama ko Sa panahon at oras na minsa'y gipit na gipit na ako Tinuruan, nag-iba ang pagtingin ko sa mundo Naging positibo sa lahat ng aspeto. Sinong mag-aakala na ikaw ay aking makikilala Landas na nagtagpo nang dahil kay Bathala Panahon ay susulitin, hindi mamadaliin Upang sa huli ay hindi tayo mabitin! © LMLB
0
Jul 6, 2018
Jul 6, 2018 at 10:37 PM UTC
Kismet
Tagbulaklak uli ngayon Sa manggahang nililingon Na sa nagdaang panahon Saksi sa ating maghapon. Mula Lunes laro’t aral Hanggang B’yernes, walang tumal Puti’t asul di nagtubal Buhok hippie sadyang bawal. Kabataan no’ng nangarap Maabot ang alapaap Ngayong layo’y lubos-ganap ‘Igan pa ring nakaharap. Kaibiga’y nasusukat Di sa yaman ni sa agwat Tunay yaong di napuknat Mula musmos ay matapat. Si Mabini nagwika rin Katapatan ang habilin Kapatid ang sadyang turing Noon, ngayon at bukas din.
0
Apr 8, 2019
Apr 8, 2019 at 7:46 PM UTC
Dalit para kay Jalil