Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Caryl Sep 2015
Ibig sagutin ng aking puso
Paano na nga ba ito?
Paano kung sa bawat ngiti mo
Ay tila ako ay nahuhulog sa iyo

Paano kung sa bawat bigkas mo
Ng mga salita sa tuwing kausap ako
Ako ay napapatulala
Kadalasan ay namamangha

Paano kung wala akong kakayanan
Magsabi ng nararamdaman
Mananatili na lamang bang
Isang lihim sa isang tula

Ngunit kung dumating ang panahon
Sa paghangin, paghampas ng alon
Magkaroon ng pagkakataon
Sasabihin ang damdaming nakabaon

Magiging handa at matapang
Marinig ang iyong ibibigkas
Tatanggapin ba ang aking nararamdaman,
O ito'y hahantong lamang sa wakas
My first try in writing a filipino poem. It's hard for me to have rhymes hahahaha. Okay at least I tried. :)
Louie Clamor Mar 2016
Ito.. Magkatabing nakahiga, nakatingala.
"Kay ganda ng aking nakikita."
Ako sayo'y napatingin,
Kay ganda talaga.

Mga bituin.
Patuloy na nagbibigay buhay
sa gabing walang kakulay kulay

Sinasabi nila na ang mga bituin
lumalabo kapag lumalayo.
Ngunit nakikita parin ang kanyang ganda
Kanyang liwanag,
patuloy kaming namamangha.

Sinasabi nila na ang mga bituin,
ginagamit upang mahanap mo kung saan ka paparoon
Isang instrumento ng direksyon
Mawala ka man,
tumingin ka lang sa kalangitan
tutulungan ka nitong mahanap ang inaasam na daan.

"Bulalakaw!"
Hinawakan ang aking kamay.
Pumikit.
Humiling.

"Anong hiniling mo?"
Wala.
Wala na akong kailangan pang hilingin.
Ika'y tinitigan.
Hindi ko na kailangan ng mga bituin
at mga nagliliparang bulalakaw
Araw man o gabi mahal,
Tanging ikaw.
Oo. Ikaw.
Ang aking naging pinakamamahal na bituin
Na nagbibigay ilaw saking buhay
Na tila isang gabing pagkadilim dilim.
Jose Remillan Sep 2013
Pangarap kong maipinta ka
nang hubo't hubad gamit
ang ang luha at luwad na
lupang humulma sa gayak na
engkantasyon ng aking
mga mata.

Iguguhit ko ang kurba ng iyong
balakang gaya ng along nakikipagniig
sa malaking bato sa dalampasigan.

Ilulugay ko ang mahaba ****
buhok hanggang sa magmistula
itong malabay na lambong
na magkukubli sa'yong
kahinaan.

Igugughit ko ang iyong kabuuhan
gaya ng isang paslit na namamangha
sa hiwaga ng mariposang paroo't
parito sa alindog ng rosas ng
digma.
For Ms. Jinky Tubalinal
Bacoor City, Philippines
May 2013
Pusang Tahimik Dec 2021
Gaano kana kalakas
Sa dami ba ng mga bakas
Na iyong mga dinanas
Sa mundo na marahas

Gaano kana katatag
Hindi na ba binabagabag
Pader ba'y di na matibag
Mahusay na mapagpanggap

Lakas na saan kinukuha
Limot maging pagluha
Sa sakit o kirot natutuwa
At di na namamangha

Sa napaka tagal na mag-isa
Di na kailangan ng iba
Umaasa sa iba
O inaasahan ng iba?

Ang mamon ay bato na
Ito'y matagal na
Lumalakad mag isa
Nang walang pangamba!

Walang mapapala
Kahit ipilit ang salita
Ang lahat waring abala
Sa taong nasanay mag-isa

-JGA
Hunyo Oct 2018
Noong ikaw ay unang makilala, mundo ko ay nag-iba. Isip ko ay umariba, puso ko nama'y tumaba. Sa ganda **** taglay, ako ay napalupaypay. Titig ng iyong mata'y, binura ang dala-dalang lumbay. Buhay ko ay lalong sumaya nang makita kita, Pero ano itong nadarama, pag tumingin sayo'y natutulala.
Hinanap ko ang dahilan at sa wakas ito'y natagpuan. Ang inaasam-asam na katotohanan ay aking nahanap. At nang ito ay nahagilap, nabigla ako't napakurap. Sa sandaling bumukas ang mata ko'y, ikaw ang nakita. At doon ko napagtanto, gusto na pala kita.

Ngayo'y alam ko na kung bakit, paano ko kaya ibabatid ang nararamdaman kong labis. Buong araw nagiisip, halos mapudpod na ang ginagamit kong lapis. O sinta aaminin kong hindi ako makatingin ng direcho. Sa titig mo ba naman kapag magkausap tayo. Di ko makakaila pero nakakakilig syempre, pero  kailangang lumiko, patay malisya nalang ang palusot ko. Simpleng minamasdan ka. Bat di ako nag sasawa? Wala ka mang ginagawa. Sayo ako'y namamangha. Pero ako'y nagtataka. Ano nga ba ang meron ka. Bat sayo ko nakikita. Bagay na wala sa iba.

Nabihag mo ako, gamit ng iyong mga mata, gamit ng iyong mga ngiti, gamit ng iyong maamong mukha. Nabihag mo ako. Wala akong maisip na paraan kung paano mo ito mababasa. Pero kung sakaling ako'y magbabasa sa harapan. Sinisigurado kong ikaw ang dahilan. Dahilan kung bakit nagawa ko itong tula.
Pusang Tahimik Jun 2022
Nauubos na ang batang namamangha
Sa mga mahikang angkin ay pambihira
Tuldok ang sukli sa isip na puno ng katha
At pinako ang tingin sa mundong mapanira

Wala na ang ligalig sa puso at isip
At ang mga bituin ay di na sinisilip
Nangadilim ang paligid sa bawat kong pag-ihip
Sa apoy na waring ang ningas ay pinipilit

Ang pag pakli ng panahon ay isinusumpa
At ang bawat pahina'y lumalalim ang salita
Hanggang kailan kaya guguhit ang paksa
Nang panulat kong nauubusan na ng tinta
By: JGA
Lecius Jan 2021
Yapos parin ako ng ala-ala ng isang madilim na hapon; tulala sa durungawan ng paborito nating kainan, at namamangha sa rumaragasang ulan.

Lubhang napakalamig ng hangin. Katawan ko na'y giniginaw subalit ayaw pa lisanin kan'yang upuan. Na para bang may hinihintay na biglang lumitaw mula sa kawalan.

Nag-babakasakali na ika'y mapadaan, huminto sa aking harapan. Mapakinggan muli mula sa bigat ng pag-patak ng ulan ang iyong tinig-- nais muling boses mo aking marinig.

Ngunit sa mga sandaling ito, habang lumalakas ang buhos ng ulan, malabo na nga kitang tuluyang mahagkan; sumilong kana sa panibagong kainan, na kung saan bago mo na paboritong puntahan-- kasama mo yong kasintahan.
Para sakanya na hindi nag sawa
Para sa isang babae na bigay ng diyos na para saakin ay katumbas ng milyong biyaya
Para sa inang  hindi nag sasawang
Mag bigay ng pag ibig saamin , kanyang pamilya.

Hindi ka nag damot at hindi nag kulang
Ibinigay ang lahat kahit minsan ikaw ay mawawalan na
Hindi ko man masabi ngunit itoy aking nadarama
Ngunit nakikita ko parin ang pag ngiti mo sayong muka

Kaya  iyong anak ay namamangha
May isang ina  na “makalas at pamang unawa”

Madalas man akoy takot sayo ngunit pinadama **** andyan ka at  tatapik sa balikat ko at sasabihing  “huwag ka ng umiyak anak andito lang kami ng iyong ama”

Mapadalas man kitang mapaluha dahil saaking nagagawa ngunit hindi ka nag sawang mahalin ako ng walang pangamba


Salamat at andyan ka simula pa nung una.
Para sayo na hindi nag sawa , mama mahal na mahal kita.
This was written a year ago. Wala akong chance para ibigay sayo mom
Ang mundo ay parang entablado
Tanghalan ng sari-saring talento
Mga manonood dito napapasaya
Naaaliw at namamangha sa kakayahan ng kapwa.

-01/11/2015
(Dumarao)
*Ang Mundong Pook Collection
My Poem No. 311
faranight Mar 2020
madalas kong titigan ang mga lubid na madalas ginagamit sa paggawa ng aming bahay.
namamangha ako dahil mabilis nitong naakyat ang mga bagay bagay kagaya ng semento.
minsan iniisip ko, ano ba ang mas mahirap?
ang paghila nito mula sa taas,
o ikaw mismo ang hinihila papaitaas?
hindi ba't parang parehas lang mabigat at nakakasakal?
mabilis rin kaya ako nito iaakyat sa kapayapaan?
o mananatili na lang nakalambitin at patuloy na lang malulunod sa kalungkutan?
#phpoetry #pinoypoetry #damndamin #maiklingtula

— The End —