Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eternal Envy Dec 2015
Ang sarap pakinggan ng mga kanta sa
Radyo
Mp3 Player
Tv o kahit saan mo pa yan nariinig
Masarap pakinggan lalo na pag damang dama mo
Iba't ibang klase ang mararamdaman mo pag makikinig ka sa mga kanta
Malungkot,masaya,naiiyak,natatawa,kinikilig,naiinis
Masarap­ kumanta lalo na pag ikaw lang mag-isa kasi walang nakakarinig sayo

Pero mas kumanta kung kasama  mo yung taong inaalayan mo nito
Yung taong minsan kang pinsaya
Yung taong minsan kang pinalungkot
Yung taong minsan kang pinaiyak
Yung taong minsan kang pinakaba
Yung taong minsan kang pinatawa

Pero pano kung yung taong inalayan mo ng kanta
minsan kang pinasaya
minsan kang pinalungkot
minsan kang pinakaba
minsan kang pinatawa
Eh nawala na

Paano na
Ano gagawin mo
Ano pang kakantahin mo
Ano iisipin **** paraan para bumalik siya

Kapag naririnig mo yung kantang minsan niyong kinanta ng sabay nalulunkot ka,naiiyak,naiinis kasi pinakawalan mo siya
Iniwan ka niya
Iniwan ka
Iniwan

Yan yung mga salitang mariririnig mo kapag makikinig ng mga kanta
Music is life
maria allyssa Mar 2016
Gusto kita.
Gusto kita, pero hindi maari
Hindi ka puwede maging parte ng oras ko
Na ika'y ilalagay ko sa unahan
ng mahabang listahan
Ng mga taong mahalaga
Dahil importante ka man sa akin,
Ika'y hindi sapat
Para isakripisyo ko ang lahat
Sapagkat ika'y natatanging gusto lamang.

Gusto kita.
Gusto kita, ngunit hindi ko alam.
Hindi ko maiposisyon ang sarili ko
Sa dami ng panahon, oras, at tao,
Sa halo-halong emosyon at salita,
Sa kinalalagyan at kawalan,
At sa mga napakababaw na dahilan
Sapagkat ako'y natatanging gusto lamang.

Gusto kita.
Gusto kita, subalit ako'y pana-panahon lang,
Nandiyan kapag kailangan mo
Kapag ika'y nalulunkot at nalulumbay
Na parang ang mundo'y kinakalaban
Ang puso **** duwag
Pero tumitigil lumaban kapag
Hindi na kailangan
Sapagkat ako'y natatanging gusto lamang.
Poetry written in my native language, Filipino.
I rarely do this. And quite frankly, I deem as not finished as such flow of words still requires that certain depth in it. Nevertheless, it has been a while since I have written. I can't deny this poem took a lot out of me, and still takes so much out of me.

— The End —