Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nahihibang" poems
*Lagi ka na lang nasa isip Sa gabi mangungulit ka sa panaginip Ayaw mo ba ako matulog? Eh halos mahulog Na ang cellphone sa mukha Kakatingin sa picture **** nakakamangha Walanghiya ang iyong mga mata Nakakabighani, parang diwata Nahihibang na ata     Ako pag ang labi mo'y mayroong kalungkutan Nais kitang hagkan ng may katagalan Hanggang sa maramdaman mo ay saya Dahil nandito lang naman ako talaga Kahit ini-SMALL ka nila IniiBIG naman kita*
0
Aug 27, 2015
Aug 27, 2015 at 3:45 AM UTC
Pag ibig nga naman
maaaring ako'y nahihibang na, dahil alam ko namang wala akong pag-asa ngunit ano ang aking magagawa, kung sa masilayan ka lamang ako'y masaya na? nang dahil sayo muli kong naramdaman, ang mga paru-paro sa aking tiyan at ang mga ngiting hindi ko man lang namamalayan, kapag ika'y dumadaan sa isip ko paminsan-minsan hindi nais na mailang ka, kaya nama'y pagtingi'y ginawang sikreto sinubukan ko rin ang lumayo, baka sakaling damdamin ko'y magbago ngunit alam naman natin na ito ay malabo, kasing labo ng minimithi kong "ikaw at ako"
0
Feb 10, 2018
Feb 10, 2018 at 8:51 AM UTC
walang titulo.
Nandito ako sa kabilang panig Nagaantay na muling marinig ang mga tinig  na nawala Sa ibabaw ng aking mundo at ng luha Sa kabilang panig nagbibilang ng mga araw sadyang kay tagal muling pagkikita, nag-aabang Muling pagsasama, nahihibang Paano ba hahanapin ang kahapon Naibaon sa sadlak ng alimuom Dumidikit sa kailaliman ng ilong Ang alaalang hindi maitapon Parang labadang hindi tinuyo ng sinag ng araw, nakulob Sa loob ng damdamin nagkukumahog Naghihikahos, nabuburyong Minsan pang ibalik, alaala lagusan ng saya ata kaba Kelan ka kaya makikita.
0
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 3:17 AM UTC
Wait
Hay nalang pag-ibig, Kailangan pa ba ng taga-usig? Pero sana hindi na, Sana maintindihan ko 'to nang mag-isa. Hetong salita na ito, oo, Talagang sakit sa ulo, Sinasabing ito daw ako, Ha? seryoso ka? ako? inlababo? Di ko maintindihan, Google aking kinailangan, Buti nalang hawak nya ang kasagutan, Kasagutang gumimbal sa aking katauhan. "In love" ang nasabing kahulugan, Diyos ko po, ako'y inyong tigil-tigilan, Nahihibang na yata kayo  aking mga kaibigan, Pero sa katotohanan di ko rin alam ang katotohanan. Kaya tinanong ko ang aking sarili, Tinanong nang walang pagaatubili, Tinanong kung ako nga ba'y umiibig na, Umiibig sa dilag na sa aki'y minsang nagpasaya. Sarili ko, bigyan mo ako ng kasagutan, "Oo" o "hindi" lang naman yan, Ganyan lang naman ka simple, Subalit di ko parin masabi. Dahil di ko maamin, Di ko kayang sabihin, Di ko kayang tanggapin, Ikaw nga siguro'y iniibig ko na, iyo sanang ipagpaumanhin.
0
Jun 5, 2017
Jun 5, 2017 at 10:25 PM UTC
inlababo
Masaya ako nasa pagmulat ng aking mga mata ay mensahe mo agad ang aking makikita Hindi namn nabago dahil simula umpisa ay binabati mo na ako ng "magandang umaga", " kumusta ang tulog mo"? "Kumain kana ba"?Hindi bat masarap sa feeling? Nasa bawat palitan ng ating mga mensahe ay kinakailangan ng paggalang animoy bumabalik sa nakaraan. Parang Lola't lolo mo lang na nangangaral sayo tuwing ikay sasagot ng pabalang. At kapag nawala ang "po" at "opo" sa mga pangungusap na ating binibitawan ay siguradong away na ang labanan, tampuhan, at suyuan. Bakit hindi ka nag "oopo"? Bakit walang "po"? Galit kaba? Ano bang ginawa ko sayo? Mga palitan ng salita na hindi natin sigurado kung may patutunguhan paba. Naalala ko pa nga nung gabing hindi ka nagrereply sa mga message ko. At mga ilang minuto, hindi ako nakuntento sa tagal ng reply mo. Napa-call na ako, baka bukod sa busy ka e baka may kausap ka ng iba. Para ba akong nahihibang parang sirang plakang hindi ko maintindihan, at hindi ako matatahimik hanggat diko alam ang dahilan ng ilang minutong iyong pananahan hanggang umabot ng ilang oras ay hindi parin nagnonotif... Ang pangalan mo sa phone ko. Hindi na ako nag-atubili hinawakan ko na ang aking telepono, tinawagan kita at naka-ilang miss call ako sayo pero tanging ring lang yung naririnig ko. Hinayaan ko lang ang sarili ko sa panonood sa yt ng mga palabas na nakakatawa. Tulad na lang ng mga prank na walang kwenta. Yung tipong matatawa ka na lng sa kanila. Matatawa ka na lng kasi kahit anong paglimot ang gawin mo ay maiisip mo parin kung bakit wala pa siyang reply sa mga text at calls mo. Sayang naman yung unli call and text na pinaload ko, kung hindi mo rin sasagutin mga tawag at text ko. Hanggang sa umabot na ang umaga, heto ako't mulat parin ang mga mata. Hindi ako dinalaw ng antok dahil mas nangingibabaw ang pag-aalala. At ngayon ko lang narealize na alas otso palang pala kagabi e tulog kana.
0
Mar 21, 2021
Mar 21, 2021 at 8:15 PM UTC
"Tulog"

Continue reading...
15
Teka ako yata ay nagkamali Sa pag bilang ng bawat sandali Ang pangako nga ba ay nawaksi Sa salitang hindi ako nagmamadali? Magandang rosas kahit matinik Ang makita ka'y nakasasabik Matinik man ay di iimik Ang pusong lagi lang tahimik Oo na, pagod na akong maghanap Sa ibabaw ng lupa o alapaap Na makakasama ko sa pangarap Pwede ba'ng ikaw na lang ang pangarap? Pero tila yata nahihibang Kung mali nga'y nabubuang Ngunit diwa'y gising na nakaabang Kikitilin ang pusong nalilibang! Untitled. JGA
0
May 30, 2021
May 30, 2021 at 10:50 AM UTC
Untitled