Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagwagi" poems
Sa pagtatapos ng isang kabanata Malungkot na isasara ang huling pahina Mag-iisip sa sandaling pagpapahinga At magbubukas ng panibagong pahina Hindi na mababago pa ang mga mali Sa mga nagdaang pahinang naitahi Ngunit sa bawat aral na sukli Isusulat ang bagay na nagwagi Minimithi'y maisulat ko nawa Sa panibaong aklat na ginagawa Sa aklat na mayroong pahina Tatlong daan at animnapu't lima Ngunit hindi ako ang nagtatakda ng aking daliri May mga bagay na di alinsunod sa aking wari Ngunit pakiusap hangga't maari Ang iyong layunin nasa Langit ang maghari
0
Jan 3, 2023
Jan 3, 2023 at 6:56 PM UTC
Aklat
Dumating na nga at ako ang nagwagi Sa larong alam kong ako ang masasawi Kaya nama'y tuluyang ikukulong at itatali At tuluyang ako ang sa inyo'y maghahari Wala nang dapat pang pag-usapan Ako ang wagi sa tunggalian Itatago ko na kayo sa kailaliman Sa madilim at malungkot na kadiliman Yayakapin ang ginaw sa taglamig At papatayin ang apoy ng tubig Wala nang lambing mula sa bibig At papatayin ko na ang pag-ibig
0
Feb 9, 2023
Feb 9, 2023 at 10:29 AM UTC
Wagi
071316 Di tayo nagkamaling ipaglaban ang sa atin, Pag-ibig sa Baya'y ipinag-igting, Sa bawat kislap ng kandilang nanlilisik. Minsa'y ang kampana ng puso'y nabibitin, Ilang beses inanod sa nauudlot na pag-irog, Bagkus ang lamat ay natapos Ng kagimbal-gimbal na ulat ng ngayon -- Tayo'y nagwagi, nanalo ang pag-ibig!
0
Jul 13, 2016
Jul 13, 2016 at 8:34 AM UTC
#CHExit
Ang wikang nanlaban, ay ang wikang nanatili. Ang wikang di nag-atubili, ay ang wikang nagwagi. Ang wika ng mga matatapang, ay ang wikang di maaagawan. Ang wikang awitin ng araw at ang wikang tula ng buwan. Ang wikang harana ng habagat at ang wikang isinulat ng dagat. Ang wikang ibinaybay ng alon at ang wikang di aanurin ng baybay. Ang wikang sinambit ng mga ninuno na kailanman ay di mamamatay. Ang wikang ginamit ng mga bayani na habambuhay nang mamamalagi. Ang wikang matapang, ang wika ko magpasawalang-hanggan.
0
Aug 17, 2024
Aug 17, 2024 at 5:49 AM UTC
Ang Wikang Matapang
Ba’t siya pa? Ba’t hindi nalang iba ? Ba’t sa kanya kopa to nadama Jusko ayoko na tama na Ginawa kona ang lahat Pero hindi pa pala sapat Alam ko namang sa pag ibig mo ako’y di karapat dapat, Pero sana naman wag mokong iwan at ituring na parang kalat Kasi kahit na ganito May pinag samahan naman tayo, Diba naging matalik na kaibigan moko? Pero bakit ganito? Mga ginawa koba’y kulang? Oh sadyang manhid ka lang? Andito ako nag pupumilit na mapansin mo Pero ang atensyon mo naka tuon sa ibang tao Di pa tapos ang tula kong ito Andami ko pang mga bagay na gustong itanong sayo Katulad ng bakit siya? At hindi nalang ako? Ba’t mo pa pinadama na parang minahal mo ako? Ganon parin pala Sa huli ako parin pala ang talo Nagwagi siya sa paligsahang ito Siya ang taong binigyan ng ganting pala Siguro kasalan ko din to Dapat pala natuto nako Dapat na kita ko na ang mali ko sa simula palang nito Di pa sana nadurog tong puso ko Dito kona tatapusin to Alam ko na iba ang mahal mo Kaya ako’y gigising na sa panaginip nato At kusang lalayo na sa inyo
0
Nov 8, 2018
Nov 8, 2018 at 9:55 AM UTC
Kusa
57 Limang araw bago ang kasalan Sa umaga’y umulan ang kalangitan 58 Sina Sibo at Loria’y nagkita Kasama ang Diwata ng Lupa 59 May ikalawa pang pagsubok Na sa alipin naman nakatutok 60 Sisidlan ay sa kanya iniabot Tubig dito’y ibubukot 61 Subalit ang lahat ng iyon Magmumula lamang sa mga dahon 62 Kaya buong umaga’y nagtiyaga Ang alipin na punuin ang botelya 63 ‘Di umabot ang tanghali Sa paghamon siya’y nagwagi. -06/19/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:53 PM UTC
Siboloria 9 -Ikalawang Pagsubok-