Pinilit lumaban, ngunit sadyang nahirapan,
Isinuko sa tadhana,ang sitwasyong βdi na tama,
βDi na kailangan na itong emosyon ay mahirapan,
Kayaβt itong iyong kamay na hinahawakan,
ay kusa ko nang binitawanβ¦
Kusa ko nang hinayaan.
Kusa ko nang pinabayaanβ¦
sa hangin kung saan man,
ang kamay na itoβy ramdam ang kalayaan,
Ang kaginhawaan⦠ang kapayapaan.
Nagparaya, Nagpaubaya, Nagpalaya.
Bakit tila hirap akong itoβy maunawaan?
Tila hindi mapalagay itong pusoβt isipanβ¦
At tunay na umasa sa kamalianβ¦
Kawalan ay tila tinakasanβ¦
Balakid ay aking kinalimutanβ¦
Naglakas loob dahil nasasaktan,
Ininda ang natatanging kahinaan,
At hinarap ang tatlong kalakasan.
NAGPARAYA
Sa tadhana akoβy nagparayaβ¦
Nagparaya na sa kanyaβy maging taya,
Nagparaya sa kanyang maging tanga,
At nagparaya sa larong kayduga.
NAGPAUBAYA
Nagpaubaya nang natatanging biyaya,
Nagpaubayang ang luha ay tumulo sa lupa,
Nagpaubayang ang puso ay magambala,
At lamunin ng takot sa muling pagkikita.
NAGPALAYA
Ang huli ngunit kaysakit na aking magagawa,
Nang umabot sa puntong akoβy nagpalaya,
Nagpalaya kahit nagmistula nang kawawa,
Ang pusong nagmahal lamangβ¦
ngunit βdi nakamit ang laya.
Kayaβt sa huling pagkakataong akoβy gagawa,
Nang aksyong sa salita ko ay aakma,
Ay yun ay ang panahong ako ayβ¦
Nagparaya, Nagpaubaya, at Nagpalaya.