Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagpapatawa" poems
Salo-salo ang lahat: Nakaupo, nakadekuwatro Sa isang mahabang bangko. Ayos lang Kahit medyo masikip At nagkikiskisan ang mga siko. Ang mesa'y nilatagan Ng dahon ng saging. Bawal ang maarte; Walang mga pinggan At iba pang kagamitan. Nakakamay ang lahat sa pagkain Ng maiging inihaw Na sariwang malaman na tilapia. Meron ding mga gulay Na pinakuluan at nilaga: May kangkong, Okra, sitaw at talong. Samahan mo pa Ng hiniwa at tinadtad na Pulang sibuyas at kamatis, Na may halong bagoong At piga ng kalamansi. At sa wakas, ang panghimagas: Mga gintong mangga Na ubod ng tamis. .   .   .   .   . Napapasarap Ang pinakasimpleng handa Samahan lang ng kuwentuhang Nagpapasaya at nagpapatawa At siyempre kung salo-salo Ang buong pamilya.
0
Feb 22, 2014
Feb 22, 2014 at 6:41 AM UTC
Sa Hapagkainan
Sa sobrang mapagbiro **** tao Tumawa ka lang Nang umamin akong nahulog na ko sayo. Ginawa **** isa sa mga bagay na tinatawanan mo Ang pag-ibig na hinahandog ko. Sinabayan mo pa ng halakhak At may kasama pang pagluha Habang puso ko'y binibiyak Sa itsura ng iyong pagkaaliw Sa mga binitawan kong salita. Hinayaan lang kita. Ang sabi ko Kahit ginawa mo lang biro Ang pag-amin ko Ang mahalaga napangiti naman kita. Dumalas ang pagsasama natin. Hindi na ko nagpapatawa Pero sabi mo kusa kitang napapangiti. Nakwento mo sakin na Noong umamin ako Hindi mo lang alam kung ano Ang isasagot mo kaya tumawa ka lang. Ako naman tong napagod na Sa kakatawa, Sa mga "pabiro" kong pagsuyo sayo. Kaya sa wakas, Ng Dumating ang araw na sinabi **** Mahal mo na din ako, Hindi ko alam kung bakit Pero Natawa na lang din ako.
0
Aug 16, 2015
Aug 16, 2015 at 4:42 AM UTC
Biro ng tadhana
Akala koy ako lang pero ako pala yung kaibigan lang yung akala koy ako ang dahilan sa bawat tawa mo pero ang totoo ay siya pala yung nagpapatawa sayo Yung mga masasayang pagkakataon na naging alaala na nabaon mo sa limot na Akala koy minahal mo ng totoo pero puso koy pinaglaruan mo Akala koy totoo ang lahat ng pinakita mo pero ginamit mo lang pala ako Yung akala koy mag-isa lang ako Pero di ko alam na may kakambal ako Puso koy lumundag nang masilayan ka pero ang pagsilay mo ang pagbulag sa mga mata ko Nagbubulag-bulagan sa mga katotohanan Katotohanang di ko gustong paniniwalaan Yung Ikaw at Siya ay naging KAYO akala ko Ikaw at ako para magiging tayo Pero bakit Naging K yung T? Yung akala koy ako ang kasama mo sa mga pangarap mo Kasama nga ako pero bilang taga hanga mo Akala koy ako ang hahawakan ng iyong mga kamay habang naglalakad patungong altar ngunit..... Yung nasa likod ko pala ang yung hahawakan mo at isa lamang akong bisita sa kasal ninyo. at sa kahuli hulihang tingin mo sakin nabasa ko saiyong mga bibig ang mga katagang na "Salamat dahil tinulongan mo ako,iingatan ko siya at pangako di ko sasaktan yung bestfriend mo"
0
Mar 12, 2018
Mar 12, 2018 at 6:40 PM UTC
Maling Akala
O kay rami ng mga bilang, O kay rami ding kabilang, Sa kumpol ng mga braha, Isasalaysay ang aking storya. Sampu, sampung taon siguro ang hihintayin ko bago ka maligawan, Siyam, ika'y naumpisahang magustuhan habang nasa ika syam na baitang, Walo, palitan mo lang ang letrang o ng a, yan ang pag-asa ko, Pito, dahil nung ika pitong baitang, di agad nakilala, Anim, at sana sa anim na taon sa aking sekondarya ang bawat araw ay mahalaga, Lima, at sana sa ikalimang taon, ikay mas makilala pa, Apat, apat na araw nalang ang natitira sa linggong ito, Tatlo, at mahigit pa sa tatlong oras ang naigugugol ko sa pagsulyap minsan sa iyo, Dalawa, dalawang taon nalang ang natitira na ikay makakasama, Kahit di man ako ang iyong hari, ituturing naman kitang reyna, sabihing ako'y tuso man, o yung madalas na nagpapatawa, Ang hiling ko'y maging alas mo aking sinta.
0
Sep 11, 2017
Sep 11, 2017 at 8:15 AM UTC
Baraha