Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagkukumahog" poems
Gising na naman ng alas dos ng gabi Hinihingal at pinagpapawisan ng sobra Mula sa isang bangungot ako’y nagising Nagising sa katotohanang parang bangungot din. Hindi mapigilang bumuhos ang mga luha Puno ng hinagpis mula sa kahapong mapait Bawat hikbi at buntong-hininga pilit pinipigil Habang nagkukumahog hanapin ang nawawala Damdaming nagtitimpi ay biglang pumutok Mga emosyong rumagasa ng walang habas Mula sa nasirang prinsa ng aking puso Umaagos papunta sa mga matang ayaw tumahan Hinahanap-hanap pa rin ang ‘yong haplos Pati mga halik na ibinuhos sa aking mga labi Unti-unting nawawala ang wangis mo sa ating kama Ang kamang nilisan mo nung ako’y iniwan mo Gabi-gabing iniisip ang mga dahilan Kung bakit dun pa sa ating kalungkutan Bigla mo na lang akong isinantabi’t iniwan Kahit pa nangako tayo ng walang hanggan Hinahanap-hanap pa rin ang ‘yong anino Mga bakas ng kahapong gustong balikan Ngunit kahit kailanman at ano man ang gawin Hinding-hindi ko na muling mararanasan Sana’y naririnig ang mga sigaw ng puso Na nagtitiis sa sakit habang nangungulila sa’yo Sana’y marinig muli ang mga salitang “Mahal kita” mula sa’yong mga labi Kaya nandito pa rin ako sa ating dulo Inaantay ang malabong pagbabalik mo Kahit ang puso’y nawawalan na ng pag-asa Pilit hinihiling ang katuparan ng mga “sana” Pag-ibig ko’y iyo pa rin Nag-aantay sa kamang unti-unting nilalamig Ang mga bisig na ang tanging nais Ang yakapin at hagkan kang muli
0
Feb 8, 2019
Feb 8, 2019 at 6:04 AM UTC
Alas Dos
Tulad ng isang hangin na hindi makita Nakabalot sa walang hanggang pangarap. Ang bawat sandaling hindi mahagilap Nag-aabang, nagkukumahog na aking malasap. Lamyos ng iyong tingin. Nakasusulasok sa aking damdamin. Hindi masilayan. Isa kang sinag na hindi mahawakan. Hindi ko maintindihan, saan nga ba nagmula. Ang damdaming hindi naman maaring isakatuparan. Tanging iniisip ay ang ikaw ay makitang muli. Paano ba ipasasang-tabi ang bangungot ng huling sandali. Ito ang aking diwa, ito ang aking panaghoy. Isang tulang walang pamagat. Dulot ang Isang walang hanggang sugat. Paano ba itutula, Isang tulang walang Pamagat? Sa simula ng pagsanaysay. pilit na nilalakbay. Saan nga ba mahahagilap. Ang isang Tulang Walang Pamagat. Tulad ng Isang Sinag, Hindi lubos Ilapat. Ang Bawat salitang lumalabas, tulad ng Ulan, pumapatak. Sa kalaliman ng Gabi. Pawis ay Tumatagaktak. Dumating na nga ba ang Tamang Oras. Na sa iyo ay Ilabas. Ito ang Aking Panaghoy Isang Tulang Walang Pamagat. Dulot ang Isang Walang Hanggang Sugat. Paano ba Itutula. Isang Tulang Walang Pamagat Balang Araw maitutula rin. Ang aking nararamdaman. Lubos na pagsinta at pagmamahal. Habang Hindi Pa Makakaya. Ito muna ang isang Tulang Walang Pamagat.
0
Sep 22, 2015
Sep 22, 2015 at 12:17 AM UTC
Walang Pamagat
Isang umagang maaliwalas, Lumingon ka sakanya Bahagdan ng paghanga ay tumaas pa Sinabi sa sarili, oo sana siya na Agam-agam na nagtiwala ka, Hanggang isang araw, hulog kana talaga Pag-ibig na dumatal, Akala’y totoo Noon pala ay bunga lamang ng imahinasyong lito, Akala mo siya na para sayo, Ikaw lang pala nagkukumahog na maging kayo Napag-tanto ang totoo, Natakot ka, Di alam kung paano kukumprontahin siya Hanggang sa isang araw, suko kana talaga Wala na si kilig, Lambing O paghanga sakanya Lahat naglaho, Nang matuklasan **** Lalaki din pala ang tipo niya.. Malungot na pagwawakas diba? Walang magagawa, di ikaw nakaTADHANA sakanya.
0
Jun 20, 2016
Jun 20, 2016 at 4:38 AM UTC
MAPAGKUNWARi si TADHANA
Nandito ako sa kabilang panig Nagaantay na muling marinig ang mga tinig  na nawala Sa ibabaw ng aking mundo at ng luha Sa kabilang panig nagbibilang ng mga araw sadyang kay tagal muling pagkikita, nag-aabang Muling pagsasama, nahihibang Paano ba hahanapin ang kahapon Naibaon sa sadlak ng alimuom Dumidikit sa kailaliman ng ilong Ang alaalang hindi maitapon Parang labadang hindi tinuyo ng sinag ng araw, nakulob Sa loob ng damdamin nagkukumahog Naghihikahos, nabuburyong Minsan pang ibalik, alaala lagusan ng saya ata kaba Kelan ka kaya makikita.
0
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 3:17 AM UTC
Wait
Ubos na ang mga panahong hindi kailangan magmadali Yung pagising sa umaga na hindi na kailangan ng nagwawalang awtomatikong orasan Sa kakamadali ay nalilimutan nating magsoot ng pambahay na tsinelas pagbangon sa kama, Maging ang pagharap sa salamin at pagbati ng "magandang umaga" ay lipas na Ang mga pandesal at almusal na dati'y pinagsasaluhan sa lamesa, ngayo'y sa umaandar na sasakyan na inuubos okaya naman minsan ay dumadaan sa isang kainan para doon makakain Kung noon ay sinusulit ang bawat hakbang ng mga lakad at napapansin ang mga bulaklak at dahon sa iyong paligid Nalipasan na ng oras ang dati'y hindi ka tumatakbo at nagkukumahog, pinabilis ang pag-asam ng panahon Kung babalik pa sa kahapon, Lumipas na ang kapeng ilang beses **** hinalo't di na alam kung tunaw na ba ang bawat piraso ng oras kaya't di na napansing lumamig na sa paglipas ng oras At sana, sa bawat pagmamadali at takbong gawin para makarating Huwag mo sanang kalimutan Na oras man ang kaaway, Nakadikit ito sa ala-alang bumuo sa pagkatao natin Muli, ipapa-alala ko na huwag mo sanang kalimutang pwede ka magdahan-dahan Ipahinga mo ang iyong mga paa Dahil ubos na ang panahong hindi tayo nagmamadali Kaya sana, hayaan mo munang mag-isa ang mundo at umupo ka muna sandali Gumising kang hindi gula't sa nagwawalang orasan at isoot ang sapin sa paang sabik nang ihatid ka sa hapag-kainan Timplahin mo ang kapeng mainit at hintaying matunaw ang bawat piraso At doon, malalasahan mo, ang tunay ng sarap ng bawat segundong matagal mo nang hindi napapansing pinapalipas mo
0
Dec 2, 2019
Dec 2, 2019 at 10:22 AM UTC
94

Continue reading...
20