"minalas" poems
Leron, leron sinta
Kay tagal kong hinanap
Sa lahat ng sulok, sa lahat ng kanto.
Bawat bulong, bawat banggit
Baka sakaling maituro sa akin
Ang pangalan mo.
Buko ng papaya
Natatangi sa 'king paningin
Ikaw ang dahilan
Kung bakit may kaba sa dibdib
May tamis ang ngiti
May kislap ang mga mata.
Dala-dala'y buslo
Nilalaman nito'y puso
Pusong minsan nang nabigo
Ngunit pinatibok **** muli
Tangan ng aking mga kamay
Nanganganib na ibigay
Sa 'yo.
Sisidlan ng bunga
Duyan ng mga pangarap
Mga alaalang ipipinta pa lamang
Sa hinaharap na sana'y
Sasalubungin ko
Na kasama ka.
Pagdating sa dulo
Matapos ang lahat ng dasal
Pananalangin sa Maykapal
Nakabitin sa gilid ng bangin
Handa nang mahulog
O matagal nang nahulog?
Nabali ang sanga
Pumutok ang bula
Natunaw ang tuwa
Nabasag ang pag-asang
Pinanghawakan
At iningat-ingatan.
Kapos kapalaran
Minalas lang ba
O sadyang malas na talaga?
Malupit ang tadhana.
Sa gulong ng palad
Parang laging nasa ibaba.
Humanap ng iba
Hindi ngayon, hindi bukas
O kahit sa susunod na linggo
Pero balang araw
Magtatapos din
Sa masayang wakas.
May 8, 2015
May 8, 2015 at 1:20 PM UTC
Lagi ka na lang
tourist spot na ayos picture-an,
handa pag may birthday lang,
extreme sport na masayang subukan,
gown pag debut, dress pag kasalan,
leap year pag pinagpala,
blue moon pag may himala,
lakad ng barkada kung tuloy ang aya.
One time, big time.
Kailan ka kaya magiging
tambayan anuman ang dahilan,
kanin sa kahit anong ulam,
basketball na laging andiyan,
t-shirt, shorts, pants na 'di pangmayaman,
a-kinse at a-trenta pag minalas,
new moon, full moon at lahat ng quarter,
fixed date.
Big time, all the time.
Aug 5, 2016
Aug 5, 2016 at 12:40 PM UTC
Sintas Man Ay Kalas
Luma Na At Pigtas
Sapatos At Medyas
Dibaleng May Pintas
Kamisetang Butas
At Maong Na Kupas
Pigtal Na Tsinelas
Hindi Pa Parehas
Tinotonong Kwerdas
karakrus ang kwintas
sa sugal ay utas
pati pato hulas
bahala na bukas
tawagin mang takas
hihiram ng lakas
tatagay ng wagas
nalango sa wakas
kamay lang may hugas
bahid, patak, tagas
palay naging bigas
kahapon ay bakas
sing-linaw ng habas
nahinog ang prutas
ngunit di pinitas
bagsak mula taas
sabik na pumatas
kahit pa lumabas
tinatagong Katas
Tinukso Ng Ahas
Yinapos Ang Angas
Kinapos Sa Alas
Nilukso Yung Dahas
Natisod, Nadulas
Kasi Nga Nangahas
Kung Dati Minalas
Nadapang May Bangas
Babangong Matikas
Sa Mali iiwas
panata kong tagos
dalangin ay lubos
payak man ang lapis
yakap Di Pa labis
sugat na may hapis
ginamot ng kapis
Tila Tala Lihis
Kutitap Sa Bilis
Araw May Silahis
kidlat ang hagibis
mukha na manipis
nagpalit ng bihis
hahakbang sa libis
Layon Ay Malinis
Patama Ay Daplis
Ngunit May Hinagpis
Pinawi Ng Haplos
Animan na agos
Timplang Nalamukos
Animo Ay Musmos
Siglang Dinaraos
Biyaya Ay Puspos !!!
Jan 13, 2022
Jan 13, 2022 at 1:28 PM UTC
Hindi ko nais na ika'y talikuran, sa aking likuran alam 'kong iyong luha'y pumatak. Hindi ko nais na ika'y bitawan sa aking mga kamay, hindi ko sinasadyang ika'y pakawalan sa gitna ng ulan ngunit kamay mo'y nadulas ako'y minalas. Inakalang walang hanggan. pagmamahal sayo'y nawalay. Patawad.
Hindi ko nais na ika'y kalimutan, sa lahat ng bagay Ikaw ay gumabay, Hindi ko nais na mawalan ng pag ibig, sa ibang tao ay napaibig. Hindi ko nais na iba ang naisin, at sa araw araw ibang tao ang nasa isip. hindi ko nais na saktan ka noong araw na sinabi 'kong may mahal na 'kong iba. Hindi ko nais na magsinungaling kaya't katotohanan ay isinambit. Walang nagawa ang iyong mga matang singkit, na dati'y nakakapanindig. patawad. Hindi ko nais na Puso ko'y tumibok ulit, at hindi Ikaw ang dahilan kung bakit.
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 11:00 AM UTC