Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JK Cabresos Sep 2016
Milyun-milyong mga blankong mukha,
pipintahan,  
papahiran ng pintora
ang iba’t ibang kastilyo ng pangarap.

Subalit sa paglipas ng panahon
ang mga kastilyong ito’y rurupok,
at sa isang ihip ng hangin  
ay pwede ‘tong gibain.  

Masasanay kang matalo,
para sa atin ‘tong mundo.
Para sa atin,
hindi para sa kanila,
kailanman hindi ‘to masasakop
ng mga mapapait na luha.  

Nasanay ka na sa panonood
ng mga teleserye o pelikulang
kung ano ang theme song
ay ‘yon din ang pamagat.  

Nasanay ka nang mag-abang
sa paiba-ibang kulay na buhok
ni Vice Ganda, o ni Yeng Constantino,
ang umasa rin sa paiba-ibang desisyon
ng mga tao sa paligid mo.

Nasanay ka nang magmahal ang gasolina,
at iba pang mga bilihin  
ngunit hindi ang magmahal ng totoo,  
dahil takot kang masaktan ulit,
ang iwanan, o umasa ulit,
sa isang relasyong pang-post lang
sa FB, IG o Twitter,
‘yong pang-“#relationshipgoals” lang,
nasanay ka na pero takot ka pa rin.  

Nasanay ka na sa mga surprise quiz.
Sa exams. Sa reporting. Sa thesis.
Sa Singko, INC, Withdraw o Drop.
Sa pag-jaywalking,
dahil late na naman sa 7:30 AM class.  
Sa paulit-ulit na sorry.  
Sa paulit-ulit ding pagpapatawad.
Sa paghahanap ng ka-red string.
Sa paghahanap ng ka-forever.
Sa mabagal na internet.
Sa job interview. Sa gobyerno.    

Masasanay ka ring matalo
dahil ganito ang konsepto ng mundo.
Patitikman ka muna ng pagkabigo,
bago ka ulit maging buo.      

Baka rin bukas-makalawa
maiisipan mo nang mag-aral ng mabuti  
at iwasang ang usapang mabote,
ang bumangon ng maaga
at hindi papatayin ang naka-set na alarm,
ang maging totoo
sa taong nagmamahal sa ‘yo,
o kaya subukang ipa-Photoshop
ang 2x2 picture mo sa resume
para sa paparating na job interview.  

Masasanay ka ring matalo,
masasanay ka rin sa mga peklat mo sa puso.
Dahil hindi ito matatapalan
ng pulga-pulgadang concealer ng Maybelline,
o kahit ubusin mo pa
ang stock sa AVON, sa Watson, sa HBC, o sa Lazada.  

Kaya tanggapin mo na lang  
na ang buhay ay puno ng pagkatalo,
dahil sa huli para sa atin din naman ang mundo,
kaya wala kang dahilan para sumuko,
dahil ang sumusuko lang ang natatalo,
at ang hindi takot sumubok ulit
ang tunay na panalo.
aL Jan 2019
Pagpuna ng makatarungang nilalang sa kabila ng lahat ng mga kahabagan ng buhay. Maaaring tanging yaman na maituturing ng iyong tainga na nabibingi na sa karahasan at ingay ng iyong paligid na nilalakaran.

Naging libangan na ng iyong mga paa na tumayo sa maling lugar. Masasanay narin ang iyong katawan na maging haligi na lamang ay iyong mga paa. Sa mapangaping buhay na wala nang kasiguraduhan.

Nakaakbay ang kaybigan **** kalungkutan, mula sa paggising hanggang sa pagidlip ng mga mata **** pilit na tinatago ang hapis ng mga luhang maari mo sanang ilabas, ibahagi at iluha sa aking harapan.

Ako naman ay naghihintay, iyo ako ay tunay na mangiibig, sa iyong pagsibol, sa iyong pamumulaklak at sa iyong pagkalanta, sa kahit anong oras na iyong mapagpasyahan. Ano man ang mangyari ako ay maaari **** sandalan.

Ang pagmamahal ay tulad ng isang anino, maaari **** palaging madadala, ngunit kung ang iyong desisyon ay magkulong sa dilim, ako ay wala nang magagawa. Tanging mananatili siguro ay pagtingin kong nakatatak sa kanyang isipan.
waiting like a fool.
Malalagkit na mga halik
Amoy ng alak at yosi,
kumakapit sa damit
Kaunting barya,
puri ang kapalit
Eto ang turo ni inay
"Kapalan mo ang lipstick anak,
hindi magtatagal ikaw di'y masasanay"
manipis na tela
ang bumalot sa murang katawan ni Teresa
"Sariwang-sariwa!"
hindi magkamayaw ang mga kalalakihan
Sa entablado kinalimutan
ang nagdurusang puso
binalatan nang dahandahan



-Tula XI, Margaret Austin Go
inggo Jan 2016
Hindi ito madali
Dahil ikaw ay nakatali
Sa iyong nakaraan
Di alam ang pupuntahan

Subukan **** ngumiti
Kahit paunti-unti
Kahit pangisi ngisi
Masasanay muli ang labi

Sisikat na ang araw
Hindi na palaging madilim
Gagaan ang mga dinadala
Rurupok na ang alaalang matalim

Mga sugat ay maghihilom
Luha'y hindi na maiinom
Mukha mo ay muling magkakakulay
Handa ka na muling ipagpatuloy ang buhay
para sa babaeng kilala ko na nasasaktan pa sa mga nangyari.
zee Aug 2019
unti-unti na lang bang masasanay?
tila nalanta na at wala nang buhay
ang mundo na sabay nating binuo
natutuliro, nababalisa at hindi mapalagay
ang dating mga usapang hindi maubos-ubos
ngayon ay para na lang kandilang nauupos

hindi alam kung paano, bakit at ano ang nangyari
bigla na lang nagbago; wala man lang pasabi.
nawalan na nga ba ng gana ang tadhana sa'tin
o sadyang ito na ang huling hantungan natin?

maaari bang samahan mo akong lumaban at agapan ang ating nararamdamang tinatangay na ng hangin sa kawalan?
akala ko ba'y sabay pa nating pagmamasdan ang marahan na paglubog na araw ngunit bakit tila parang mauuna pa ang ating istoryang hindi pa nga nasisimulan?
Hanzou 7d
Paano ako uusad kung sa bawat minuto hinahanap ko siya?
Sa bawat paglipas ng araw ang nasa isip ko ay siya?
Paano maghahanap ng iba kung sa pagtatapos namin ay nagpanggap lang ako na tanggap ko na?
Paano masasanay na wala nang kami sa panahong kuntento na?
Paano naging ako na lang ang dating ikaw at ako kung ang kapalit ng pagiging malaya ay kawalan ng aking ligaya?

— The End —