Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mapatawad" poems
Wala Akong Magawa Nagsimula lahat ito noong nabasa ko ang sulat mo Unti-unti kong binasa ang bawat letra na sinasambit mo Ramdam ko ang sakit, pagmamahal at panghihinayang na iyong nararamdaman Pero wala akong magawa dahil ako ay may kasalanan. Akala ko sa una lang to pero bakit habang tumatagal ay lalong bumabaon sa aking puso. Ang hirap kalimutan ang mga panahon na tayo'y pinagtagpo Lagi kung pinagdarasal na balang araw ay mapatawad mo ako Pero ito ay iyong tatandaan, gagawin ko ang lahat para matupad ang aking pangako.
0
Nov 22, 2015
Nov 22, 2015 at 1:38 AM UTC
Promise
Isang taon na umaasa ako na ako ang uunahin mo kahit hindi mo pa nakuha ang matamis kung "Oo". Pero sana mapatawad mo ako sa pangbabalewala ko noon. Mahal kita pero hindi mo malalaman 'to.
0
Feb 16, 2016
Feb 16, 2016 at 6:48 AM UTC
Karma
Matagal-tagal na rin simula nang magkasama tayo sa upuang ito, nagkukwentuhan sa mga bagay-bagay na mas lalong nagpalapit sa akin sa'yo. Mas nakilala natin ang bawat isa at mas lumubo ang ating pagkakaibigan, at dahil sa mga pagsubok ay mas lalo pang tumibay ang ating samahan. Minsan ma'y di ako kumikibo at kung minsan ma'y di ako nagsasalita, pero di mo lang alam na sa puso ko ay minamahal na kita. Madalas man ako'y dumidistansya at kung minsan nakaupo na nga ako sa dulo, ngunit sana'y mapatawad, ganito talaga ako e, nandito lang naman ako palagi sa tabi mo. Matagal-tagal na rin simula nang nakasama kita sa upuang ito, naghihintay sa pagkakataong makitang muli ang iyong matatamis na mga ngiti. Teka lang! Maiba nga, yung mga paa ko nangangalay na... Pwede bang tayo na?
0
Feb 24, 2013
Feb 24, 2013 at 9:33 PM UTC
Upuan
Patawad dahil ako'y naging sakit lamang ng ulo Pinipilit ang mga bagay na gusto ko Naiintindihan ko na kung bakit ako'y pinapagalitan mo Tanda lamang na ako'y mahal na mahal mo Ina'y salamat sa syam na buwang ako'y dala dala mo Salamat dahil ako'y hinayaan **** makita ang mundo Salamat dahil isa kag napakalaking regalo Ina sana'y mapatawad mo ang mga asal ko Naiinis, nagagalit, nanggigigil sa tuwing ako'y inuutusan mo Patawad aking Ina sa mga pagkakasala Nais kong hagkan ka Nais kong sabihin sayong mahal na mahal kita Patawad, pangako kong ito'y dina mauulit pa Ipapadama kona kung gano ka kahalaga Habang nabubuhay ka pa Dahil sa pagdating ng panahon alam kong ika'y lilisan na Kaya ina'y hayaan **** ako'y alagaan kita Dahil sa gantong paraan maipadama kong mahal na mahal kita
0
Oct 30, 2018
Oct 30, 2018 at 11:06 PM UTC
Ina
Tulungan mo kong makalimot sa pait na iyong idinulot. Tulungan mo kong makabangon sa sakit ng kahapon. Tulungan mo kong turuan ang sarili ko, turuan ang sarili ko na umibig muli ng ibang tao. Tulungan mo kong maging masaya muli dahil lungkot sa mga mata koy hindi na maikubli. Tulungan mo kong kalimutan ka, kalimutan ka ng sa ganon buhay koy lumigaya. Tulungan mo ko at baka sakaling mapatawad ko ang tulad mo.
0
May 22, 2016
May 22, 2016 at 11:05 PM UTC
Tulungan Mo 'Ko
Alam ko tong daan na to, Daang patungo sa'yo. Daang paulit ulit na lalakarin, Makita ka lang, ang laging hangarin. Paa'y di mapapagod sa paglakad, Hindi mapipigilan na kahit na sino man. Ako sana'y iyong mapatawad Sa mga pagkukulang ko noon paman. Hinahanap-hanap ang mga ngiti mo Ngiti **** nagbibigay ng saya sa katulad ko. Gustong-gustong marinig yung boses mo. Boses **** tila magandang awit sa mga tenga ko. Kaya't kahit gaano man kalayo, gaano man katagal Hindi mapapagod ang pusong magmahal. Kahit ano pang pagsubok ang harapin sa daan, Makita ka lamang, mahawakan at mahagkan. Gustuhin man nila akong lumakad palayo sa'yo. Lagi ko paring tatahakin ang daang patungo sa'yo
0
Oct 25, 2018
Oct 25, 2018 at 10:28 AM UTC
Patungo sa'yo
Alam kong minsan ay nabagabag ka Nang ako sa iyo’y umalipusta Isipin mo na sindaya ko nga Iyon ay dahil ako’y makasarili sa tuwina Walang gabi na hindi ko ipinagdarasal sa Diyos Na ang sumpang ito ay sana matapos Gusto ko na tayo’y malinaw na makapag-ayos At mapatawad mo na nang lubos. -03/30/2012 (Dumarao) *Walong Maiikling Tula ng Kahapon, Ngayon at Bukas
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:25 PM UTC
Bati na Tayo!
Hi this is my spoken poetry that I made, I'm not a professional, So by the way I hope you like it. If you like this poem dont forget to like and share love you mga marupok. 😊 Mahal, hanggang saan ako kakapit sa "PANGAKO" mo hanggang kelan ko pang- hahawakan yung "PANGAKO" mona babalikan mo ko Lahat ba ng "PANGAKO" mo ay patuloy na mapapako patuloy parin ba akong aasa o dapat ba na bitawan kona upang hindi na ko tuluyan pang masaktan ng ganito Iiyak, mag-tatanong sa sarili kung hanggang kelan ako magiging ganito? kung hanggang kelan ako magpapaka-tanga sayo Nakakapagod na, pero mahal padin kita, nakakasakit na, pero umaasa padin ako, gusto ko ng sumuko, pero paano kung bumalik kapa kung kelan sumuko na ko sa pag-asang pinanghahawakan ko. Sana ako'y mapatawad mo kung ako'y tuluyan ng susuko at bibitaw sayo, mahal kung hindi ko ito gagawin patuloy padin akong makukulong sa sakit at sa pag-asa kong babalik kapa Sana ako'y maintindihan mo paalam at ako'y tuluyan ng lilisan at tuluyan ng bibitawan ang "PANGAKO" mo na patuloy na nag- papasakit sa damdamin ko.
0
Mar 12, 2023
Mar 12, 2023 at 12:55 PM UTC
Pangako