Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sa malamig na umaga
At nag yeyelong gabi
Nais ko sanang humigop ng mainit na kape
Sa nag babagang tanghali
At mainit na hapon
Kape namang malamig dulot ng yelo

Asukal , gatas o kahit pa barako
Nag iiba ang lasa kapag ikaw ang kasama ko
Sa malamig na umaga o kahit mainit na hapon
Habang nag kukuwento ka kasabay ng pag halo
May kasamang saya kapeng  ihaharap mo

Kagaya ng buhay natin pareho
May matamis , mapakla at kahit pa mapait
Basta mula ito sa iyong puso
Ay lugod kong tatanggapin

Tanggapin mo sana itong kape ng buhay
Sapagkat itong ihahandog ay may tunay na timpla
May kapaitan mang taglay
Hindi mawawalan ng tamis ,  kape ng buhay

Kaya sinta , samahan mo ako nawa
Sa umaga , tanghali , dapit hapon at gabi
Dahil ang kapeng iaalay ay kape ng buhay
Na may saya ,  lumbay at sakit
Ngunit pinatamis at hinalo
Ng tunay na pag-ibig
This poem is for a  friend ! Bless you guys always

(Inaayos ko palang to)
JOJO C PINCA Nov 2017
Kung ang bunga ng isang makata ay tula
humihingi ako ng paumanhin
sapagkat mapakla
at hindi matamis ang sa akin.

Gusto ko sanang saysayin
sa paraang patula
ang buhay mo at dalita
na tulad sa bulaklak
ay nalanta nang ikaw ay dahasin
ng mga puting dayuhan.

Ikaw ang Sisa na nabaliw
sa paghahanap ng iyong Crispin at Basilio,
Babaylan kang hinubaran ng dangal
sa harap ng madla,
subalit ikaw din ang Gabriela
na nag-armas at lumaban.

Inang Bayan ko
na sakbibi lagi ng lumbay
kailan mo kaya makakamtan
ang tunay na kalayaan
na kay tagal mo nang inaasam?

Wala kang maasahan
sa mga anak **** hangal
na parang birhing matimtiman
na laging nakaluhod
sa paanan ng dayuhan;
mga putang walang kahihiyaan
na ibenibenta lagi ang puri mo't dangal.
Carl Oct 2018
Kung mayroon akong pinakaayaw na almusal
Iyon ay yung lulunukin kong katotohanan na  lilipas
ang bawat oras, papatak ang bawat segundo ng napakagulong
buhay ko na wala ka.
Sayang lang, Ang ganda kasi nung mga eksenang pinangarap ko
Na buo na ang bahay na ang palapag ay tatlo, Pagpasok mo rito,
ikaw ay nakaupo sa sala na binuo ng mga pangarap mo at oo.
Nang hihinayang ako, paglulutuan sana kita tapos gigising ka sa umaga na may mainit na kape ka nang nakatimpla.

Pero inabot na kasi tayo ng takipsilim
Nagwakas ang mga pangarap na almusal nang magsimula ka nang maglihim
Nang umalis ka na lang dahil hindi mo rin naman kayang magkwento at umamin
Noong humingi ako ng ilang segundo ng katotohanan matapos ang ilang taon kong inakalang hinding-hindi ka magiging sinungaling.

Alam ko balang araw, masaya kana sa iyong bagong kasama.
Sa mga munting eksena na nag lalaro sa isip ko, gusto ko na yung eksenang masaya ka na lang sa iba.
At balang araw hindi na tayo masusuka sa mapakla at mapait na almusal ng ating pag-ibig, salamat, totoo.

Salamat sa hindi na manguyang pag-ibig mo.
Taltoy May 2018
Dalawang katapusan,
Sa bawat pangyayari,
Tagumpay o kabiguan,
Di ka makakapili.


Hindi tiyak ang lahat,
Tamis ba o alat,
Ano ang magiging timpla?
Hangganan, anong lasa?

Mapait, mapakla,
Ang mabigo't walang mapala,
Pinagkaitan ng tadhana,
Biniyayaan ng luha.


Dahil wala namang tiyak,
Ika'y ngingiti o baka naman iiyak,
Sa lahat ng pagkakataon maaari kang mabigo,
At ang kalungkutan ang sayo'y susundo.
:(

— The End —