Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mamadaliin" poems
Sinong mag-aakala Na doon, tayo ay magkakakilala Una kang masilayan, Wala akong ibang naramdaman Sa gilid ng aking mata Ika’y aking nakikita Halos magkatabi Iisang upuan lamang ang pagitan. Sinong mag-aakala na tayo ay iisa; Iisang Diyos pinaglilingkuran, iisa ang pinaniniwalaan Sabay umawit, nagpuri sa Panginoon Na alam nating tapat mula noon hanggang ngayon. Sinong mag-aakala na sa paglipas ng isang linggo Sa dating lugar, tayo'y muling nagtagpo Walang muwang, mga hakbang ko'y patungo pala sa'yo Labi nati'y ngumiti nang ang mga mata natin ay nagsalubong. Lumipas mga araw, Ika’y akin paring natatanaw Nakasama, nakausap, at higit na nakilala Ikaw ay maalam, Nabigyan ng kakayahan Magsalita, mangusap tungkol sa katotohanan. Sinong mag-aakala na damdamin ko’y makukuha mo Ang aking atensyon ay hindi na maialis sa’yo Sa bawat salitang lumalabas sa bibig mo, Tila ang tinig mo’y nagsisilbing musika sa pandinig ko. Sinong mag-aakala na ika'y gugustuhin ko, Makasama sa tuwina, Galak, tanging nadarama Tunay nga’t ang pinagsamahan ay hindi nasusukat, sa kung gaano na katagal magkakilala. Sinong mag-aakala na hanggang ngayon ikaw pa rin ay kasama ko Sa panahon at oras na minsa'y gipit na gipit na ako Tinuruan, nag-iba ang pagtingin ko sa mundo Naging positibo sa lahat ng aspeto. Sinong mag-aakala na ikaw ay aking makikilala Landas na nagtagpo nang dahil kay Bathala Panahon ay susulitin, hindi mamadaliin Upang sa huli ay hindi tayo mabitin! © LMLB
0
Jul 6, 2018
Jul 6, 2018 at 10:37 PM UTC
Kismet
"Sakit" SAKIT, limang letra ngunit pag naramdaman mo parang mawawasak ang mundo. Limang letra ngunit pag naramdaman mo parang ayaw mo ng kumain ng husto. Bakit ba kasi nararamdaman to? Bakit ba kasi naimbinto ang salitang ito? At huli sa lahat, bakit ba kasi nararamdaman ko to? Nakakatawa lang dahil noon ikaw ang nagpapasaya sa sistema ko ngunit bakit ngayon ikaw na ang nagdudulot ng sakit na nararamdaman ko? Ba't kasi lumisan? Ba't kasi nangaliwa? Ba't kasi hindi nakuntento? Hindi ba ako sapat para sa iyo? O sadyang hindi ka lang nakuntento? Nagkulang ba ang pagmamahal sa iyo? O gusto mo lang talaga ng malaking suso? Minahal naman kita ng higit pa sa sarili ko ha? Kaya nga ako naghihirap at nasasaktan na hindi dapat nararapat sa pagkatao ko. Napakawalang hiya mo din ano? Minahal lang naman kita pero ang isinukli mo ay sakit na panghabang buhay na paghihirapan ko. Siguro ganon nga talaga. Siguro hindi ka lang talaga para sa tulad ko'ng higit kung magmahal. Siguro hindi lang talaga tayo para sa isa't isa. Masakit mang aminin pero kailangang tanggapin. Masakit mang sabihin pero kailangan kang mawala sa akin. Hindi mamadaliin puso'ng umiiyak at humihiling na sana'y maging akin pagmamahal mo'ng hindi matutumbasan ni'no man. Ngunit sa ngayon, puso'y papahingahin dahil nasaktan ng husto ng ikaw ay aking mahalin. Hindi ko man gusto'ng magpaalam ngunit kailangan dahil may masasaktan at patuloy na masasaktan. Sa ngayon, paalam aking mahal. Nawa'y maging masaya ang puso mo sa taong pinili mo. Ngayon ko sasabihin ang mga katagang 'Mahal kita ngunit pagod na ang puso ko'ng masaktan at umasa kung ikaw ba'y babalik pa.'
0
Apr 8, 2020
Apr 8, 2020 at 11:29 PM UTC
Sakit

Continue reading...
26
sobrang layo na ng ating mga ala-ala minsan, hindi ko na tanaw minsan, napalitan na ng sakit gusto ko na lang bumitaw alam ko naman ipagpapalit mo rin ako makakahanap ka ng bago pag-ibig mo ay hihinto sa pag-ikot ng mundo mga ala ala ay lumabo lumipas na kasama ng panahon siguro, dapat ko ng ibaon ilang sandali na lang luluwag na ang kapit gigising na ulit pero ngayon ako’y mulat, mulat sa katotohanang hanggang dito na lang ang lahat pinagbitaw na ako ng katotohanan tapos na ang dahan dahang pagtanggap mamadaliin na, pagkat sobrang tagal na at kahit sobrang mahal pa rin kita ako ay bibitaw, patawarin mo sana.
0
Apr 8, 2019
Apr 8, 2019 at 7:17 AM UTC
paano kita bibitawan