Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magmumukha" poems
Kailan ba akong pwede magalit? Minsan tinitiis ko na lang talaga. Hindi ko alam kung anong maaring mangyari Pag nagtanim ako ng galit sa puso ko. Kailan ba akong pwede magalit? Kapag nasanay ka na nakangiti ako? Yun pala, sinisira mo na rin ako, Kailan ba akong pwedeng magalit? Kapag alam ko na, "bes, ikaw na lang talaga nakikita ko... I’ll always look up to you." Hanggang sa ikaw na rin ang magpapabagsak sa akin. Naniwala ako na totoo yung mga sinasabi mo sa akin. Naniwala ako pero kasalanan kong maniwala sa'yo. Paumahin kasi mali atang tao ang aking napuntahan. Kasalanan kong gusto ko matuto tungkol sa'yo kasi ayaw ng iba. Kasalanan ko na nagpakatotoo ako sa una pa lang. Kasalanan ko na tayo ay naging magkaibigan. Kasalanan kong makita kung gaano ka kabait sa akin kasi ginusto kitang makasama. Kailan ba akong pwedeng magalit? Kapag ako ba'y patay na? Kapag patay na ako, Kaya mo ba ako buhayin pa? “Oo”, o “baka”. Pero, ‘di mo na mabababalik Ang dating kaibigan **** gusto kang samahan... Kahit ilang segundo lamang o sandali. Oo, nirerespeto kita dahil dapat lang. Pero, ‘wag ka magsinungaling. Dahil ‘di mo alam na ika’y nananakit. Pinapatay mo na talaga ako, sakim. Kaibigan? Sino ka nga ba talaga? Ikaw ba talaga ay isa kong kilala? O baka nasa mundo akong wala akong halaga. Yung tipo na mas may halaga pa ang Bente-sinko na sentimo kaysa sa akin. Kaibigan nga ba? O napagtripan lang? Kailan ba akong pwedeng magalit? Nasanay ka na nga sa aking mga tawa’t ngiti... Minsan rin pala ay ‘di mo na kilala ang aking mga labi. Minsa’y parang totoo ang mga sinasabi. Pero sana naman ay binasa mo ang aking mga mata, At sana rin ay ika’y nakakakita. Sana mabasa mo ako gamit ang iyong puso, O,  hanap ng hanap, yun pala’y wala. Hays, huwag na at baka ako ay umasa pa. Bakit naman ako maghahanap ng mga bagay na wala na? Kasi magmumukha akong walang utak, Na hindi tinatanggap ang katotohanan. Hindi mo naman rin ako kayang ipapasok sa mundo mo, Nakapagtataka, ngunit napakagulo at napakakomplikado. May minamahal man akong kapatid mo, Minsan ay nadadamay sa sakit dahil sa’yo. Ang puso ko ay nasa bawat isa... Nasaan naman ang sa’yo? Wala ba? Oo, ang puso ko ay nag-aalab sa mga apoy, Ngunit nagmamahal kahit naususunog at nawawala na. Oo, galit na galit ako pero mahal pa rin kita, Kaibigan ko, ikaw nga ba ay isa? Kaibigan ko, kailan ko ba masasabi ang aking nadarama? Oo, ako’y minsan walang utak pero nagmamahal. Walang utak, bulag, pero may puso parin. Ayoko na masaktan, at ‘wag mo na ako papasukin... Sa mundo **** parang kathang-isip lamang. Oo, mga sinungaling at ako’y iyong pina-ikut-ikutin. Huwag mo na lang ako muling paniwalain At ‘wag na ring pagud-pagurin... Kaibigan, paumanhin, ika’y dapat respetuhin. Kailan ba akong pwedeng magalit?
0
Feb 28, 2018
Feb 28, 2018 at 5:06 AM UTC
Kailan Ba Akong Pwede Magalit?

Continue reading...
68
Ngayon alam ko na ang tadhana, ang dahilan ng paghanga, ang dahilan ng paniniwala, at ang dahilan kong bakit 'yung tayo nawala. Tinadhana tayong magtagpo, tinadhana ang salitang "tayo" para sa ikaw at ako. Tinadhana tayong magbago. Tinadhana rin tayo para sumuko. Ganyan kagaling ang tadhana, hindi mo alam kong mali ba o tama, pasasayahin ka pero kaakibat ay luha. Masakit man pero dapat paghirapan, dahil di lahat ng relasyon napupunta sa kasiyahan, 'yong iba'y walang sawang kalungkutan. Tanggapin na natin ang katotohanan na magmamahal ka pero masasaktan ka, magpapahalaga ka pero iiwanan ka rin niya, pasasasayahin ka pero paaasahin ka. Tanggapin na natin, na wala talagang tamang relasyon sa inyong dalawa, na magmumukha ka lang kawawa pag iniwan ka niya, na magluluksa kana naman sa kaniyang pagkawala. Tanggapin na natin, ay oo nga pala di mo pa pala kayang tanggapin, na 'yong dati niyong relasyo'y naging hangin, kasabay nang pagguho ng inyong mga hangarin. Hindi mo pa pala, kayang tanggapin na matagal ka nang pinaglaruan, at di naman talaga pagmamahal ang kaniyang naramdaman.
0
Apr 3, 2020
Apr 3, 2020 at 7:53 AM UTC
"Masakit ang Katotohanan"
Isa, dalawa, tatlo, Lahat ng jeep ay puno. Wala ni isang nag tangkang sa 'kin ay huminto, Itinaas ang aking kamay at inunat ang hintuturo. Sumenyas na manong pasabit nalang po, At sa pag arangkada ng jeep mo ngayon, Bakit maraming mata sakin ang nakatuon? Inuusisa ang bawat parte ng aking katauhan, Na para bang andami-rami nilang katanungan. Bakit sumabit kapa? P'wede namang mag abang ka nalang sa iba, Magmumukha ka lang diyang tanga, Kaya boy mabuti pang bumitaw kana. Kahit maraming tutol sa aking pagpapasiya. Kahit ang kamay ko ay medyo dumudulas na. Kahit pa ang bisig ko ay nangangalay na, Hinigpitan ko pa ang kapit dahil ayoko ng mahulog pa sa iba. Kumapit ako sa bawat salitang sinabi mo, At inabot ko ang bayad simbolo ng pag-ibig ko. Tama naman ang sukli, barya at bawat sentimo, Pero bakit tila walang pasahero ang nais mag-abot nito? Marahil hindi pa sila handa, Na hayaan kang suklian ang salitang "mahal kita", Pero 'wag kang mag-alala, Dahil maghihintay ako sa panahon na kung saan lahat ay tama na. Kung sakali mang may bumabang pasahero sa may unahan, At magkaroon ako ng puwang sa iyong sasakyan, Handa akong iwanan ang pagkakasabit ko sa likuran, Para samahan kang bumiyahe dito sa mundong walang kasiguraduhan.
0
Jul 8, 2018
Jul 8, 2018 at 9:17 AM UTC
SABIT SA JEEP NG PAGIBIG
Hanggang kailan? Hanggang kailan ako masasaktan? Hanggang kailan ako lalaban? Hanggang kailan ko kakayanin? Tao din ako, napapagod din. Palagi nalang ba ganito? Ano pa bang bago? 'Pag nagmahal ako Maiiwan at masasaktan din naman ako. Dapat itigil ko na 'to Kasi pinapahirapan ko lang naman 'yung sarili ko 'Di na tama 'to Pero dahil tanga ako, 'Yung puso ko patuloy pa ring umiibig sa maling tao. Seryoso naman ako? Wala naman akong sinasaktang tao? Pero bakit ganito? Patuloy pa rin akong nagmamahal ng maling tao. Sabi nila kapag nagmamahal ka magmumukha ka talagang tanga Pero paano kung pauulit ulit na? Grabe na. Hindi ko na kaya. Sobrang hirap na. Pagod na pagod na talaga ako. Tama na. Ayoko na. Kahit mahirap, dahil mahal kita Papalayain na kita. Hanggang dito nalang ako. Paalam na sayo.
0
Jul 14, 2018
Jul 14, 2018 at 10:51 PM UTC
Hanggang Kailan?