Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
011521

Iaalay ko ang aking katha
Sa mga sumusubok sa landas na kayhirap pasukin
At ang sigaw nila'y kalayaan sa pagpili
Kung saan ba ang kani-kanilang tatahakin.

Malayang pagpili --
Pagpili sa hindi lamang gusto,
Ngunit pagpili sa kung ano nga ba
Ang tunay na nararapat.

Kaakibat ng pagpili,
Ay ang pagtimbang sa kung ano bang
Makabuluhan sa panglahat na kapakanan.
Hindi tayo pipili dahil tayo'y makasarili,
Bagkus tayo'y pipili dahil ito'y ating pinag-isipan.

Bakit ba gusto nating tahakin kung nasaan
Naroon na ang lahat?
At ang lipon ng bawat kulay ng bahaghari
Ay sama-samang pumoprotesta
Sa kani-kanilang adhikain.

Minsan, gusto nating matahimik..
Tahimik na lumalaban
Hindi gaya ng mga nasa lansangan
At itinatali ang sarili
Sa kanilang nasanayang batas.

Tayo'y hahalili sa kahapong nagtapos na henerasyon,
O baka nalimot mo na ring
tayo'y demokrasya na ngayon
Ngunit mga alipin ng baluktot na administrasyon noon..

Ano nga ba ang malinis na konsensya
Sa bayan kong dinungisan na ng pawis
Ng iba'ibang ganid na mga bansa?
O minsan nga'y masakit pa pala ang malaman
Na tayo rin mismo ang sumira
At lumaspangan sa bandila nating
Noo'y dugo ang nasa itaas.

Sakim ang ating mga sarili
Pagkat tayo'y nauuhaw pa
Sa pansarili nating kalayaan.
Tayo'y walang ipinag-iba
Sa mga pailalim na bigayan
At pagsalo sa kaso ng iba,
Pagtalikod sa karapatang ipinaglalaban
Ng mga naging bihag sa selda.

Habang ang iba'y naghahalakhakan
At pawang mga hangal
Sa kanilang pagbalot sa sarili
Patungo sa bukas
Na hihimlay sa kani-kanilang mga hukay.

Susuong ka pa ba?
Kaya mo pa bang magbulag-bulagan?
Pero sa buhay na iyong pipiliin,
Piliin mo sana ang daang matuwid.
At paano mo nga malalaman
Ang mas higit sa timbangan
Kung ang iyong pamantayan
Ay sirang orasan at papel na ginintuan..

Nasayo ang hatol
Ang hatol kung saan ka lulusong
Kung saan ka makikiuso..
112815 #3:50PM #ISIS

“Kami’y may balitang
Banta ng kaimbihan
Lipon nami’y
Ni hindi ninyo matitiktikan!”

“Humihikbi kami’t di titikim sa pauso.
Lisan ninyo ang bayang hindi pag-aari!
Baya’y pangako, kayo’y hindi kasapi!”

“Nakatalaga ang bala
Para sa hindi patitikom-bibig,
Walang bantulot buhat sa grasya
Kaya’t kami’y gawaran!”

“Langit ang uukil sa inyong pagtataksil!
Hukom ay dalisay at may patas na tingin.
Kung dugo ang kapalit,
Kami’y hindi patitikom,
Ni hindi yuyuko
Sa nabinat nyong kariktan.”

“Patiyad kayo’t magmakaawa,
Humiling na sa Hari nyong may dunong!”

Naghihilakbot sila bagkus di paaayon,
Sa yungib ng kaluluwa’y
Ginagagap ang pangako.
Sila’y bayaning tigmak sa pakikibaka’t
Bilang ang mga martir na Maharlika.

Naulinigan ang mga sumirit na armas,
Kanilang patibong
Na may nanlilisik na batas.
Bagkus ang atungal ng lupon ng Liwanag,
Espada’y tatangayin
Hanggang sa huling paghinga.
Alexander Ochoa Dec 2019
Ang kadakilaan ng mga salita,
gaano man ang labis
ay may hanggan.
Kahit pa sa isang libong sanaysay
ipaliwanag sa'yo
kung ano ka para sa akin
na halos hangin
kung paano kita kailanganin;
Pira-pirasong basag ang saysay ng lahat ng talinhaga sa katotohanan na
walang anumang lipon ng mga salita
ang kaya kong pagsamahin
para magpabalik sa'yo.

— The End —