"kultura" poems
Sa pag-aaral natin ng panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong pumanday ng ating matatayog at mararangal na simulain na naging puhunan sa pagbuo ng isang lipunan.
Sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng panitikan, mapalalawak at magagawang mahusay ng isang **** ang pagtuturo ng aaignaturang Filipino.
Maaaring maiakma ang iba't ibang istratehiya upang mahikayat nang lubos ang interested ng mga mag-aaral at hawing kawili-wili ang oras nila lalo na sa pagbabasa sa pamamagitan ng paggamit ng tula, kwento, sanaysay, talambuhay, awit, bugtong, salawikain, sawikain, balagtasan at iba pa.
Mahalagang maituturing ang panitikan sa edukasyon sa maraming paraan tulad ng mga teleseryeng napapanood sa telebisyon na kadalasang pinanonood ng mga kabataan na siyang kapupulutan ng maraming aral at magandang halimbawa sa buhay ng tao.
Ang panitikan ay laging kasama sa kurikulum ng bawat paaralan bagamat ang bawat rehiyon ay mayaman sa tradisyon at kultura. Ang mga pasalindilang panitikan ay napapangkat sa mga sumusunod na uri ayon sa anyo ng pagkakatulad ng mga ito: kuwentong bayan, kasabihan, bugtong, salawikain, sawikain, sabi-sabi, palaisipan at balagtasan. Naglalarawan ito sa kanilang katutubong katalinuhan, kaalaman, karanasan, pananampalataya at iba pa.
Patuloy ang pamumunga ng panitikang Filipino sa pamamagitan ng mga makabagong manunulat na may paninindigan at pagpapahalaga sa ugat, kasaysayan, kultura at lipunan. Mayabong itong nabubuhay sa patabang kaalaman at kamalayan, patubig ng limbagan at midya at paaraw sa modernisasyon at globalisasyon.
Ito ang isa sa likas na tumutulong sa tagumpay ng isang banda at bawat bansa sa buong mundo. Kayamanang hindi mawawala.
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:41 AM UTC
"bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? sapagkat ang paglisan sa sariling ina upang sumuso sa bukal na buhay ng ibang dibdib ay isang pailalim na pamimirata. at sa daigdig, ang mga limahong ay matatagpuan sa lahat ng lahi at sa lahat ng kulay. kapag pinag-usapan si Limahong, bawat kinapal na nakatapak sa lupang hindi niya kakulay ay dapat paghinalaan" - Edgardo M. Reyes, SA MGA KUKO NG LIWANAG
bakit ang piratang tsino na si Limahong at hindi ang rebolusyunaryong si Komrad Mao ang napadpad dito sa ating dalampasigan? bakit ang mga piratang tulad ni Limahong ang dumami at lumaganap sa bansang Pilipinas?
oo, laganap ang mga pirata sa ating bayan, pinirata nila ang ating kabuhayan. matagal na nilang hawak ang ating ekonomiya. kahit saan mo ibaling ang iyong paningin ang mukha ng mga kapitalistang tsino ang lagi **** makikita. lahat sila kamukha ni Limahong. sila ang mga bagong pirata.
kung si Komrad Mao sana ang dito ay sumalta, malamang mga Sosyalista tayo ngayon. hindi sana tayo inaalipin ng mga ganid na Kapitalista. siguro sinlakas na rin tayo ngayon ng tsina. malamang walang tiwaling pulitiko na nagnanakaw sa kaban ng bayan. walang mga gunggong na pinagsasamantalahan ang taong bayan. walang mayaman na mang-aapi sa masang naghihirap. walang kolonyal na kaisipan na iiral, hindi sana tayo lumuluhod sa mga dayuhan. walang magtatatwa ng sariling wika at manghahamak ng sariling kultura. wala sanang maka-dayuhan na paghanga. wala sanang taksil sa sariling lipi. sapagkat lahat ng mga duming ito ay lilinisin at gagawing dalisay ng Cultural Revolution.
bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit si Henry Sy, Lucio Tan, John Gokongwei, Andrew Tan ang mga panginoon at naghahari sa bansang ito? bakit tayo inaalipin ng mga dayuhang ito? putang ina, inaalipin at inaapi tayo dito sa loob ng sarili nating bayan. bakit sila ang nagpapatakbo sa buhay at bansa natin?
bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit ang diwang pirata at hindi ang binhi ng kalayaan ang lumaganap dito sa atin? bakit kapitalismo at hindi sosyalismo ang namayani? bakit tayo mga alipin at hindi malaya?
bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? nakakalungkot isipin na natulad tayo sa South Africa kung saan inalipin ng mga puting dayuhan ang mga katutubong itim. ang Pilipinas ba ang katumbas ng Gaza Strip dito sa South East Asia?
bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit tayo pumapayag na ginaganito tayo? wala silang karapatan na babuyin tayo at hindi sila ang dapat na nakikinabang sa yaman natin.
Nov 26, 2017
Nov 26, 2017 at 11:00 PM UTC
Sa pagdating **** napabalita
Unang sulyap palang namangha na
Gayak na sinauna
Sa paningin mahalina
Musikang kaytanda na
Sa pandinig mahiwaga
Mahalaga ang gabi
Simula ng pagsaksi
Kwento kong inabangan
Hatid niyang kasaysayan
Sa aking talambuhay
Gabing iyon may saysay
Nasa pagtitipon
Mga kaklase noon
Kapitbahay inuman
Masaya ang kwentuhan
Subalit ako’y saglit
Umuwi sa malapit
Iyon ay dahil batid ko
Simula na ng kwento
Ng kanyang unang yugto
Gabing Trenta ng Mayo
Mula nang araw na ‘yon
Pagsubaybay tradisyon
Naging makabuluhan
Likhang pampanitikan
Subalit ‘di naglaon
Nawalan telebisyon
‘Di hadlang gayunpaman
Sa radyo’y pinakinggan
Mula pagkabinukot
Hanggang aliping tulot
Babaylang naging ****
Mandirigmang pinuno
Nilupig at nanlupig
Inusig at nang-usig
Natulig at nanulig
Inibig at umibig
Nagtago at naglakbay
Namatay at nabuhay
Tinanggap at nagpanggap
Naghirap at nilingap
Sakay ng karakoa
Tinungo ibang banwa
Naghanda sa pagbalik
Upang ganti’y ihalik
Sa mabagsik na raha
Na pumatay sa ama
Sa pinunong baluktot
At sa harang nanalot
Mangubat at Angaway
Mga rahang kaaway
Lamitan na ninanay
Nais siyang maging bangkay
Sa kahuli-hulihan
Lahat sila’y talunan
Sa babae ng tagna
Walang iba – Amaya
Salamat, umalagad
Maging hanggang sa sulad
Salamat, kapanalig
Laban sa manlulupig
Salamat, Uray Hilway
Mga tinuran gabay
Salamat kay Bagani
Pag-ibig nanatili
Salamat sa Banal na Laon
Diyos ng mga ninuno noon
Kina Amaya’y panginoon
Tagapagpala ng kanilang nayon
Ang dulo ng epikong kapapanaw
Akala’y ‘di na matatanaw
Salamat sa unang Christmas bonus
May TV na bago taon ay matapos
Mahalaga rin ang gabi
Katapusan ng pagsaksi
Huling yugtong tinunghayan
Ang kamatayan ni Lamitan
Sa aking talambuhay
Gabing iyon rin ay may saysay
Nasa huling burol at lamayan
Bago at matapos subaybayan
Iyon ay kakaibang alaala ko
Sa katapusan ng kwento
Ng kanyang huling yugto
Biyernes – Trese ng Enero
Nagbrown-out pa nga
Habang oras ng balita
Buti nalang at umilaw
Sa tuwa ako’y napahiyaw
Sa pagtunog ng huling musika
At paggalaw ng katapusang eksena
Bukas TV at radyo
Sa makasaysayang mga tagpo
Ngayong gabi ng paglikha
Ng tulang handog sa programa
Unang gabing kapani-panibago
Dahil wala na sa ere ang paborito ko
Subalit ang Alaala ni Amaya
Mga gayak, musika, tauhan at kultura
Mga aral, tinuran, inspirasyon at ideya
Mananatiling buhay sa aking diwa!
-01/16-17/2012
(Dumarao)
*missing my favorite program
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 10:03 PM UTC
Noong isang gabi,
habang hinahanap ang sarili,
natagpuan ang LIKHÂ.
Ako'y natuwa,
dahil nasa entablado sila,
silang mga pinapanood ko lang dati sa internet.
Isa sa mga dahilan kung bakit nagtatanghal
ang tulad kong hangal sa harap ng mga estranghero
at binabahagi ang mga dala-dala kong kwento.
Sila na mga nauna at nagbigay inspirasyon
na lalo pang magsulat at magbasa.
Mga mata'y unti-unti namulat
sa mga bagong imahenasyon,
mga leksyon, direksyon at iba't ibang kaalaman
na galing sa ating henerasyon.
Maraming salamat sa gabing inyong nilikha
para sa mga katulad kong naliligaw
at hindi alam ang patutunguhan.
Nagtagpuan kita.
Aking sarili nahanap kita.
Habang nakikinig sa iba't ibang berso
ay sumasayaw ang mga letra sa utak ko.
Habang lumilipad sa ere ang mga ritmo,
nakita ko ang sarili kong mga tula
na parang mga talang nahulog sa langit
papunta sa sa aking mga kamay
at dali-dali kong itinala sa aking puso
dahil kailangan kong ibahagi
ang sining na aking nabuo.
Hindi pa patay ang mga salita,
gamit ang lapis na hawak
mo sabayan mo akong lumikha mga katha.
Mapa kathang-isip o kathang-puso man ito
ay buhay sila at naghihintay sayo.
Hindi bulag ang mga tula,
kaya ka nitong titigan ka sa mata
hanggang sa magiba ang paligid mo't mawala ka nalang bigla. Hindi bingi ang mga obra, naririnig ka nito,
handang dumamay at unawain ang lahat ng pinagdadaanan mo.
Kaya maraming salamat sa gabing inyong binuo't nilikha.
Halika na, halik ka na, halika't sasamahan kita
sa patuloy na paglikha ng kinabukasan
para sa bayan, kultura, sining at sa iyong sarili,
ipagpatuloy ang nasimulan.
Ipagpatuloy ang sinimulan.
Noong isang gabi, habang hinahanap ang sarili,
natutunan ko kung pano ang magLIKHÂ @theartidope style.
Nov 22, 2017
Nov 22, 2017 at 10:05 PM UTC
Ang pagibig sa karunungan ay walang katapat na halaga. Ang pilosopiya at salapi ay langis at tubig kailanman hindi ito maaaring magsanib. Si Socrates na ama ng pilosopiya ay hindi yumaman ni guminhawa ang kanyang buhay. Ang karunungan ay bahagi ng kaluluwa at ang kaluluwa kahit kelan ay hindi nangailangan ng salapi at materyal na mga bagay. Walang pera sa pilosopiya sapagkat wala rin pilosopiya sa pera.
“Philosophy bakes no bread” pero ito ang pundasyon ng mga sibilisasyon. Ang kultura at ebolusyon ng lahat ng buhay at mga pangyayari at kasaysayan ay nakasalalay sa pag-unlad ng pilosopiya. Ang karunungan ay parang gulong na laging sumusulong. Ang lahat ng sangay ng kaalaman ay nakasalalay sa pilosopiya, pilosopiya ang nagbibigay buhay at nagpapagalaw sa mundo. Ito ang bumabago sa takbo ng panahon at isipan ng bawat henerasyon.
“Philosophy bakes no bread” ang medisina, batas, arkitektura, literatura at lahat ng katha ng isip ay nakasalig sa pilosopiya. Walang kaayusan kung walang pilosopiya. Ito ang mapa ng mundo at kompas ng kasaysayan. Pati ang mga buktot na panukala at mga hangarin ay may bahid ng binaluktot na pilosopiya na binalangkas ng mga taong hangal. Ang pilosopiya ang lumilikha ng yaman at kahirapan depende kung paano ito ginagamit ng mga nasa kapangyarihan.
“Philosophy bakes no bread” pero ito ang kanlungan at kapahingahan; ito ang nagbibigay ng kalayaan. Tanggulan ito ng mga mahihina at walang kayang lumaban. Sulo na nagbibigay liwanag at pumupunit sa dilim ng gabi.
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 9:43 PM UTC
Hayun ang duyan ng paulit-ulit na ikot ng mga salot
Pumapaimbulog sa tatsulok na moog;
Hinubog ng gilingang kasaysayan
Bayan ng kabalintunaan.
Matagal nang yumao ang ating mga anak
Nariyan parin ang mga tabak at alingawngaw ng Balintawak;
Kanlungan ng mga supremong baguntao
Sumisigaw ng pagbabago habang iwinawasiwas
Ang watawat ng mga ismo —komunismo, sosyalismo
Sa rebolusyon ng mga sikmura at makina.
Hayun ang duyan ng nagpapatuloy na kasaysayan
Patuloy na kumakanlong sa nakaraan;
Sa mga dayuhang minsang yumurak at nagwasak
Sa kultura at kakayahan.
Kalimutan natin ang pangakong paraiso
Ang tinatangkilik ng bawat tao,
Ang kasakiman ng lumang simoy
Halika, umahon tayo sa kumunoy
Mga minamahal ito ang kapiraso kong entablado:
Walang ibang daan kundi tayo
Sep 17, 2013
Sep 17, 2013 at 12:42 PM UTC
Kurso sa Batas ang napagtagumpayan
Nagsimulang **** hanggang Pangalawang Pangulo
Isinulong ang Bayanihan at Unahin ang Bayan
Napasigla negosyo, kultura at nasyonalismo.
-12/23/2014
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahong Pilak Collection
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:28 PM UTC
*it's not exactly Walt Whitman's o captain my captain in reference to Abraham Lincoln.*
to społeczeństwo jest gnój...
to społeczeństwo jest... szambo,
daj mi kandydata na prezydenta
z koła Navajo! dawaj kurwa!
bo tego nigra nie zdołam przetrawić
w ramach jego Nobla!
pierdolona kukła białasów!
o tak panie prezydencie, no tak
panie prezydencie... dziecko chcem
wysłać na Harvard... może pan pomoże
z wojęnką na bliskim wschodzie?
pięknie panie prezydencie,
dziękujemy za zbieranie włókna larw ciem.
ah panie prezydencie, jaka piękna sciema!
jaka piękna mgła! ah tak panie
prezydencie... kultura nie była asz tak
zgodnie zparowana z siłą! hip hop hooray
nad top z pana wagarami władzy
chodem po cmentarzu!
Apr 8, 2016
Apr 8, 2016 at 9:08 PM UTC
Ako lang naman yaong hamak na kapuluan
Sa kontinenteng Asya bandang timog-silangan
Na minsan mo nang dinayo at pinagkanlungan.
España, me todavia en tu memoria?
‘Di ba’t hindi ako ang marapat na sadyain?
Ika’y nagkamali sa dinaungang lupain!
Subalit bakit ka pa nagpumilit sa akin?
España, me todavia en tu memoria?
Ano bang nasilayan at ako’y binihag mo?
Ikaw pa ang naghandog sa akin ng ngalan ko
Bininyagan na maging Romano Katoliko.
España, me todavia en tu memoria?
Langis ng Kristiyanismo ako ay binuhusan
‘Di nga lang lubos dumaloy hanggang talampakan
Na kay Allah ay tali na noon pa man.
España, me todavia en tu memoria?
Tatlong daan, tatlumpu’t taong alipin
Dugo’t laman ko’y pinagpumilitang bigkisin
Sa kultura’t kamalayang dayuhan sa akin.
España, me todavia en tu memoria?
Ano bang taglay mo’t nagtiis din sa’yo?
Mga dantao’y inabot bago napagtanto
Pag-alpas na marapat mula paniniil mo!
España, me todavia en tu memoria?
Ginang ng karagatan kung ikaw ay turingan
Ako’y isa lang pala sa’yong anak-anakan
Na sa kapangyarihan mo’y nakipagkumpulan.
España, me todavia en tu memoria?
Ngayon ay isandaan at sampung taon narin
Ang nakalipas nang ako ay iyong lisanin
Pero siguradong ikaw ay nandito parin.
España, me todavia en tu memoria?
Bayani kong si Rizal sa’yo ay nagtungo
Upang ipabatid ang aking panlulumo
Wika mo’y inaral ngunit balewala sa’yo.
España, me todavia en tu memoria?
Ngayon ako naman kung nais maunawaan
Ang tulang ito na sa’yo ang patukuyan
Ang wika kong ito naman ang ‘yong pag-aralan.
España, me todavia en tu memoria?
España, ako ba’y nasa iyo pang gunita?
-08/01/2008
(Miagao)
*for PI 100 under Sir Sansait
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 2:07 AM UTC
Ang aming salita ay unti unti nang naglalaho.
Ang mga karanasan noong unang panahon ay hindi na nababasa.
Ang mga masining na kultura´t tradisyon ay mistulang larawan na lamang ng nakaraan.
Ang mga masasayang okasyon ay isa na lamang pangarap.
Ang lahat ng ito ay nawala sa pagdating ng bago, Inay.
Pilit ka man nilang palitan, ang dugo mo pa rin ang nananalaytay sa amin.
Ang pagkaPilipino ay hinding hindi mapapalitan gaano man karaming lenggwahe, kagamitan o oportunidad ang dumating.
Ako ay titindig at magsasalita pa rin ng lenggwaheng aking ipagmamalaki saanman sa mundo.
Para sayo aking Inang Pilipinas, kami ay aasenso nang hindi nakakalimut sa nakaraan.
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 9:31 AM UTC
I am a daughter
I am a sister
I am a friend
I am a woman
I am a Chamorro woman
I am a Chamorro-Japanese woman
I am a woman of Guahån
I am a woman of the Marianas Islands
My ancestors walked these roads as I do now
They sweat under the same sun as I
They protect me when danger is near
They bless me with guidance
But the military takes that away
They are turning the land of my ancestors in shooting ranges
They took my family's land
They took what wasn't theirs to take
My island, my language, my culture, they are all slipping away into oblivion because Mother Guahån is being destroyed
Prutehi yan defendi i kultura
(Protect and defend your culture)
Mar 7, 2018
Mar 7, 2018 at 3:49 PM UTC
112622
Balikan natin ang mga pahina ng kasaysayan
Bagamat may iilang tekstong isinawalang-bahala na.
Mga pahinang hindi na nagawaran
Ng konkretong kalinawagan
Bunsod sa kusang pagpapasakop natin
Sa mga banyagang hayagang dumidikta
Sa ating kultura maging adhikain.
Hindi man natin nalimot
Na tayo’y minsang nakipisan sa mga bahay kubo,
Tayo pa rin ay tumawid sa lubid ng kamangmangan —
Ilang ulit na‘t tila ba hindi na tayo natuto sa mga kamalian ng nakaraan
Hindi lang tayo basta nabitag,
Bagkus rehas ay atin pang ipinagtibay.
Oo, tayo lang naman ang bumihag sa ating mga sarili
Kusang sumiping at nagpatali
Hanggang huli na nang mamalayang
Hirap na pala tayong kumawala
Sa mga buhol na tayo mismo ang may sulsi.
Iniibig natin ang Pilipinas gamit ang ating bibig
Ngunit ang bandilang ating iwinawagayway
Ay hindi na pala ang sariling atin.
Hindi masamang makisabay sa uso
Ngunit wag nating kaligtaan na tayo’y mga Anak ng Bayan.
Hindi rin mainam na tayo’y magpasakop
Sa samu’t saring ideolohiyang inihahain sa atin.
Pagkat hindi porket nasa hapag na’y
Ito’y para sa ating upang nanamnamin.
Wag kang hangal, Inang Bayan!
Isinisiwalat natin na tayo’y tunay na mga kayumanggi
Gamit ang mga sandatang hiram
Ngunit sa ating pakikibaka’y
Hindi ba sapat ang ating armas
At kailangan pang umasa sa kanilang lunas?
Pluma ang naging sandata noon
Ngunit maging ang ating Bayani’y
Hinayaan na nating maging pipi.
Mga lata’y maiingay
Sa araw-araw nating pakikipagkalakal.
Kahit saan tayo sumipat,
Tayo’y natutukso pa rin —
Bumibigay at bumibitaw, nalilimot maging tapat.
Aahon nang nakapikit,
Maging lenggwahe’y pahiram na rin.
At kung tayo ang huhusga
Sa ating walang modong mga nagawa’y
Linisin natin ang sarili nating mga dumi’t
Wag nang hayaang maging pabigat sa iba.
At Bandilang ginula-gulanit
Ay sama-sama nating susulsihing muli
Nang ang mga galos ng nakaraa’y
Maging umaapaw na pabaon sa ating mga iiwan.
Sa pamamagitan ng ating pagbubuklod,
Tayo’y magiging isang buong Pamilya.
At magbabalik ang sigla
Na minsan nating hinayaang kainin ng mga bukbok
At anay ng ating pagkawatak-watak.
Nov 28, 2022
Nov 28, 2022 at 9:45 PM UTC
isa
isa kang alamat sa pagkanta
parte ka na ng aking kultura
dalawa
dalawang taon na
mahal pa din kita
tatlo
Minahal kita ng buo
Minahal mo nga ba ako
apat
akoy naging tapat
ngunit di naging sapat
lima
panglimang talata
nasa isip pa din kita
anim
mundo ko'y dumilim
nang umalis ka sa aking piling
pito
ika'y aking sinalo
hnd pala ako ang hinihintay mo
walo
di pa ako natututo
at hnd na matututo
siyam
Matagal mo nang alam
aking nararamdaman
sampu
ako na ba ang dapat sumuko
sa labang umpisa pa lng ako na ang talo
tapos na ako magbilang hanggang sampu
natatakot pa din ako
ikaw ang mundong hnd naging akin
at hnd na magiging akin.
May 29, 2020
May 29, 2020 at 2:24 PM UTC