Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
KRRW Aug 2017
Aanhin pa ang tula
kung tuyo na ang tinta?
Sa hangin pakakawalan,
palalayain sa Hangganan
Handog ng ulirat
na wala mang tinig, sumisigaw
Nakabalot sa liwanag
ng itim na araw
Isinilid sa baul
na pinalubog sa dagat
Balang-araw, lulutang
dala ang luhang may alat.
Para saan ba ang tula
kung walang nakaririnig?
Marahil... para sa mga dahong
sumasayaw sa tubig
Mga bangkang naghihintay
ng kahit kaunting ihip
Mga kamay na kumakawala
mula sa gumagapos na lubid.
Aanhin pa ang tulang
nakakulong na sa bibig?
Aanhin pa ang tulang
iwinagli na ng isip?
Paalam sa mga tulang
tinangay na sa himpapawid
Paalam, mga saranggolang
inari na ng langit.
Written
21 August 2017


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
Umiiyak ang dilag nang walang patid
Kasama ang dugo at basahan sa sahig
Nais kong mabatid
Ano ang nagdulot sa nadaramang sakit?
Binunyag ng kanyang mga mata
Walang puknat na pagsisisi ni isa
Hindi na alam kung ligaya ba o pighati
Dahil ngayon alam niyang tapos na ang lahat
Pakiwari niya
Natutulog na ang mga alon
Noon siya ay nilulunod 
Naghuhumiyaw na damdamin puno ng hinagpis
Gusto niyang isigaw sa hangin
Ngayon kailangan na niyang linisin
Niyurak na pagkatao dahandahan bubuuin
Pinira-piraso
Ngumiti siya na para bang payaso
Isinilid niya sa sako
Kahit gusto man niyang maglaho
Ang amoy nitong mabaho
Nanatili pa rin sa damit niya
Parang bang tumitiling aso
Sinuyod ang masukal na gubat
Tinunton ang malalim na balon
Puno na ng lumot 
Doon niya inihulog
Ngayon basahan ng mga kumot
At ang bangkay ng ama
Kasama ng kaluluwa niyang
Hinalay nang walang awa




-Tula VI, Margaret Austin Go
John AD Feb 2019
Luha ng dahon , Isinilid sa Kahon
Init ng nayon , Malamig na Kahapon
Sarili ay Bumangon , Kalungkuta'y aahon
Pag yao'y hinamon , Lumuha ang Panahon

Ang pag-iyak ng mga dahon sa bukang-liwayway
Pinawi ng init ng araw ang iyong mga kamay
At Naglaho sa dapithapon , muling matamlay,
Nag-iwan ng marka sa takipsilim ako'y namatay

Umiiyak Taon-taon,Pighati Ang Baon
Pagkalumbay ko , kinukuwestiyon
Sumabog nanaman ang Mayon
Sa loob ng utak kong naghahamon
71 Sa gabi ng kapalaluhan
Mga salarin isinilid sa kulungan

72 Pinahirapan at inusisa
Kung bakit nila iyon ginawa

73 Ang sabi ng dalawa
Napag-utusan lamang sila

74 Ang utak kanilang ikinumpisal
Iyon ay ang talunang karibal

75 Sa katatapos na paligsahan
Para sa prinsesang pakakasalan

76 Pagkaraan ng tatlong araw
Mundo ng mga salarin nagunaw

77 Sila’y pinugutan ng ulo
Mga kaanak nanlumo.

-06/27/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 152

— The End —