Sapat nang bendisyon
Ang luha sa'yong mga
Mata upang maging
Karapat-dapat ang mga
Tuyong talulot ng rosas
Na matagal **** ikinubli
Sa aklat niya ng mga tula.
Marahil, lumipas na nga
Ang inyong panahon.
Ngunit ang bawat kataga
Na minsan niyang inialay
Sa'yo ay hiwagang lalang
Ng puso, may ritmo ng
Pagsuyo, may samyo ng
Bagong pangako. Ipako
Man ng oras ang ala-ala't
Alat ng luha na dumadaloy
Sa'yong magkabilang pisngi,
Ang mga talulot na ito'y
Patuloy na magbibihis ng
Bagong pag-asa, lalaya mula sa
Siniphayong ligaya, mananahan
Sa bawat pahina.
University of the Philippines-Diliman
Quezon City, Philippines
October 12, 2013