Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ipagkakait" poems
Simula noong ako'y bata pa, Iba ang iyong pagpapahalaga, Paulit-ulit kong itong nadarama, Isang pag-aaruga, Na hindi kayang tumbasan ng anong halaga, Sa panahon na ako'y nagkakasakit, Ako'y iyong pinipilit, Di ba't sinabi **** kailangan kong kumapit? Manalangin sa Maykapal ng mahigpit, Sapagkat pag-asa'y hindi niya ipagkakait. Di mo man sa akin sabihin, Ito'y aking napapansin, Di mo man banggitin, Alam kong ika'y nasasaktan din, Nahihirapan, Puso mo'y lumuluha, Kaya't ang tangi kong dalangin, "Panginoon ako'y inyo na lamang kunin." Kung kapalit naman nito'y pasakit at suliranin, Di ko kayang makita si Papa na ako'y nagiging pasanin, at kanyang babalikatin. Papa ika'y mahalaga sa akin, Naalala ko pa ang pagkakataong ako'y nagiging malungkutin, Niyakap mo ako kaya't ako'y nagiging batang masayahin, Ang halik mo sa akin, Kaysarap damhin! Init ng pagmamahal na hindi kayang sukatin! Pag-ibig na kahit saan kaya kong dalhin, Habang buhay kong gugunitain, Himig ng pagmamahalan natin! O kaysarap dinggin! Ang tiwala **** sa akin ay hinabilin, Bagkus ko itong pagyayamanin, Hinding-hindi ko ito sasayangin, Habang buhay ko itong pupurihin, Hanggang sa ito ay magniningning! 100 na tula alay ko sayo! Ika'y isa sa magiging pahina nito, Laman ka ng aking nobela, Na hindi maipagkakailang----- Ako'y sa'yo at ika'y akin lamang!
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 10:53 PM UTC
100 Na Tula Para Kay Papa
sobrang ginaw ba ng paligid at pati puso mo'y nanlamig? niyakap kita ng mahigpit, ngunit mas nanginig nang ako'y lumapit. sabi mo'y kailangan mo ng oras, espasyo na saki'y malayo. ang nais mo'y makapag-isip, bakit ko naman ipagkakait? binigay ko lahat ng gusto mo pero ngayon ako ang talo. ang panahong hiningi para init ay manumbalik ay ang s'yang naging mitsa upang damdami'y tuluyang mawaglit. sobrang lamig na ng paligid at ang tanging lunas ay ang iyong halik. pakiusap mahal, ika'y magbalik.
0
Oct 27, 2018
Oct 27, 2018 at 1:02 AM UTC
MAHALAMIG
Naiisip na naman kita. Naalala ko yung mga panahon na kasama ka. Mga panahon na tayo lang dalawa Pero hindi tama na gustuhin ka. Mahirap man sating dalawa. Pasensya na wala akong magagawa Kundi ang kalimutan ka. Dahil ito ang alam kong tama. Salamat ang huling salitang mababanggit. At ito'y hinding hindi ko sayo ipagkakait Kahit ito'y paulit paulit Hindi ako magsasawa na ito'y laging mabanggit. Sabagkat ang pagmamahal na iyong pinadama, Ay tunay akong pinasaya. Hindi ko man ito nasabi sayo Kasi natatakot ako. Ayokong umasa ka. Ayokong masaktan ka. Kaya ika'y iniiwasan na. Para itong dadamin ko ay di na lumalim pa.
0
Nov 29, 2015
Nov 29, 2015 at 9:31 AM UTC
Naiisip na naman kita
Oh Pinakamakapangyarihang Dios Ama Tagapaglikha ng tao, langit at lupa Panginoon ng Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga Kailan Mo po diringgin Ang sampung taon ko nang panalangin? Pag-ahon sa karimlan ay akin nga bang sasapitin? Kayraming tao sa mundo ang sadya **** pinagpala Hinandugan ng kapangyarihan at limpak na pera Subalit kanilang ginamit sa mali at masama! Ako na itong alam Mo kung saan gagamitin Negosyong pangtustos sa pagkaparing nais tahakin Puhunang tutulong sa mga taong may mabuting adhikain Bakit ipagkakait sa nais pagsilbihan Ka? Sa may hangaring tumulong sa kapwa at sa bansa? Dakilang Tagumpay sa Philippine Lotto sa akin po ay itadhana! -06/27/2015 (Dumarao) *My Prayer Poems for Ultimate Victory Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 10:21 PM UTC
Dakilang Tagumpay Para sa Dakilang Hangarin
Hindi ko kayang ipangako ang langit, bituin, at buwan sa gabi Hindi ko ipagkakait ang eksena na maglalapit sa mga labi Kung saksi ang dilim at ang oras sa pagkakataon na ito, Hayaan ang testigo na iligtas tayo sa korteng mapangmata Alam kong hindi mali ito, nais nating maging tapat dito Mga tulang ang tema lagi ay gabing payapa at tahimik Pero sa pagkakataong ito, ikaw ang paksang walang imik Pinapakiramdaman mo kung ito ay isang palipas panaginip Kung ang pangako ay sisibol sa pagtagal, huwag kang mainip Dahil ang pag-ibig ko'y totoo at nais kong masagip at sumagip
0
May 5, 2020
May 5, 2020 at 10:08 PM UTC
Pagmamahalan sa gabi/ Evening Love Affair