Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
ano pa nga ba ang tangan     ng haraya
kundi ang langitngit ng katahimikan,

na sa isang sulok lamang ay mahahawakan hindi
ang puso: sa isang iglap, pagsasatubig.

puspos ng liwanag ang lupa. Muling pagtatangkilik
sa sukal ng dilim.

hindi alam ng hangin ang pangako ng paghilom.
hindi banaag ng kahapon ang bukas.
pipikit na lamang ba’t walang pagtangis,

na sa dulo man ay marapatin, kung tayo’y papel,
     ay mapupunit na lamang
ba sa mga kuko ng marupok na sandali?
Sha Aug 2017
Hassle.
Nagsulat si Fidel,
Pero anong nangyari?
Walang napala sa isang daang tula,
Luha ang kapalit at sakit ang sinapit
Dahil pinilit ang gusto pero ang gusto niya ay pumili ng iba.

Kaya hindi na kita gagawan ng isang daang tula.
Titigil na dito sa pang pito at hindi na tutuloy sa walo.
Talo.
Talo lang din naman kahit umabot pa ng singkwenta,
Dahil hindi naman benta sayo ang mga pakulo,
Ang mga salitang kinumpila para iparating na ika'y gusto.

Ano na nga ba ang gagawin ko?
Ititigil na ang pag titig sa litrato,
Lalabanan ang isipan na pagbulay-bulayan ang mga dahilan
kung bakit hindi maaring maging tayo.

Piniling hindi ka na alayan ng 'sang daang tula.
Piniling alisin ka sa aking haraya.
Pinipiling maging malaya.
Magpapaubaya.

Pero minsan talaga
'Di mapigilan magsulat ng isa pa
At isa pa,
Hanggang sa nakakatawa na
Dahil umabot na pala sa isang daan ang mga tula.
Nakiki 100 Tula-inspired poem
cherry blossom Feb 2019
kinalimutan mo na kaya ako?
sa mga oras na nasa presensya ng bawat isa
naaalala mo rin kaya ang mga hangal na desisyong nagbuklod sating dalawa?

dahil ako, palagi.
sa tuwing nandiyan ay pinapauli-ulit
ang transisyon ng pagkawalay ng dalawang pinaglapit
sa pagkalimot ng isa
paulit-ulit nagsisimula sa umpisa
ani mo'y palabas sa sariling haraya

iniipit ako ngayon ng tahimik
ni walang imik sa pagitan nating dalawa
napagod na ang mga paang umakyat para lang matanaw
o magbigay ng senyas, nagdadasal na bigyang habag

napapangiti na lang sa mga gunita
dahil naaalala ang ilang beses na pagsuko at pagtayo namang muli
tulad ng paulit-ulit na pagtugtog
ng musikang nagpapaalala sayo
idk *** 2/4/19
Luna Mar 2020
Mulat ako nang pumikit ka,
Upang damhin kung mayroon pa

Pumikit ako nang magmulat ka,
Dahil alam ko na
sa ating haraya,
Ako nalang ang masaya

— The End —