Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"dinarama" poems
Ang sakit pala, Na binabalewala mo lahat ng alaala. Na hindi mo na ko kilala, Ang sakit pala. Ang sakit pala, Na maiwang walang wala. Na makuhanan rin ng pera, Ang sakit pala. Ang sakit pala, Na maging estranghero ako sayo bigla. Na maghintay ng walang napapala, Ang sakit pala. Ang sakit pala, Na makita kang may kasamang iba Na alagang alaga mo siya, Ang sakit pala. Ang sakit pala, Na magmukhang tanga. Na maloko habang nagmamahal ka, Ang sakit pala. Ang sakit pala, Ng lahat ng dinarama. Na dahil sayo kaya sinusulat ang tula, Ang sakit pala.
0
Apr 18, 2017
Apr 18, 2017 at 3:14 AM UTC
Ang sakit pala.
Ano nga bang mas mahalaga Ang pagkakaibigan natin o ang ibigin ka Mga bata palang tayo ikaw na talaga Sa isip at puso ko ika'y nag-iisa Gusto mang aminin ngunit hindi kaya pa Wala ring kasiguraduhan pag-ibig ko'y masusuklian ba Ayoko rin namang masira pagkakaibigang nabuo na Na noon pa may iniingatan ko na Kaya't ginawa ko'y ireto ka sa iba Baka sakaling malimutan ka Natutuwa akong makita kang masaya, kahit nasa piling ka na ng iba. Ngunit hindi maiwasang lumuhang magisa Tama nga bang ibinigay kita sa iba O dapat na bang ipaglaban ka Dahil puso ko'y nahihirapan na Nahihirapan ng makita kang masaya sa yakap ng iba Kaya heto na aaminin ko na Ang matagal ko ng dinarama Kaibigan ko pasensya  kana Mahal lang talaga kita.
0
Sep 3, 2017
Sep 3, 2017 at 12:10 PM UTC
Pasensya na
Marami man akong kakulangan o pagkakamaling nagawa. Sana huwag mo akong husgahan sa mga pagkakamaling d ko rin sinasadyang maranasan. Ilang araw ko din pinag isipan to ilang araw ko ding binabalik balikan sa isipan ko, at gabi gabi'y sinasagot ko ang sarili ko sa mga tanong na dapat ikaw ang tinatanong ko, pero kalabisan bang hangarin na makita kang masaya? Walang araw na hindi mo hinangad na maging maayos ang kalusogan ko, handa akong magdusa makita ka lang lumigaya. Pero handa ka bang magpatawad pag ika'y nasaktan na? Sana sa bawat tipak ng mga nota sa piano sana maramdaman mo ang pagmahahal na nais kung iparating sayo. Na sa bawat lirikong sinasambit sa kanta'y, kaya mo kayang sabayan hanggang dulo? Pero kailangan ko na din sigurong umalis na muna, kailangan ko na munang ayusin ang buhay ko, kailangan ko na munang kilalanin ang sarili ko, ituwid ang mga pagkakamali ko't itama ang landas na dapat kung tahakin. hihintayin mo ba ko? O pipigilan mo ba akong umalis? Sana sagotin mo Hihintayin ko ang kasagotan mo, kung maari Habang ginagawa ko ang sulat na ito ay may halong kaba at pagdududa na aking dinarama na sa bawat pag agos ng mga luha koy may panghihinayang na baka pagbalik koy wala kana't may mahal ng iba. D rin naman maiiwasan dahil ka mahal-mahal ka nga. Sa konting araw na tayo'y nag uusap/nagkikita labis na ligaya ang iyong pinadama ang dating lungkot pinalitan mo ng saya, ang dating kulang at hindi buo, pinunoan mo't kinulayan pa.hindi ko makakalimotan ang iyong ipinadama, kahit saan mapunta andito kaman o wala. Ikaw parin ang hahanap hapin ko sa tuwina. Palubog man ang araw sa ngayon Umaasang sana bukas nandiyan ka pa ring bubungad sa aking paggising. Mahal na mahal kita ng sobra, pero sa totoo lang nasasaktan nadin ako sa bawat hindi mo pagkibo, na ako lang rin naman ang gumawa. Sa mga araw na wala ka, nasasaktan ako kasi hinahanap hanap ka. Pero sasanayin mo na ba akong tuloyan kang mawala? O tatanggapin ko na lang kung anoman ang magiging desisyon mo?. Pero panghahawakan ko pa rin ang mga pangakong binitawan natin sa isa't isa. Na tayo lang hanggang finish line na. Kapit ka lang huwag kang bibitaw ah? I lOVE YOU Ms. QRST ADZ This isn't goodbye, i have faith we're destined
0
Mar 12, 2021
Mar 12, 2021 at 5:45 AM UTC
Day 38

Continue reading...
13
Bibilang ng lima upang sarili'y mapakalma sabay bugtong-hininga mga luha'y nagsitulo na pala dahil hindi na kinaya ang sakit na dala, akala nila wala akong problema akala ng iba ako ay masaya akala nila wala akong iniinda nasanay kasi silang lagi kang nakatawa nasanay kasi silang lagi kang masaya nasanay kasi sila na ganyan ka, napakahirap na sitwasyon hindi nila alam na saking pag ngiti sa loob nito'y pighati iniisip ng iba na nagbibiro lang ako iniisip nila na hindi ito totoo pero hindi nila alam unti-unti na akong pinapatay nito, dinadaan ko nalang sa pagpapatawa upang ang iba'y mapasaya ngunit sakabilang banda ay may salitang nag nanais na "ako naman sana." nag tatago sa bawat ngiti sa labi ko ang sandamakmak na problemang pasan-pasan ko sakabila ng aking pagtawa ay may lungkot na dinarama, ginawa ko naman ang lahat, ngunit bakit hindi parin sapat hindi ba nila nakikita o ayaw lang talaga nila bigyang halaga, siguro nga talagang walang nagmamahal sakin dahil walang umiintindi sa aking pag inda lunod na lunod na ako sa kalungkutan labis-labis na akong nahihirapan, puso ko'y hirap na Ayoko ng magpanggap pa magpanggap na masaya ako sa harap ng iba dahil ang totoo, halos 'di ko na kaya, ako'y biktima ng sarili kong kalungkutan biktima ng kahibangan biktima ng kapighatian biktima ng pusong mapanlinlang at biktima ng isip na nais ng lumisan, hindi ko na kilala kung sino ako, hindi ko na kilala ang sarili ko kailan ba ako makakatakas dito sa higpit ng kadilimang bumabalot sa isip ko alam kong hindi ko na kaya pero kakayanin ko pa kakayanin kong muling makatayo sa sarili kong mga paa upang masolusyonan ang aking problema kakayanin kong lumaban dahil ayaw kong maging talunan at hinding hindi ako magiging talunan kakayanin kong labanan ang lungkot upang hindi na ako tuluyan nitong mabalot, alam kong may kwenta akong tao dito sa mundo. alam kong may nagmamahal pa sa akin ng totoo alam kong ang Diyos ay lagi kong kasama sa lahat ng dako alam kong Sya ay laging nasa tabi ko alam kong yayakapin nya ako sa bawat pighating ito! hindi ako magpapalamon sa aking depresyon lalaban ako kahit problema'y kasing lakas ng alon lilipas din ang hapti ng kahapon hindi man ngayon ngunit darating ang bukas at itong kalungkuta'y magwawakas.
0
May 14, 2023
May 14, 2023 at 12:40 PM UTC
Untitled

76