"dekorasyon" poems
Sino ka para limitahan ako
sa making kalayaan sa murang edad
na kung tutuusin ay
batbat pa ng pakikipagsapalaran?
Maglaro ng tumbang preso,
tagu-taguan, syatong at bahay kubo
sa bakuran ni Tagean-Tallano;
unawaing ang buhay ay hindi lamang basta dekorasyon
at mapagtanto ang kabuluhan
na sa pagkakadapa'y matutong bumangon,
ang mali at itama
at ituwid ang baliko;
Na kaakibat ng mabuhay ang panalo at pagkatalo.
Sino ka?
Sino ka, at naisipang unti-unting kitlan ako ng buhay;
Akong sinasabing
'pag-asa ng' inyong 'bayan'
ngayon ba'y magiging
kalaban ng estado't pamahalaan,
nang batas ng taong
tutugis at pipiit sa akin
sa loob ng kulungang nakahandang pumatay
ng kinabukasan?
Ako dapat ay malaya,
malayang maglaro ng tumbang preso,
tagu-taguan, syatong at bahay kubo
sa bakuran ni Tagean-Tallano;
unawaing ang buhay ay hindi lamang basta dekorasyon
at mapagtanto ang kabuluhan
na sa pagkakadapa'y matutong bumangon,
ang mali at itama
at ituwid ang baliko;
Na kaakibat ng mabuhay ang panalo at pagkatalo.
Apr 17, 2019
Apr 17, 2019 at 7:14 AM UTC
Isang pintuan ng mahihiwagang dekorasyon
Palamuti, anong nasa likod na impormasyon
Sa'yo ipaglalaan ang aking buhay na hiram
Nais balang-araw ay tawagin kang hirang
Di sapat ang aking tayutay upang ang sagot ay dumulas
Pangatlong katok ko na ito't 'di parin nagbubukas
Ikaw ay isang bugtong na nais kong matuklas
Kung hinde, ang aking buhay ay habang buhay na undas.
Ako'y ligaw na kaluluwa, 'di alam kung sino
Ako'y ligaw na kaluluwa at baka ikaw ang paraiso
May pagnanasa sa paglapit subalit ayokong maka abala
Ako'y nababaliw sa'yo kahit hindi kita kilala
Ang iyong ngiti ay bukang-liwayway sa mundong mapanglaw
At ang iyong buhok ay mga alon sa dagat na bughaw
Kung kulangin man ang ginawa ko na tula
Handa akong gumawa ng isang daan pa
Hayaan mo akong lumapit, sa kung nasaan ka man
At pangako sa 'yo ako'y tahimik lang
Subalit hindi titigil hanggang mapunan ang patlang
Pakiusap, hayaan mo akong umusad kahit isang hakbang lang.
Aug 14, 2020
Aug 14, 2020 at 11:27 PM UTC