Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bwan" poems
Alas dos na ng umaga, Ako'y gising na gising pa, Nag-iisip ng mga bagay, Mga bagay na bumuo sa'king buhay. Nasagi sa isipan ko yung mga alaala, lahat, malungkot man o masaya, Nag mistulang halo-halo na. Kay rami ng sahog, yung iba di mo na kakainin pa. Sa dami ba naman ng akyat baba at atras abante ng buhay ko, Malamang nagkandaleche-leche 'to, Alangan naman lahat naka super glue? Ano yan? para di na matanggal kahit na bumagyo? Anu-ano nga bang nangyari nitong mga nakaraang bwan? Bakit parang nawala ako sa aking isipan, Ano nga ba talaga ang tunay na dahilan? Nitong isang aksidenteng aking kinasangkutan. Isang sahog ang di ko kinaya, Sa halo-halong aking kaharap sa mesa, Salitang sa ibang dayalekto nagmula, Nagsimula sa 'g' at nagtapos sa 'a'. Limang letra, isang salita, "gugma", ang isa sa sahog na aking nakita, "gugma", ang may pinakakomplikadong lasa, "gugma", minsay kay tamis, minsay kay pakla, minsay mapait pa. Halo halo ko'y puno nito, Mistulang lahat ng alaala koy tungkol dito, "gugma", paksa ng aking bakasyon, "gugma", isyu ng buhay ko hanggang ngayon. Hay nalang, iisa palang perwisyo na, Ano nalang kaya pag marami pa? Ano yan? "gugma na sobra sa isa"? Ayayay, naging salawahan pa... Ang halo halong iisa ang sahog ngunit halo halo parin, Sa dami ba naman ng iisang sahog di mo aakalain, Mistulang iba't iba, ngunit sa katunayan, iisa, "Gugma", sahog na dadaya sa iyong mga mata.
0
Aug 20, 2017
Aug 20, 2017 at 2:59 PM UTC
Halo halong sahog ay iisa
Pangyayaring di ko aakalain Ikaw na nakahuli ng aking paningin Anyo **** sa isip ko'y tumanim Liwanag ang dulot sa mundo kong nababalot ng lungkot at dilim. Oras, araw, bwan, taon ang nagdaan Pagtingin sa iyo'y tila nananahan Pag-ibig na nga ba ang nararandaman? O nararapat ang puso'y mag dahan-dahan. Simple lang ang aking hiling Nawa, tinig ng puso ay dinggin Panalangin ng sarili sa mga bituwin Maging kaibigan ka, kahit di na mapa sa aking piling. Ngunit ang isip ay nababahala Sa puso, ito'y naghahatid ng kirot at pagkasira Ang dating dulot ng pag-ngiti, ngayon ay pag luha Bakit ba ang sarili sa iyo'y di nagsasawa? O aking paki-usap sa iyo Sana naman, ako'y pakinggan mo Sa akin nawa ay huwag lumayo Kahit na kakilala mo lang ako. Isip ko'y gulong-gulo Ulo'y di makapag-isip ng diretso Puso'y nangangailangan ng mga payo Tanggapin mo nawa ang pagsusumamo.
0
Jan 26, 2019
Jan 26, 2019 at 7:35 AM UTC
Mga luha sa likod ng aking ngiti
Sa loob ng isang silid Sa loob ng sampung bwan Sa pag-angat at kabiguan, Sila ang naging katuwang. Mapa sa lihim o sa hayag Naging kayabigan o kaaway Kayo ang saksi ng bawat isa Sa pagtatagumpay ng isa't-isa. Sila sa atin ang humatak Sa itaas o sa ibaba. Tayo ang nakakikilala ng bawat isa. Tayo ang hukom ng ating mga gawa. Sa loob ng sampung bwan, Kayo ang aking nakasama. Lumipas man ang panahon. Ang ala-ala ay ating laging dala-dala. (English) Companion and Foe Inside a room Within ten months In success and failure, They were by our side. In secret or in truth They were our friend or foe We are our own witness In the triumph of one another. They are the ones who pulled us Up above or down below. We all knew each other. We are the judge of our actions. During ten months, You were my companion. Time may pass. And memories are always carried.
0
Aug 18, 2019
Aug 18, 2019 at 9:21 AM UTC
Katuwang at Hadlang (Companion and Foe)
Isang gabi Isang ala-ala Dalawang salita Hindi alintana Sa larawang nag paalam Sa umagang nangingibabaw Sa labi kong nanginginig Sa iyong tinig na nag paalam Ilang beses maghihintay Sa tapat **** salita Sa bawat tingin Di nag lalambing Dalawang bwan’ tula Sa gabi’y pinaubaya
0
Sep 14, 2020
Sep 14, 2020 at 11:59 AM UTC
Nag Iisang Tula
Malinaw pa king sa ala-ala Kung saan at pa’no nagsimula Wala mang kasiguraduhan, Sana ito’y pangmatagalan Nagsimula sa pag-uusap hanggang umaga, At umabot na sa malalim na paghanga Lalo’t lubos kang nakilala Tila ba ayoko nang ika’y mawala Tunay ngang may mga bagay na hinihintay, Sapagkat ito ay wagas at tunay Lumipas man ang mga araw at bwan Ikaw ang laging pipiliin, pangako yan Meron mang di pagkakasundo, Tandaan **** ikaw ay nananatili sa puso ‘Di ko nais magmahal ng iba Dahil pag-ibig ko sayo’y totoo na Pangakong sa piling mo’y mananatili, Anumang pagsubok ang ating masaksi. Pagtingin ko’y di magbabago, Pangalan mo ang tanging sigaw ng puso. Salamat sa pagmamahal na iyong ipinaramdam, Ito ang pag-ibig na matagal kong inaasam. Pangakong, pag-ibig ko ay sayo lamang alay, Hanggang sa huling araw ng aking buhay.
0
Aug 16, 2024
Aug 16, 2024 at 3:18 PM UTC
Para Sa’yo Mahal