Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
073016

Alkansya ko'y panalangin --
Taimtim na pananampalatayang ikaw nga.
Hindi mo marahil masaklaw ang estado ng puso
O ang lalim ng determinasyon ko sa paghihintay.

Saludo ako sa katatagan mo.
Kahit na hindi natin nasisilayan ang bawat isa
Sa tuntungan ng saya at pighati.
Hindi ko mawari ang pag-ibig na laan ng Ama
Pagkat kahit hindi magtagpo sa ngayon,
Alam kong ang pagku-krus natin noo'y
Iba ang pahiwatig sa pusong malayang naghihintay.

Walang alaalang masakit,
Kahit pa may mga katanungang hindi nasagot.
Walang sakit na hindi mabubura
Nang pag-ibig Niyang walang kaltas.
Kaya't may galak ang paghihintay.

Araw-araw, mag-iipon ako ng mga panalangin,
Higit pa sa mga salitang laylayan ay tugma;
Higit pa sa mga talatang balot ay emosyon.

At sa aking pag-iipon,
Alam kong kahit tunog-lata ang iila'y,
Tutubo ang mga ito para sa'ting kinabukasan.
Pagkat alam ko kung kanino ako unang nagtanim --
Hindi sayo, hindi sa akin
Bagkus **sa Kanyang Siyang may pandilig.
Minsan, naiisip kong bitiwan nalag ang paghihintay; kasi baka wala naman. Pero hindi ko maintindihan kung paanong binalot ng pag-ibig Niya ang sarili patungo sayo. Alam kong ikaw. Basta, nagtitiwala ako sa Kanyang ikaw ang laan Niya.
Amo
082021

Nabibilang lamang sa aking mga daliri
Ang mga buwan na tiniklupan ng mga ulap
Nang sa’king mga bisig,
Ang yakap mo’y nagmistulang kumot
Sa balat kong sumisigaw sa alat
At anghang ng aking pakiramdam.

Sa titig mo’y ako’y nakalilimot
Na ang pangalan ko’y nagbagong bihis na rin.
At kasabay ng paglilipat silid at bubongan,
Ay ang paglisan ko sa unang tahanang
Humagkan sa aking pagkakakilanlan
At bumuhos sa akin nang di masukat na pagmamahal.

Ang mga ngiti **** pumapawi sa’king paghihintay
Sa maghapong masuklian naman
Ang pansamantala kong pangungulila’y
Nagsisilbing matatamis na tsokolateng
Hindi naman pala nakamamatay.

At sa ganitong pagpatak ng mga segundo
Na parang mga barya sa alkansya mo,
Ang tanging hangad ko na tunay na pag-aaruga’y
Iyong pabaon na araw-araw kong sasalubungin at pagbubuksan.

Nakalimutan ko na rin atang humanap pa ng iba
Di gaya ng panata ko noon sa mga rehas
Kung saan gusto kong kumawala.
Pagkat sa’yo pa lamang ay abot-langit na
Ang aking mga ngiti’t pagsintang
Lulan ng iyong mga hagkan
At walang pag-imbot na pag-aalaga’t pagkukusa.

Kung kaya ko lamang pigilan ang sarili
Buhat sa pagtikom ng aking bibig
Ay nais ko sanang ipagsigawan
Sa apat na sulok ng ating tahanan
Ang pangalan **** ni minsa’y hindi ko naintindahan.

Bagamat sa bawat pagkilos mo’y
Hindi ko maipagkakailang
Ako’y tunay mo ngang mahal at pinakaiingatan.

Hindi na ako manlilimos pa,
Ng pagmamahal o atensyon sa mga tauhang
Lilisan sa kani-kanilang panahon at kagustuhan.
At pipiliin kong masanay na makipagsayawan
Sa mga mata **** tanging lilim ang laan sa akin.

At kung ito man ang una’t huling sulat
Na ikaw mismo ang pumataw ng mga kahulugan
Ay hayaan mo ring masambit kong
Sa araw-araw, ikaw ang nanaisin ko pang makapiling.
Para sa aking amo..

Nagmamahal,
Luna the Frenchie
Venice Oaper May 2018
Walang forever sa taong bitter
Pero pano ka naman di ma bbitter
Kung yung ex mo kasi cheater

Sa una lang magaling
Susundin lahat ng hiling
Kala mo naman gwapo. FEELING!

Chos. Gwapo nga siya
Kaya nga lapitin ng disgrasya
Ubos ang pera sa’king alkansya

Ginagasta pang dota niya
Pati sa ibang babae. Walanghiya!
Susumbong ko siya kay kuya.

Minahal ko yun nang todo
Matalino ako pero naging bobo
Ang dali niya pala akong naloko

Siya pa nakipaghiwalay
Sa chat pa. Jusq dai!
Walang itlog ka bai.
Echos lang. Hindi hango sa totoong buhay.
Gothboy Feb 2020
0-0
hmh
Itoy di masyadong detalye
basta tingin ko maganda kang babae
bighani na sayo
pilit kang nirereplayan kahit typo
lagi

sensya
kong inaasam kita
kahit ilang distansya
sa isat isa
Babasagin ang alkansya
maka bili lang
regalong gustong iabot personal
hangan chat lang talaga
la magagawa

sensya din pala
sa pag sayang nang iyong oras
sa convo nating tatagal ba hangan bukas?

Hirap nang ganto palagi nalang
Umiibig sa taong ako lang may alam
Umiibig ako sayo wala ka naman pake alam.

— The End —