Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"akalang" poems
Para sa ulap na di ko maabot Para sa pasang di magamot-gamot Para sa halik na di malilimutan Para sa akalang hanggang akala nalang Para sa ibong di makalipad Para sa pangarap na di ko matupad Para sa bukas na di ko na masilayan Para sa ating hanggang ikaw at ako nalang Para sa bagyong di matapos-tapos Para sa hawak na nagmumukhang gapos Para sa panaginip na di ko mabitawan Para sa sanang hanggang sana nalang
0
Oct 20, 2015
Oct 20, 2015 at 12:18 PM UTC
Para Sayo
#070716 #SirFrancisHouse #ElNido Mapalad ang nauuhaw, Mapalad ang nagugutom, Ngunit iba ang guhit sa'king palad. Inalok Mo sa'kin ang luha't delubyo Hindi Ka humihinto sa pagtapon ng dalamhati. Mistulang kupas ang kaibigang Bahaghari Pati sa pag-asa ba'y kami ri'y may kahati? Sumisipol ang Hangin, umiindayog Kaya't nagtatagisan ang mga Puno't Halaman. Matira matibay sa ganitong labanan, May ibang yayakap sa angkan, Ang iba'y nagsisimatay na lamang. Gaya ng pangarap, gumuguho ang akalang matitikas. Pag binagyo Mo'y magdudumi sa kalye't Tangay ang tubig na tsokolate. Walang nauuhaw kaya't walang nagwawalis, Tila ang lahat, sumusuklob sa yerong palamuti. Alam kong iba Ka sa kanila, Kaya't hindi Mo na kailangang patunayan pa. Kung ganyan Ka lumaban, buhay ng iila'y may pangwakas na. Sapat nang nandyan Ka, kaya't lumisan Ka na.
0
Jul 6, 2016
Jul 6, 2016 at 9:02 PM UTC
Storm Signal Unknown
At dagli na hinalikan Ang namamalirong mga labi niya'y sabik sa unang karanasan Ang sagot ay ang ginoong unang nagpatibok sa kanya ang unang hinalikan Ngunit huli na ang lahat Magpapakasal na sa ibang lakan Sapagkat ang pamilya'y pinagkasunduan Simula pa ng pagkabata, naipakilala na ang nakatadhanang nobyo na mag-aangkin ng kanyang puso Hambog na binata'y sa kanya ang sasal ng kasayahan sa mundo Gaya ng karamihan ay nanligaw din ang pasikatero bago nakuha ang minimithi Sadyang mailap ang pagmamahalan ng mababang uri Ngayon iba na sa kanya ang nagmamay-ari Nang nagkaisang dibdib na'y nawalan ng pag-asa Kahit masilip sa tuwi-tuwina at maibulong ang pintuho sa reyna Bukang-liwayway sa akalang nag-uumaga Takipsilim palang naduhagi sa bawat araw at sa susunod pa Ang hinihingi'y ay ang pag-amin Sa kanya na ang desisyon Mag-iiba sana ang kapalaran sapagkat matimyas ang kanyang pag-irog Kayang iwanan ang karangyaan kapalit ng pag-ibig
0
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 8:28 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #54
Sa mga bagay na akalang May halaga, Mahahanap ang mga tinik At pangungutya. Sa mga damdaming Di mapigilan, Nagtatagong demonyo Ang masisilayan. Sa mga luhang iba iba Ang panimpla, Pait ng poot at alat ng lungkot, Sila'y ibubulsa. Sa mga gabing napapaisip Ng sariling dulo, Huling isip at ngiti ko'y, Iaalay sayo.
0
Apr 22, 2018
Apr 22, 2018 at 2:18 PM UTC
Panira