Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 2018
Sa mga bagay na akalang
May halaga,
Mahahanap ang mga tinik
At pangungutya.

Sa mga damdaming
Di mapigilan,
Nagtatagong demonyo
Ang masisilayan.

Sa mga luhang iba iba
Ang panimpla,
Pait ng poot at alat ng lungkot,
Sila'y ibubulsa.

Sa mga gabing napapaisip
Ng sariling dulo,
Huling isip at ngiti ko'y,
Iaalay sayo.
A tired soul is a burden to everyone.
Mary Coleen
Written by
Mary Coleen  22/F
(22/F)   
229
 
Please log in to view and add comments on poems