Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
RL Canoy Nov 2020
Sariwa pa sa aking gunita,
ang unang araw na ikaw ay aking masilayan.

Mga sandaling kung saan ikaw ay pinangarap na habang buhay kong paghahandugan.

Naaaninag ko pa rin ang iyong pagngiting kaakit-akit,
na lalong nagpapasingkit sa iyong mga mata.

Kung saan sa kabilang banda'y munting lungkot ang nanahan niring puso.

Pagkat di tiyak kong sa susunod na bukang-liwayway ay magiging dahilan ba ako sa iyong saya.

Ramdam ko pa rin ang kabog ng aking dibdib,
na tila ay sumasaliw sa yapak mo sa tuwing ikaw ay dadaan.

Habang ikaw ay maamong naglalakad,
Pinapangarap ko nama'y balang araw magkahawak ang ating mga kamay sa bawat paghakbang.

O kay sayang balikan ang mga gunita,
Kung saan nakikita ko ang iyong nakakabighaning wangis sa mga bituin ng sangkalangitan.

Mga panahong hinihiling kong nawa'y makapiling ka kahit sa panaginip lamang.

Minsan rin na sinasamo ko sa Poong Maykapal,
na harinawa'y pagtatagpuin ang ating mga landas.

At doon ay aking ipapabatid ang mga damdaming sa panulat ko lamang naipahayag.

© RL Canoy |November, 2020 |
cherry blossom Jun 2018
naaalala ko ang lamig ng tubig sa mga balikat natin
mga oras na tumigil ka sandali,
at sumuko
tinanong mo ako tungkol sa mga panaginip ko kagabi
sinusuklian mo ako palagi ng ngiti
mga oras na tayong dalawa lang ang may alam
4/30/18
cherry blossom Jan 2018
Anong iyong pinagmamadali
Malawak ang daan at ikaw lang ang katabi
Rinig ang bawat galaw ng ibon sa langit
Ang pagaspas ng hangin

Bigyan mo ng kaunting panahon
Ang pagtingin sa kinaroroonan mo
Hayaang bigyan ng kahulugan ang paglapit
Sa bawat segundo ng oras na binigay satin
01/12/18
.

— The End —