Sa gabing mapanglaw
buwan ay lumitaw
Aninag nya'y di makasilaw
Sa mata kong mapagtanaw
ilaw nya'y kinahanga
At tila di bibitaw
Sa aking pagtitingala
Ng ulo ko sa ibabaw
Ngunit sya'y isang buwan
At akoy' isang ako
Malayo, di malapitan
At dampian sya'y malabo
Tanging pagtingala sa itaas
Ng tahimik, sa malayo
At likhain aking pantas
Habang nakatingin sa ibayo
Ang Unang Salita ng krass ay K
Ano naman ang Crush?