Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
faranight Jun 2020
Tila bampira ako na nalulusaw sa liwanag mo,
ang dilim na minsang nagtugma sa pintig ng dibdib
ay tila lumisan na para sa bagong umaga
at sa bagong pagiikutan nito.
Ang rurok ng kastupiduhang ito ay nag udyok na tumakas sa upang suyuin ang mga sinag mo.
at gaya ng mapangahas na gamo gamo,
ay pinilit kong mapalapit sayo..
na nagsanhi ng pagkasunog ng aking mga pakpak..
Lumagpak at hindi na muling nakapalipad.
At gaya ng mga bampira sa kwento ni tatay,
ay tuluyan ng napaso
at nawala sa landas ng mga sinag mo.
faranight Jun 2020
ika-19 na pahina ng ikalawang kabanata ng panaghoy.
Naghihikahos, nagluluksa,
at bakit nga ba hangang ngayon tila automatikong tumatakbo patungo sa rurok ng kastupiduhang ito.
Habang ang liwanag ay patuloy na umiikot sa kaaliwalasan mo.
faranight Apr 2020
nung bata ako, hindi ako takot sa dilim,
hindi ako takot magisa at umiyak, hindi ako takot magkasakit.
nung nawala si tatay, ayoko na matulog sa sala dahil walang bumubuhat sakit roon at tila ba mahika sa tuwing sa kama ako nagigising.
ayoko na matulog ng magisa,
ayoko na sa dilim,
dahil natatakot ako sa konsepto ng kalungkutan at pagiisa.
mahilig ako sa kape at ingay,
na gumigising sa natutulog kong kaluluwa
at sa ingay na ramdam kong may karamay.
ngunit natikman ko ang gatas,
na tila nagpapakalma sa puso ko sa tuwing tatawagin nila ang pangalan ko, ayoko na magkamali.
ayoko na ng ingay na tila nagsisigawan.
nakakataranta,
nakakakaba,
ang sikmura ko'y namimilit,
dibdib ay naninikip,
hindi ako makahinga,
hindi ko na makita ang liwanag,
hindi na ako makadama,
hindi ko na alam ang tunay na kahulugan ng saya,
nalimutan ko na kung kelan ang huling ngiti na minsang nagtagal sa aking mga labi.
hindi na ko makadama,
at ang tanging nararamdaman ko na lamang ay kalungkutan
malamig na simoy ng hangin na yumayakap sakin sa dilim.
hindi ako nagiisa,
dahil andaming taong nasa paligid ko,
ngunit dama ko ang pagiisa.
faranight Mar 2020
we took a long ride,
we risked it all..
we almost made it..
but the waves are crashing us down into the shore.
and you let go of my hand,
now you are free and safe..
but i am still here,


still drowning..
faranight Mar 2020
YOU
i remember all the details of you including the things you love and the things you dont.
i love to hear your stories.
the good one and even ur worst or the weirdest stuffs that u want.
i love staring at your eyes and your chunky cheeks, your sweet smiles.
i love the way you talk and laugh or even the way you eat.
i love your flaws and imperfections.
i love being with you.
there's only one thing that you didn't know about yourself..
you is an art.


mahiwaga.
faranight Mar 2020
hindi ako magpapaalam sa limampung tula o higit pa na aking sinulat at inalay para sayo..
dahil minsan rin namang nagtugma ang ating damdamin na nagusbong ng mga matatamis na salita na naglalarawan ng ating pagibig.
subalit sa habang nadadagdagan ang saknong sa tula, ay unti unti na ring di nagtutugma ang damdamin nating dalawa.
mahiwaga, salamat at naging bahagi ka ng kabanata ng aklat ng aking mga tula.
faranight Mar 2020
hindi nagsusinungaling ang iyong mga mata. kapag tinititigan ko ito ay tila dinadala ako nito sa iba't ibang dimensyon kung saan nakikita ko ang tunay **** emosyon. kinikilig, masaya, naggugutom, pagod, nagtatampo, malungkot, hindi na masaya at may iba na.
faranight Mar 2020
hindi ka pain para saluhin ang lahat ng balang binabaril. hindi lahat ng bala ay iyong dapat sasaluhin. umilag ka dahil hindi lahat ay tinututok sayo. matagal nang hindi kumakasa ang baril dahil nauna mo na itong patamain sa pagibig kong matagal ng namatay.
faranight Mar 2020
ikaw ay tila bituin at ako ang buwan. ang nanahimik kong puso at sanay sa pagiisa ay bigla **** sinamahan. mas lalo **** pinaliwanag ang madilm kong gabi. panandalian, minsan ikaw nawawala wala, madalas natatakluban ng mga ulap na tila inaagaw sa akin. manatili ka, pakiusap.
faranight Mar 2020
at kung ipipikit ko ang aking mga mata
sabay hingang malalim,
maari mo bang sambitin na ako'y mahal mo rin?
at kung patuloy akong tatakbo sa pagtahak sa nakakapagod na mundo,
maari bang ikaw ang maging tahanan ko?
dahil sa pagitan ng iyong mga bisig
natagpuan ko ang tahanan at pahinga.
ang mainit na pagtanggap sa mga kalyo at sugat ng nakaraan
at sa pagbibigay lunas ng mga sugat na patuloy pa ring naglalangas.

mahiwaga.
Next page