Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
George Andres Mar 2018
Isang-libo, siyam na raan, siyamnapu't-siyam
Nang una nilang marinig ang pagtangis

Dalawang libo't labing-walo
Napakarami kong gustong bigkasin
Pero nauutal ako't lumalabas pagiging utak alipin
Para sa'yo sana, gusto ko pa ring sabihin,
Na, patawad Felipe, kung kay hirap **** mahalin

Wala ako nang tumangis ka kay Macoy
Huli kong nalaman ang tungkol kay Luisita
Masyado pa ba 'kong musmos upang ibigin ka?

Lubha lamang daw akong bata
Nagpupuyos ang damdamin
Walang pang kaalaman magdesisyon ng tama
Mapusok at madaling matangay
Manatili na lamang daw ako sa klase,
at kinabukasan ko'y sa mataas na marka ibase

Kaya't pinilit kong hindi pakinggan ang pagdaing mo
Ano bang alam ko upang magalit, maghimagsik?

Batid ko man ang kasaysayan mo sa mga prayle, kano't hapon, labis ko pa ngang inidolo si Luna't Bonifacio noon

Hindi ba't namatay rin sila sa kasibulan nang dahil sa'yo?
Natatakot ako, na balang araw iyon rin ang sapitin ko sa piling mo
Mainit ang puso ko, pero malamig ang paa't kamay
Hindi ko kayang palayain ka
Tipid ang boses ko upang ipagsigawan ka
Nagtagpo tayo sa panahong akala ko malaya ka na

Hindi ka pa pwedeng umiyak
Hangga't hindi pa tapos ang lahat
Ano bang alam mo upang magalit, maghimagsik?

Ngunit hindi ko kayang lumingon pabalik
Hindi ko kayang matulog muli nang wala ang 'yong halik
Hindi ko kayang mahimbing nang wala ang mga gunita

Dekada Sitenta.
Bungkos ng namumuong nana
Nilalapnos ng kumukulong tubig
Dumaranak ang dugo sa sarili **** balat
Tumatalilis at tinatanggalan ng bayag

Paiikutin ang roleta't ipuputok sa sintido
Ihihiga ang katawan sa bloke ng yelo
Papasuin ng upos ng sigarilyo
Ibabalanse ang katawan hangga't may lakas pa ang kabayo
Hindi ito mga metaporang naririnig ko lang sa mga kwento

Hindi na ako magtataka kung may diyos pa ba
A kung kahit isang beses nilingon ka man lang niya



Kung ang nakikita ng mata ay dumudurog ng puso
At ang mga salita ay pumapainlalang

Silang 'di nakaririnig ay dapat kalampagin
Hampasin ang higanteng pintuan at sipain
Ang pader na marmol na walang bintana
Galit na sumusunog ng patay na tala
Hindi kumakalma, pilit nagbabaga, nagtatangka

Ano bang alam ko upang magalit, maghimagsik?
Maaari ko bang palitan ng paglilingkod ang iyong biyaya?
Mas madali naman siguro magsalita
Kung 'di mo batid ang paghangos ng maralita


Mainit ang puso ko, pero malamig ang paa't kamay
Hindi ko kayang palayain ka
Tipid ang boses ko upang ipagsigawan ka
Nagtagpo tayo sa panahong akala ko malaya ka na

Nang masulyapan ka nang unang mabuksan ang aking paningin
Gusto ka lang naman palaging kita ng mata
Wala pa man natatakot na akong makitang umiiyak ka
Mas mapalad ba ang mga bulag o tulad kong piring ang mata?
Hinayaan mo akong maging alipin
Itinatatwa ko ang araw na namulat ako
Ang hirap naman kasing maka-usad mula sa'yo
Matapos mabura ang mga kasinungalingang sa'yo'y ibinabato
Kumbaga, ikaw 'yung maraming sakit na pinagdaanan, dadagdag pa ba 'ko?
Patawad
Oh, Felipe, kay hirap **** mahalin

Habang binabasa ko ang kasaysayan ****
Nagaganap pa rin hangang sa ngayon
Parang itinutulak ang aking sikmura
At ang balat ko'y nagsisiklabo
Hindi tumitigil ang mga luha

Ilang taon matapos maghalal ng bagong pangulo
Pinaulanan ng bala ang mga humihingi ng reporma


Dalawang-libo't apat
Matapos ang tatlong dekada
Mga batas na pabor lang sa mayama't may kaya

Gusto lang naman namin mabuhay
Nang hindi inaagaw ang aming kabuhayan
Nagtatanim ng bala't hindi binhi
Umaani ng bangkay hindi punla

Lupa mo'y hinulma ng dugo
Parang imbes na pataba ay pulbura ang inaabono
Para bang ang buhay ko sa'yo'y Walang katapusang pakikibaka
Para bang ang inaani ko'y dusa sa Buong buhay na pagsasaka


Dalawanlibo't-siyam
Matapos ang apat na taon

Kinikitil nila isa-isa ang mamamahayag
Nilibing ng traktora't patong-patong ang buto't balat
Pinagkanulo mo at hayagang pumayag
Mga berdugong hinayaan mo lang lumayag

Dalawang libo't labing-lima
Nangingisay sa walang habas na pangraratrat
Hanggang huling hininga'y maubos, mawala sa ulirat
Apatnapu't-apat **** mandirigma
Lumusong sa mapanganib na kagubatan na walang dalang sandata o pananggalang man lang
Malupit ka, hanggang saan ipagtatanggol ang laya mo?
Hindi pa ba sapat ang lahat ng luha?
Nagsasakripisyo para sa hindi siguradong pagkakakilanlan bilang Pilipino


Ikalawang Milenya.
Ngayon naririnig ko na ang pagpapatahimik laban sa karapatan **** magpahayag
Nagsasakripisyo ng dugo ng mga tupa
Para sa huwad na pag-unlad
Pinapatay ng bala ang uhay
Habang matapos tapakan ang upos ng sigarilyo,
Pagtatalunan ang dilaw at pula
Kung sino ba ang mas dakila
Aastang **** na tagapagligtas
Na siyang hawak ang lahat ng lunas
Napakarami nang diyos sa kasaysayan
Pawang dinikta, ibinigkis ang kalayaan

Ninais kong mahiga na lamang at hintayin ang bukang liwayway
Na pinangarap din noon ng mga ilustrado't rebolusyunaryong mararangal
Wala nang lunas ang sumpa ng edukasyon
Magpalaya ng isipang noo'y nakakahon

Wala sa akin noon ang lakas ng bagyo
Hanggang sa nabatid kong malulunod na rin ako
Wala akong nagawa kundi tumangis

Felipe, lumuluha ka rin ba? nasasaktan ka pa ba o manhid ka na?

Gayunpaman, tahan na, Felipe, tahan na.
112718

PoemsForE
Eugene  Apr 2016
Mapusok
Eugene Apr 2016
Tinitigan kita,
Mula ulo hanggang paa.
Sinulyapan mo ako,
Ng kakaibang pagnanasa.

Dumapo ang iyong kamay,
Sa aking katawa'y nananalaytay.
Nang labi ko'y dumantay,
Muntik ka nang mahimatay.

Mapusok, umaalab, nag-aapoy.
Bawat damdam'y hindi nagpaliguy-ligoy.
Ninamnam ang panandaliang kuryenteng dumaloy,
Hanggang sa tuluyan nang naglaro ng apoy.
StrayRant  Jul 2017
Paalam
StrayRant Jul 2017
Iiwan kita hindi dahil meron na akong iba.
Iiwan kita dahil gusto ko nang lumaya.
Iiwan kita hindi dahil ayoko na kitang makita.
Iiwan kita dahil ayoko nang pagmasdan ang mga luhang
nangingilid sa iyong mga mata.
Hindi ko na kaya!

Ang makita kang lugmok at naghihimutok sa lungkot.
Ito’y nagdudulot sa puso ko ng kirot.

Tama na! Tama na! Tama na!
Tahan na aking sinta.
Ako sana’y unawain.
Napakabilis ng mga pangyayari.
Hindi ko alam ang hiwaga mayroon ka.
At iyong nasungkit ang matamis kong oo.

Mabilis. Napakabilis. Sadyang kaybilis.
Heto ako ngayo’t litong-lito.
Sana’y hindi nagmadali.
Sana’y natutong maghintay.
Sana’y walang taong nadamay.

Oo. Sa tinagal ng ating pagsasama,
Ngayon ko lang napagsama-sama.
Ang mga himutok ng aking saloobin.
Ako’y naging mapusok at ngayo’y naghihimutok.
Sana’y walang inaalala.
Sana’y hindi kinokonsensya.

Sa tingin ko ay ito ang tama,
Ang ika’y iwanan ng ika’y mabuhay.
Hindi ko batid ang sakit na iyong nararanasan.
Aking irog, ako man di’y nahihirapan.

Ang higpit ng iyong pagkakahawak,
Siyang sumasakal sa akin tuwina.

Iiwanan kita dahil ayoko na.
Oo! Ayoko na!
Tatapatin kita aking sinta,
Hindi ko na kaya!
Hindi na ako masaya.

Sa pag-inog ng mundo ako’y unti-unting nawawala.
Nawawala sa sarili.
Nawawala sa landas na aking dapat tahakin.

Sadyang kay mura pa ng aking edad
Upang sumuong sa ganitong realidad.
Nadala lang marahil ng matinding emosyon.
Sa tagal ng ating pinagsamahan aking napagtanto,
Hindi ikaw ang saki’y siyang nakalaan.

Tayo’y pinagtagpo upang matutunan ang isang leksyon.
Hindi para sa iyo ngunit para sa akin.
Aking kaibigan ako sana’y patawarin.
Hindi ko sadyang puso mo ay wasakin.

Ang hirap! Napakahirap!

Sa dalawang taong ating pinagsamahan,
Hindi kita malilimutan.
Aking pagsusumamo na sana’y
Paglipas ng panahon ay iyong matagpuan
Ang taong magmamahal sa iyo ng lubusan.
At hindi ipaparanas ang pait ng kahapong ating pinagdaanan.

Iiwanan kita dahil alam kong kaya mo na na ako’y wala na.
Iiwanan kita dahil nais kong iyong ipagpatuloy ang iyong buhay.
At nang matupad ang iyong mga plano para sa iyong pamilya.

Sinta alam kong ito’y sadyang masakit.
At sa pagtatapos nitong aking talata.
Nawa’y iyong ibigay ang aking kahilingan.
Sinta, ako sana’y palayain mo na.

Iniwan kita hindi dahil ayoko na.
Iniwan kita dahil mahal kita.
Sadyang ang lubos na pagmamahal na nararapat sayo
ay hindi mo matatamo sa akin bagkus ito’y iyong
matatamasa sa piling ng iba.
0617

Nanlilisik ang Iyong mga mata
Sa poot buhat sa paglisan ko sa Iyong tirahan
Na noo'y inangkin ko sa pagkupkop Mo sa akin.

Binihasan Mo ako ng demokrasya at kasarinlan
Bagkus ako'y natupok ng malagim na nakaraan.
Talamak ang pananakit, panghuhusga at pagkamkam
At doo'y tila binawi Mo rin ang minsang mga pamana.

Naging mapusok ang aking pagkatao
Na sa halip na bumalik Sayo'y
Patuloy na nagpakain sa maling istilo.
Nagkunwari ako bagkus ako'y natalo
Ito ang pagpataw ng madilim na peligro.

Nagniningas ang Iyong mga mata
Na tila hubad sa init na pantunaw sa mga nakikita
Napapikit ako buhat sa pangamba
Hindi na ininda ang taas ng mga nakuha.

Sa pagmulat ko na parang pagbukas ng mga bintana
Namungad na pala ang Iyong pagpapala
At ang kislap ng Iyong pagtingi'y
Syang kalangitan at katuturan para sakin.

Ikaw ang misteryo sa aking kalbaryo
Ang tagapaghusgang walang ibang hangad
Kundi para sa aking benepisyo.
Maghari Ka, Ikaw ang Bituin.
Kevin V Razalan May 2020
Walang labis, walang kulang,
Kung magliyab ang pluma kong laging natatakam,
Mga salitang lilikhain nito'y namumutiktik sa sabik,
Malinggal ang dila, nagagalak kung maghasik.

Madalas ay parang lantang gulay,
Kung gumuhit ng salita ay matamlay,
'Di matuka ng uwak kung ialay,
Minsa'y kulang-palad kung panlasa'y 'di bagay.

Sa tuwing hahampas ang higanteng salot,
Rubdob ng damdamin ay mapusok,
Tatamuhing sugat ay balon na 'di maabot,
Pilat ay siyang mararanasan, patawad ko'y suntok sa usok.

Minsan nama'y isang mapagtangis,
Ulan sa ulop katumbas ay luhang hitik kaysa pawis,
Ipapatalos sa huwad **** puso ang nalasap na pait at sakit,
Sa pluma ko'y tutungayawin ka't isasakdal sa piitan ng malasahan mo rin ang pait.

Hindi na sapat ang galak na malalasap,
Gayong panulat at puso'y nakaranas ng dusa at alat,
Naglahong bula ang hiwaga nitong kaibuturan ng pusong marilag,
Sa pinta mo'y nagmistulang kahabag-habag.

Umpisahan mo ng pumikit, ng mahagilap mo rin ang sinapit,
Madalas man akong matinik , sayo'y hindi na iimik,
Nitong plumang binuling at pinatulis ko sa inani ko sa'yo,
Ngayo'y kakikintalan mo ng hayag na masakit ngunit pawang totoo.

✍: pensword
Matias  Mar 2021
LALA
Matias Mar 2021
Ang pagkakakilanlan ay isang masayahing bata.
maaalalahanin, magiliw ngunit may tinatagong lihim.
mapusok, matigas ang ulo pero marespetong tao.
mapagbigay, bukas palad kaya madalas nauuto ng kalaro.

Ang aking tula ay pinamagatang "LALA"

Ako si Lala, yung tinatawag lang sa oras ng kagipitan
Naaalala kong hindi ka nga pala maaalalahanin,
Naaalala kong naaalala mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong ko,
Nakikilala mo lang ako kapag ika'y nakadarama ng lungkot habang magisa,
Ako to si lala, yung kaibigan **** sasamahan ka hanggang ikay muling sumaya,
Ngunit, bakit ganun? hindi mo ako magawang maalala kapag ikaw ay masaya na?
Oo nga pala, naaalala kong naaalala mo lang ako kapag ikaw ay gipit na.
saka mo lang hahanapin at sasabihing namimiss mo ako kung kailan ikaw na lang ulit magisa,
saka mo lang ako bibigyan ng importansya kung kailan di ko na kaya.
Ako si... LALA, naaalala mo lang at kinilala nung akoy wala na.
Daniel Dec 2018
Usok,
Mapusok,
Tumutusok.

Buhay nating parang usok
Sa lahat ng bagay nawawalan ng desisyon, mapusok
Kaya ang laging mali sa buhay, tumutusok

Sindi
Landi
Intindi

Makulay na apoy ng sindi
Bawat hithit sa oras, panaho'y malandi
Pinipilit na ang realidad, iniintindi.

Kasama
Tama
Masama

sa bawat yapak sa daana'y ikaw ang kasama
Wala eh, masarap, masarap ang tama
Hanggang sa di mo na namalayan na ikaw na,
ikaw na ang napasama,
ikaw na ang masama.
1 Isang prinsesang bawal yumapak sa lupa
Siya ang binukot na si Dara

2 Ang kanyang edad ay labimpitong taong gulang
Natatanging anak ng mga magulang

3 Matuwid at makintab ang maitim na buhok
Mana sa amang hari na mapusok

4 Maputi at makinis ang balat
Mana sa inang reyna na madalaing magulat

5 Tapang at nerbiyos sa dugo nananalaytay
Matapang sa buhay, natatakot mamatay

6 Sukdulan sa proteksiyon at pagka-sensitibo
Kaya ‘di pa nakalalabas ng kwarto

7 Subalit mayroon din naman siyang libangan
Kumanta at manood ng mga mangingisda sa durungawan.

-06/22/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 141
29 Oh anong hinagpis ng pinili
Pinaslang lahat ng kasamang lalaki

30 Sa mga diyus-diyosan inialay
Sa karagatan inihimlay

31 At nang si Tarok nalang ang natira
Isang responsibilidad iniatas ng reyna

32 Na siyang pakakasalan
At marapat anakan

33 Sa loob man ay masakit
Reyna sa kanya’y ipipilit

36 Pagsapit ng ikatlong pagbilog ng buwan
Idaraos na ang ritwal ng kasalan

37 Walang magawa itong si Tarok
Na pag-angal sa mga babaeng mapusok.

-07/24/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 184
solEmn oaSis Sep 14
Ganito Ang talento ng tinaguriang gagamba,
Ang Sabi ng iba Sila ay kakaiba
dahil nga sadyang
Ganyan Sila kahit
Hindi nasa manila.
Nag - aabang lang ng bibisita
Kahit nga ba bibihira
Ang may maggala
ay tiyak maaantala
Kapag napadpad sa animo'y ala bang tahanan na tahasang walang hagdan
Ngunit kabit-kabit eh
Ang kawit ng madidikit na bahagdan ng bawat hiblang malagu na.
Ni Ang hari ng kagubatan ay di siya nais magambala

Malaglag man sa Muntinlupa
Kagyat Silang ia-Angat Dami man ng hadlang,
tutulay lamang
Ang gagamba gamit Ang
sapot at mga galamay...
Ganon pa man Bigte man Ang  pagtanaw ng Leon at tigre sa maliit na nilalang ...
Naka- Tungko lamang Ang kanilang matalim na pangil at angil
pagkat sa loob-loob nitong mababangis at hayok sa laman
ay mapag aalaman---
Ano nga naman
Ang kanilang mahihita
na Karne sa naglalambiting mga galamay
Wika nga sa payo ng dayo
Tinawag Silang Gagamba
sapagkat Ang sino Mang tao
sa kanya'y gagambala
Walang dudang mapapatingala
muna bago yumuko

Mabuti pa daw Ang mangilag
na Lang Sila sa maliliit na nilalang
O di kaya'y maige pa mangilog at magbaka sakali dun sa may Sapang Palay magawi at nang mapawi Ang Kalam at uhaw sa may kawayan .

Sabi naman ng iilan mabuti pa Ang dalanghita mula pa sa pagkabubot nito Hanggang sa maubod na nga sa pagkahinog ay masasabi na talaga namang may asim pa .
Lalo na para sa mga nagda
dalang-tao na minamatamis
ang pangangasim ay iyon ang prutas na ipanlulutas sa kanilang pananaghili .

Sa madaling salita
Ang magaling na Balita
Kakailanganin pa Ang pakpak
Kahit pa mag taingang-
kawali Ang lupa...
Dahil Ang tinutukoy ko sa aking pamagat ay walang iba kundi Ako !
At Ang munting Gagamba Ang siyang maituturing Kong Dambuhala

Kaya nga Ang paniniwalang imbes
trabaho Ang siyang lalapit sa akin...
Yaong mga sapot na bahay Ang
siyang dapat Kong hagilapin...
Kasi nga Ang mga spider web kung tawagin sa ingles...
Ay Ang siyang Lunas na walang dahas upang maging Isa sa kanila !
Silang mga empleyado na dati rin namang Isang sawi
Hanggang Ang mga hain na pain
sa magiging bitag na hayag
ay may kaakibat na kabalikat
Upang mapagtagumpayan Ang mapusok na pagsubok...
Nang sa gayon ay matupad Ang layon niya sa kaniyang mga kanayon na ...
Maging Isang sakdal
sa pagiging kambal
ng papremyo at Tropeyo !
Habang ninamnam
nang mainam
Ang pakiramdam
ng Isang uhaw at Kalam
kahit lumabag pang magpaalam
sa lahat ng nais niyang mahiram
...ay daglian namang mapaparam
Itong Nag-Alab Kong liyab
Mula pa sa dating pasaring
Hanggang mahirang
na Isang....
wagi

— The End —