ang kaakit-akit **** bating- pangwakas ang siyang wagas na nagdala ng madamdaming mga katanungan mula sa iyong puso patungo sa iyong kasintahan, gamit ang ibabaw ng mga matikas na alon... walang pasubali na ipinahayag mo ang iyong pangmatagalang paglalarawan sa marami, bagaman ang mundo ng magkabilang dako ay pansamatalang natutulog na ... ang kagandahan niyon ay mananatiling gising pa rin. Dahil siya ang natatangi **** daigdig at ikaw nga ang makulay niyang pag-ibig! At mula sa iyong napakalambing na pagsisimula Mayroong "kayo" na magsasalo sa magdamag habang heto si Ako...mananatili ring tapat at gaya niya na di nakakalimot sa akin! Kaya naman sa iyo aking mahal, Malayo ka man sa akin ngayon, lagi pa rin namang merong "tayo" Maulap man ang papawirin Ating babagtasin ang araw at sinag nito hanggang sa isang kabilogan na lang ng buwan ang aking pananabikan at bibilangin ko! Sa pagsapit niyon matamis na katahimikan ang siya nating mabubuo! tanging sa ating pagniniig nang may buong kasabikan ang mga himig na maririnig! mula sa simula hanggang sa ang wakas ay magsilbing hudyat na sa langit nating inaasam ay magigisnan ang malakidlat na tilamsik ng ating pagsusuyuan Di-kapara ng naunang magsing-irog mula sa bukana ng talon ay nahulog at kapwa bumitaw sa ere sa gitna ng kulog pero tayo...Hindi tayo sa patibong matutulog! patutunayan nating Hindi tayo ang tipong mauuwi sa TaLiwaS dahil sa katunayan nga mahal ko sa pamagat pa lang binungad ko na ang SiLaw aT labo na nananahan sa pagitan ng tukso at ng bahay na inaakala nilang panghabang-buhay na tahanan!
Transferring my feelings of longingness from formal norm into a tagalog love-poetry