Umaga na pala, Subalit tila umpisa pa lang ito ng dilim Dito sa bayan kong nasa sinapupunan ng mga sakim Pagpagan ang mga baro't saya habang hawak ang sedula Nilang mga uhaw sa tronong ipinangako sa kanila
Naluklok na bagong puno,sa pagdaka’y nagpaulan Ng mga balang hindi man tingga ay tumatagos sa kaibuturan Sa dati niyang ka giyera na s'yang mga tunay na anak ng bayan Iginapos sila’t ipiniit sa sandipang karapatan
Yaong mga bago niyang kawal ay matatayog pa sa kalabaw ‘Pagkat kasama niyang magkakamal ng salaping umaapaw Mag kaka-ututang labi ay iisa ang kaliskis at balagat Sila na mag kaibigang dila at ngipin sa pilak din mag-papangagat
Habang ang mga dating sadyang tapat sa gampanin Ay mistulang mga bayani na lang sa hangin Ang pagka dalisay nila sa maka-kapwang tungkulin Parang sa tubig na isulat at hindi na basahin
Kawawang Sta. Teresita bayan kong dinusta Ng mga ganid sa kapangyarihan at mapang-alipusta Akong anak mo’y nasa daluyong ng kapanglawan Kabiyak mo sa balsang itinali sa nagluluksang pampang
Kawawang Sta. Teresita ginahasa ng mga mapag-samantala Hinubaran ng dangal at piniringan ng telang mapula pa sa pula Binusalan ang bibig hanggang sigaw mo’y hindi na marinig Mga araw mo ngayo’y mamumugto sa haharapin **** pag-liligalig
Tahan na Sta. Teresita,Tahan na, Bayan kong sakdal iniibig Matatapos din ang sigwa, Tutulay muli ang lunday sa sapa.