Dis oras na ng gabi ngunit ikaw pa din Ang bukod tanging laman ng aking isipan Patawad na kung puro siya na lang lagi ang alam Ng aking mga kwento. Hindi ko kasi mapigilan mag buhos ng aking hinaing Dahil alam mo hanggang ngayon kasi tandang-tanda ko pa din Ang araw at oras kung kailan mo ako iniwan.
Anong gagawin ko sa mga salitang iniwan mo Isa nga lang ba akong pangalan sa buhay mo? Ano ba ang naging parte ko sa'yo? Iba’t ibang tanong ang bumabagabag sa akin Pero kung alam ko lang na sa ganito tayo hahantong; Matagal ko nang pinatay ang natitirang posibilidad Sa akin isipan na may mundo para lang sa ating dalawa.
Alam mo ba gabi gabi kong binabalikan ang Matatamis nating alaala pero pilit ko din Pinapaalala sa aking sarili na ‘’Itigil mo na ‘to’’ ''Tama na 'to'' Gumising kana sa totoong estado ng buhay mo. Maawa ka naman sa sarili mo. Ikaw ang naging punot dulot nang gabi gabi kong Pag-pupuyat hindi mo ma-itatanong pero walang araw Na lumipas na hindi ako nagiging tambay sa'yong mga Social media accounts. Nagmamasid sa bawat post at update mo at tinatanong Sa aking sarili ''Bakit nga ba ang manhid mo?''
Dahil hanggang ngayon May kumakatok pa din sa puso ko umaasa na Pwede pa. Pwede pang ipiglaban. Kahit matagal man ang abutin natin. Ako'y handang maghintay. Kahit mag muka na tayong gurang. Okay lang. Handa akong tiisin.
Pero alam mo ba nakakapagod din palang Makipaglaro sa taong ayaw magpaawat Handa na akong sumuko kahit noon pa naman Alam kong malabo na maging tayo; Malabo mapasa-akin ang puso mo.
Ayoko ng makipagsiksikan sa Evacuation Center Pilit ka magbubuwis ng buhay mo para sa taong ‘yon Panahon na para lisanin ang delubyo na ito Hindi na ako dapat mag tagal baka Pati ang aking sarili ay iwanan din ako.