Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Katryna Mar 2018
Kung bibigyan ako ng pagkakataon,
Magsusulat akong muli.

Kung saan hindi ko pa ramdam ang sakit,
Kung saan hindi ko pa ramdam ang pait,
Kung saan masaya ang umpisa at masarap pa ang huli.

Kung saan buo pa ang sarili at wala pang pilas ang pagkatao
Kung saan ang lahat ay umiikot pa sa ating dalawa.

Isusulat kita,
Paulit ulit kong isusulat ang ilang berso ng ating kwento
Dalhin man ako sa malayong pinagmulan nito,
O dalhin man ako sa masakit na katotohanan nito.

Isusulat ko pa rin ng paulit ulit ang mga kwento natin,
At patuloy kong babaguhin hanggang ang lahat ay maging tama.

Sa paraang gusto ko,
Sa paraang maisasalba ko ang salitang "tayo".

Kahit parusahan man ako ng mundo,
Ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko.

Hindi man alam ng mga tao,
Hindi man ako pagbigyan ng puso nyang mahalin ka.

Ilayo ka man nya,
Lumayo man kayo,

Uulitin ko ang mga kwento ko,
Hanggang mag tama muli ang mundo mo at mundo ko.

Mamahalin kita ng paulit ulit.
Hanggang ang salitang pagod na ako ay maging hindi na totoo
Hanggang ang luha ko ay matuyo at di na muling tumulo.

Mamahalin kita ng paulit ulit,
Hanggang huling hininga ko, uulitin ko ang pagkakataong ito.
Katryna Mar 2018
Litrato mo na ba ang susunod kong makikita?
Hawak ang kamay nya,
may ligaya sa ngiti mo habang inaalalayan sya papalabas ng dambana?

Larawan niyo na ba ang susunod kong makikita sa newsfeed ng aking social media?

Ang umani ng maraming likes at puso galing sa iba?

Larawan niyo na ang susunod kong makikita,
magkalapat ang mga labi at marahang pinikit ang mga mata.

Larawan nyo na ba? Ang susunod kong makikita sa primary nyo tuwing lilitaw ang mga pangalan nyo.

Larawan nyo na ba?

Ang magpapaalala sakin ang sarap magmahal,
kapag sya ang kasama kasi pinaglaban mo sya,
na parang sya lang ang mimahal mo ng ganyan.

Bibilang din ba ako ng isa,
dalawa,
tatlo.
Hangang makarating ako saan?
Ilan? 

Sabihin mo, hanggang ilan?
Hanggang kelan?
Hindi ako magaling sa numero tulad nya dahil yun ang propesyon nya, pero alam ko..

Hindi natatapos ang numero at kung matatapos man,
hindi ako sigurado kung kelan.
Katryna Mar 2018
At marami na akong naisulat.
Mga salitang hinubog ng kawalan.

Hinugot mula sa kaila ilaliman.

Mga salitang bumuo at bumubuo sa ating kasarinlan.

Naisulat ko na.

Naisulat ko na ang mga bagay na gustong ipamulat.
Naisulat ko na ang mga bagay na gusto kong iparinig.
Naisulat ko na.

Ngunit hindi mo pa nababasa.
Hindi mo magawang mabasa ang mga kataga.

Pikit ang iyong mga mata.
Sarado na ang iyong diwa.

At mas ninais **** tapusin na
Ang aking mga talata.
Katryna Mar 2018
Balik tayo sa simula.
Sa lugar kung saan tayo unang nagkita.
Kung kelan natuto tayong pahalagahaan ang isat-isa.

Balik tayo sa simula. 
Kung kelan natuto tayong pahalagahan ang bawat minuto nang ating isang oras.

Ang isang lakad na nauwi sa maraming pang paroon at parito.
Mga paglubog at pagsikat ng araw na tayo lang ang magkasama.

Balikan natin ang mga araw na tayo lang ang nakakaintindi sa sakit, pagod, saya at pinagsamahang mga problema.

Balikan natin ang simula,
Mga tawanang mistulang walang katapusan
Kwentuhang walang patid at tila walang katahimikang babasag sating ingay.

Balikan natin ang saan, kelan at paano tayo nagmahalan.

Kasi mahal, 

baka sa ganitong paraan.
Maisalba natin ang napipinto nating hiwalayan.
Katryna Mar 2018
Hindi mo alam kung gaano ko nakipag laban sa mga kaaway.
Hindi mo alam kung gaano ko nakiramdam sa mga patay.
Hindi mo alam kung gaano ako nakinig sa pipi at bingi.
Hindi mo alam kung gaano ko isintabi ang sarili
sa gitna ng mga kuro kuro,
pag aalala
at pagkalungkot ko bawat gabi.

Hindi mo alam kung gaano kalamig ang init ng tag araw sa tuwing gigising akong wala ka man lang sa aking tabi.

Para kang buhay sa bingit ng katamayan.
Para himig sa kawalan.
Kawalan ng paramdam at kawalan ng malay.

Kasing lamig mo na ang kapeng tinimpla sa mainit na tubig
Kasing lamig mo na ang kanin bahaw sa tabi.

Anong nangyari?
Bakit tila isang bagyo ang nagpawala ng tayo at tanging bakas na iniwan satin ay ito.

Bakanteng lote puwang sa puso
na ni isang ugat ng pag mamahal ay parang ayaw nang tumubo.
When love and hate collide
Katryna Mar 2018
Isang daang tula man ang aking gawin hindi nito kayang palawigin ang mga oras natin.

Hindi nito kayang dugtungan ang mga araw na nawala ni hindi nito kayang bumuo ng mga nasira. 

Hindi nito kayang ibulong ang mga salita na nais sabihin ng puso.

Sa ating dalawa ikay tapos na,
masaya na at nakahanap na ng iba. 

Marahang ipikit yaring mata
salitang patawad pakawalan na.
Inspired by the finale scene of  100 tula para kay stella
Katryna Mar 2018
Heto nanaman ako, 
binabagtas ang daan papunta sayo.

Nagbabakasakaling makakahanap ng katahimikan mula sa paborito kong pwesto.

Paulit ulit akong pumupunta dito.

Paulit ulit kong sinasambit ang mga salita ko at paulit ulit **** naririnig sakin ang pag susumamo.
Paulit mo ring inaangat ang mukha kong nakalugmok sa aking mga palad
At paulit ulit mo ring pinupunasan ang aking mga pisngi na walang pawis na dumadaloy ngunit mga luha.

Paulit ulit mo rin pinaparamdam sakin ang iyong mga bisig na walang ibang alam gawin kung hindi ang kumalinga.
Ang iyong mga mata na walang ibang alam gawin kung hindi ang maghanap ng nawawala at hindi ng mga wala.

Ang iyong mga tenga na walang sawang makinig sa mga bagay na alam mo na
at hindi sa mga bagay na gusto mo lamang marinig tulad ng iba.

Ilang beses na akong nagdasal,
nagmakaawa,
nakipagpalitan ng mga hiling
pero hindi ka nagsasawang makinig.

Nag aantay ng mga susunod kong hakban kahit alam **** hindi ko pa kaya.

at walang sawang magbigay ng mga gabay na kung madalas ay hindi napapansin dahil may ibang pakay.

Sa pagdami ng iyong bisita alam ko magiging abala ka sakanila
ngunit alam ko na ang aking dasal ay meron pa rin namang puwang sa iyong tenga.

Sa araw na ito hindi ka mapapagod magpunas ng mga luha ko.
Maglapat ng ulo ko sayong balikat.
Makinig sa walang sawa kong mga hinaing.

Dahil sa mga oras na to,

Walang ibang laman ang aking puso kung hindi tula at papuri para sayo.

— The End —