Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Akala ko ako'y kanyang pahinga,

Pero yun pala,

Isa ako sa mga bagaheng pinapasan nya.
Sa ilalim nitong mga ngiti at tawa,
ay isang pusong nangungulila
na puno ng mga hikbi at dalita.

Kailan kaya kita muling makita?
Kailan muli masilayan matamis **** tawa?
Kailan ulit kita mayakap aking sinta?
Ang turing kaibigan lang
ay sana'y
magiging ka ibigan
sa walang hanggan
Tama nga sila
na sa simula lang masaya,

Kasi simula nung nakilala kita,
lagi na akong masaya.
Nasa dulo na ng aking dila,
ang mga hinahanap na kataga.
Maraming nais ibigkas na talata,
pero ang buod ay nasa dalawang salita.


Mahal Kita.
Kung pwede lang sana

Sasalungatin ko ang daloy ng panahon,
maitama lang ang pagkakamali ng kahapon.

Nasasabik akong masilayan muli
ang mga matatamis **** ngiti
na natabunan na ng hikbi at pighati.
Di man ako isa sa mga dahilan ng pagbangon mo,


Andito lang naman ako bilang pahinga mo.
You have your own battles to fight,
but if you need rest, I will always be here.
Next page