Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Katryna Mar 2018
Walang salitang “sayang”

Hindi tayo sayang,
Dahil may mga panahon na tayo lang ang nakakaintindi sa isat-isa.
Hindi alintana ang alingawngaw na dala ng lipunan,
Mga bibig na hindi magkamayan sa pagtutol.

Hindi sayang ang mga panahong sabay nating tinahak ang mundo
imbes pakanan ang ikot ay mas pinili natin ang pakaliwa.

Hindi natin nasayang ang mga oras ng katahimikan,
dahil sabay natin itong sinalin sa musika at sabay nating sinayaw ang tugtog ng ating mga puso.

Sabay nating niyakap ang kahinaan ng bawat isa,
nagsilbi tayong lakas na kayang pumawi ng panghihinang hatid ng mga mapangahas na hamon.

Walang lakad na nasayang,
dahil sabay nating hinakbang ang ating mga paa patungo sa di malamang dito, doon, d’yan at kung saan man.

Walang takot na naramdaman dahil sabay nating sinilip ang kung anong merong hatid ang kabilang daigdig.

Walang sayang,
Kahit sabay nating kinumpas ang ating mga kamay upang magpaalam.

Walang sayang.

Dahil sa mga oras na iyon alam natin,
ang kabilang mundo ay pansamantala lamang.

Alam natin na ang mundo ay iikot muli sa atin,
at sa pangalawang pagkakataon.

Magtatagpo tayong muli,

Hanggang sa susunod nating pagkikita.

Paalam. ­­­­
2 months from now, your getting married. With this, Our time will no longer be timeless. - Kimi No Nawa
Mister J Sep 2017
‘Heto na naman tayo’t nagbabangayan
Parating nagtatapat na magkabilang panig
Sinusubukang amuhin ang galit na nadarama
Pinipilit ayusin ang matagal nang nasira
Nandiyan ka na naman sa iyong sulok
Hindi mapigilang umiyak at magmukmok
Ako nama’y nandito sa kabilang dako
Pinupulot ang mga bubog na iyong binato

Ang mga sugat na matagal nang naghilom
Muli na namang binuksan ng mga sakit ng kahapon
Bakit pa ba natin binabalikan ang nakaraan?
Ang gusto ko lang naman ay ang ‘tayo’ ng kasalukuyan
Ngunit sa bawat titig na iyong binibitawan
Para bang ramdam mo pa rin ang sakit na ako ang pinagmulan?
Ano pa ba ang dapat kong gawin?
Para tuluyan mo na akong patawarin?

Isang patawad na paulit-ulit na lang sinasambit
Isang patawad na matagal na dapat pumawi ng galit
Ngunit sadyang ganon yata talaga ang tindi ng sakit
Kung kaya’t ang pagsusumamo ay dadahan-dahanin at ‘di na ipipilit
Mula sa nakalalasong relasyon ika’y aking pinalalaya
Sige na’t humayo ka, bumangon at humanap ng ikasasaya
Mahirap para sa akin na ika’y bitiwan na parang wala
Ngunit ito’y ginawa dahil kahit ganon ay mahal pa rin kita

Isang rason lang ang aking sasabihin
Isang rason na sana’y di mo limutin
Sa pagdating ng tamang oras sana ako’y maalala mo rin
At ang pag-ibig na pinanghahawakan ang maging tulay para ika’y bumalik sa akin
First ever Tagalog poem. First time writing in my native language. I'm pretty much nervous but I hope it's well-received. :)
Rhon Epino Apr 2018
Buwan ang nakatitig saakin
Yakap ang lamig ng hangin
Kandong ng puting buhangin
Tangay ng alon ang damdamin

Ramdam ang pag iisa
Gabing walang kasama
Dala ang mga alaala
At tanging mga alaala

Naghangad at nag asam
Umasang aakayin ng lumbay
Papawiin ng daluyong
Ang pusong napagod maghintay

Naglakbay ang mga mata
Naghanap ng makakasama
Ngunit isang pagkakamali pala
Ang libutin ang dilim na nag iisa

Mas lalong sumidhi ang inggit at pag aasam
Pagtingala'y tala ay ngumiti sa mga ulap
Paglingo'y lupa ang yakap ng dagat
Lumuha, sapagkat, halik ang dampi ng liwanag ng buwan sa dilim ng gabi
Sabay sa pagpatak ng ulan
Ang pagpatak ng luha
Sumigaw ng walang pag aalinlangan
Sabay sa paghampas ng mga alon sa dalampasigan

Tumayo't inihampas ang galit na kamao
Sabay sa pagbato
Ng mga tanong, kung ano at paano
Paanong lahat ay nagbago

Binuhay ng lamig ng ulan
Alaalang matagal nang humimlay
Alaalang akala'y patay
Ngunit nahimbing lang pala ng lumbay

Sumariwa ang mga alaala
Magmula ng unang magkita
Hanggang sa patapos na
Hanggang matapos na

Isang halik mula sa kinatatayuan mismo
Isang halik na nakapagpabago
Ng ayoko muna sa salitang oo
Isang halik kung paanong naging tayo

Isang halik na bumuhay sa buong pagkatao
Ay s'ya rin palang papatay sa kanyang mundo
Dahil ibang tao na ang pumawi
Sa tuyo nyang mga labi

Tumangis.
Inihakbang ang mga paa patugo sa nagngangalit na alon
Lulubog at di na muling aahon.

En el mar me encontrarás
Sa dagat mo ako matatagpuan.
masakit kapag sila na lang yung dating kayo
MarLove Jun 2020
Sa kalungkotan na nadarama
Ikaw ang pumawi nang lahat nang pangamba
Ikaw ang tumahi nang mga sugat na nakamtan
At ikaw ang bumuo nang pira piraso kung nakaraan

Binuo mo ako nang iyong pagmamahal
At sinuklian mo ako nang iyong pag aalaga
Pinakita mo sa akin ang halaga
Na kay sarap mabuhay nang walang pangamba

Tinuruan mu akong umibig muli nang lubos
Na hindi na matatakot kung maubos
Maubos man muli ang pagkatao
Wala nang pakialam basta nagmahal nang totoo

Ikaw ang babaing walang katulad
Na handa din na isugal ang lahat
Babaing nagkaroon na nang lamat
Sa pag ibig handa paring bumanat

Ikaw ang sagot sa aking panalangin
Na magkaroon nang taong mamahalin
Na ikaw lang ang gustong makapiling
Hanggang sa pagtanda natin
LoVe

— The End —