Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinapangako" poems
Samahan mo akong kumawala, iwanan natin ang mundong ito sinta. Ikaw ang nais makasama sa pag-iisa, ikaw ang aking pahinga. Maglakbay tayo patungo sa kawalan, ang ingay at gulo ng mundo'y ating takasan. Hanggang kailan ito magtatagal? Walang kasiguraduhan, pero pinapangako kong hindi kita bibitawan. Tara roon sa dalampasigan kung saan mistulang ang mundo'y tayo lang ang nilalaman. Hayaan **** ang iyong mga kamay ay aking hawakan habang tayo'y nagsasayaw sa ilalim ng buwan. Ipikit ang iyong mga mata at damhin ang pag-ibig ko, sinta. Ituloy natin ang pagsasayaw na walang ibang musika kundi ang aking pagkanta. Mga noo'y magkadikit habang ang mga mata'y nakapikit. Higpitan ang iyong kapit, huwag kang matakot lumapit. Sa maiksing panahong tayo'y nagkakilala, ako'y iyong tunay na pinasaya. Ikaw sa akin ay tunay na mahalaga. Hindi kayang ipaliwanag ang nadarama. Huwag kang mangamba, sa puso ko ay mananatili ka. Halika sa mga bisig ko, mahal. Panahon natin ay di na magtatagal. Ang pagtatapos ay nalalapit, yakapin mo ako nang mahigpit. Nalalabing oras ating sulitin, pangakong ito'y ating uulitin. Huwag ka nang malungkot, huwag nang sumimangot. Huwag nang pumiglas sa aking yakap, damhin ang ihip ng hanging kay sarap. Kasabay nang pagtatapos ng gabi ay ang pagtatapos ng ating nakaw na sandali. Dahil tayo ay alon at dalampasigan, tinakdang magtagpo kahit panandalian. Tayo ay alon at dalampasigan. Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan, ang lugar na aking pahingahan, aking takbuhan, aking pansamantalang tahanan. Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan; ako sa'yo ay lumalapit, pilit kumakapit, ngunit kailangan kong lumisan. Ako ang alon, ikaw ang aking dalampasigan; malayo man ako saglit, ako'y babalik at aasang tadhana'y pagtatagpuin tayo ulit.
0
Nov 14, 2016
Nov 14, 2016 at 9:50 AM UTC
Alon at Dalampasigan

Continue reading...
26
ang sabi ng pulitiko habang nakatayo sa entablado: mga minamahal kong kababayan pag ako po ang inyong inihalal pinapangako ko na iaahon ko sa kahirapan ang bayan at magiging matapat po ako sa aking paglilingkod sa inyo. sabi naman ng lider ng relihiyon habang nasa pulpito: mga kapatid itong ating pagsasama-sama at gawain ang tunay na sa diyos; tayo po ang tunay na mga anak ng diyos at tinubos ng mahal na dugo ni Kristo; tayo po ay nakakatiyak sa kaligtasan. amen po ba? sabi naman ng kapitalista habang nasa podium: mga kasamang manggagawa mahalin ninyo ang inyong trabaho at ang kumpanyang ito sapagkat pag ito ay bumagsak kayo ang unang maapektuhan; pag umunlad naman ito ay kayo rin ang makikinabang. Kasama ko kayo sa pag-unlad. yan ang sabi nila. ito naman ang sabi ko habang ako ay nagsasalsal sa loob ng CR: mga P_______ Ina kayo, puro kaulolan at pang-uuto ang sinasabi ninyo - mga animal kayo. Puro kayo daldal ang gaganda ng mga binibigkas ninyong mga salita pero ang totoo puro kayo mapagsamantala at gahaman sa salapi. pweeeeh.
0
Nov 6, 2017
Nov 6, 2017 at 3:36 AM UTC
RETORIKA
Para sa pag-ibig na hinintay at pinagdasal Sana alalahanin na hindi magsasawa kahit gaano pa katagal Para sa pag-ibig na kayang sulatan ng tula Alam kong hindi na ito mawawala Para sa pag-ibig Na patuloy pa ring nabubuhay sa'ting dalawa Pinapangako kong hindi na ako makakahanap ng tulad nito sa iba Kaya habang nandito pa tayo Habang kaya pa natin hawakan ang kamay ng isa't-isa, Habang kaya pa natin yumakap, humalik, at sabay na mag-dasal, Gawin natin Para sa pag-ibig
0
Aug 7, 2018
Aug 7, 2018 at 9:21 AM UTC
Untitled
Nagkakilala tayo sa mga panahon na kailangan ko ng saya Pinaramdam sakin na d ako mag-iisa At dahil dun ay nahulog ako sayo sinta Ngunit ako'y nabigo at nawalan ng pag-asa Tinigilan kong kausapin ka Sinubukan ko ngunit d ko kinaya Ang puso ko'y hinahanap hanap ka Sa isipan ko'y hindi na talaga mawala wala Kaya aking sinubukan ulit Kahit na masaktan akin paring pinilit Mabigo man ulit Okay lang basta sa babaeng aking iniibig Ngunit ngayo'y nag-iba, sayo ako'y hindi nabigo Ako'y iyong binigyan nang pag-asa Hindi ka sasaktan yan ang aking pinapangako Sa aking pagmamahal ikaw ay makakaasa Hindi pa man tayo ganun katagal Pero sigurado akong tayo'y magtatagal Kahit minsan relasyon ay tumatamlay Wag kang mag-alala hanggang dulo hahawakan ko ang iyong mga kamay Para sa babaeng pinakamamahal ko, Wag kana sanang maglaho pa sa piling ko Pangako ko hindi ko sasayangin ang isang tulad mo Pag-asa ang dala saakin ng isang tulad mo Hanggang dulo na sana Pag-iibigan nating dalawa Wala sanang makagiba Sa mga pangako natin para sa isa't isa Mahal, panghahawakan ko ang ating pag-iibigan Walang hanggang yan ang aking aasahan Makasama ka hanggang kailanman Walang gigiba sa ating pagmamahalan Mahal na mahal kita iyan ang pakakatandaan Kahit anong mangyari hindi ka iiwan Sa altar ika'y pagmamasadan Hanggang salitang "oo" ay iyong mabitawan
0
Dec 24, 2021
Dec 24, 2021 at 1:03 PM UTC
Para sa babaeng pinakamamahal,
Pitumpu’t Lima, ‘Yan ang taong nandito ka. Ngayong upos na ang ‘yong kandila, Ilaw mo’y ‘di na mapupundi pa. Huling gabi mo na ngayon sa’yong tahanan. Ngunit ang buhos ng ula’y parang wala ng katapusan. Hindi ko alam anong gusto ng kalangitan, Subalit bakit ito’y tila nakatatahan. ‘Di ko lubos maisip na sa kinabukasan, Eto na ang huli kong masisilayan. Kung gaano sana kalakas ngayon ang ulan, Lahat ng ito’y hihina rin sa kinaumagahan. O kay dagli ng iyong paghimbing Sakit na ‘di mo mahahambing. Sa kabila ng hirap na ‘yong dinaing Lahat ng ito’y ‘di na sa’yo makararating. Sa larangan ng sining, Kami sayo’y nahuhumaling Iba ang taglay **** galing, Isa kang batikang itinuturing. Sa mga obra **** iniukit, Pasasalamat ang aming sambit. Mga ala-ala ng bawat saglit, sa puso’t isipa’y nakaguhit. Hindi man kasing husay at talentado, Larangang ito’y patuloy na isasabuhay ko. Pinapangako ko, aking Lolo Sandali nalang, Apo mo’y magiging arkitekto. Kung kami ay maglalambing, piging ang nakahanda sa’yong paggising. Tiyak ngayon atensyon mo’y sa lola nakabaling Kung mayroon lang kaming isang hiling, Ito‘y muli kayong magkapiling.
0
Jan 22, 2022
Jan 22, 2022 at 2:03 AM UTC
Ukit Ama