Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nagkalat-kalat na mga lupain
Tayo sa kanya’y mga panauhin
Nangag mula sa isang lipi
Ganda niya’y sa puso namutawi

Oo nga’t siya’y marikit
Mga biyaya sa kanya’y di pinagkait
Minsa’y tinaguriang perlas ng silangan
Nakilala bilang ating Inang bayan

Lupain nang mga datu’t mandirigma
Ng prinsesa’t mandirigmang si Urduja
Mababanaag sa kanyang mukha
Katapatan, respeto’t mga paniniwala

Iningatan ng mga mapagbiling ninuno
minahal at niyakap nang taos sa puso
itong lupang ating pinananahanan
ating pinangalagaang lubusan




Minalas nga’t nilingon ng mga dayuhan
Lupang itinago ng mga karagatan,
Dala daw nila’y kaligtasan at kapayapaan,
Yun pala’y hangad nila ating bundok na yaman

Españang eskultor nang kapalaluhan
Tagapagdala ng mga salot ng kinabukasan
Baboy na mga putting inutil
Mga lapastangang mga kanluranin!




Tinuran nilang Indio’t mangmang
Dinuraan at sa putik ay pinagapang
Pinayuko’t pinaluhod  sa Niñong santo
Santong pinambulagan ng mapaglilong demonyo!

Alipin nila kung pandilatan,
Mga uto utong pinagkikindatan
Likas na mga katutubong maamo
Tiningala silang kaibigang totoo

Nakaambang mga tigre’y inamo’t pinatulog
Pinaamo nang mabagsik na mga kulog
Sa bagsik ng pluma’t itak
Napukaw mga mandirigmang hinamak


Gitlang mga hilaw na labanos
Nagsipag kuha ng mga pistola’t español na naghihikahos
Di inakalang mga Indio’y matututong lumaban
Gumising para sa kapakanan niya’t kalayaan

Estrelya ng pag-asa’y kanilang nasilayan
Sinambot ang kamalayan at kanlurang katuruan
Sa mga ganid na Kastila’y inihain
Balaraw ng karunungang matalim

Ritaso ng nakaraan, ngayon at kinabukasan
Piagtagpi tagpi, tinahi’t tinapalan
Mga pulo’y pinaglapit
Mga puso’t hanari’y naging isa kahit saglit

Epiko ng ating pinagmula’y muling nabuo
Ating lahi’y tumayo’t hinarap ang mundo
Laking galak na lamang natin sa pluma ni gat Jose Rizal
Sa kanyang dunong na nagmula sa Maykapal.
cherry blossom Feb 2019
kinalimutan mo na kaya ako?
sa mga oras na nasa presensya ng bawat isa
naaalala mo rin kaya ang mga hangal na desisyong nagbuklod sating dalawa?

dahil ako, palagi.
sa tuwing nandiyan ay pinapauli-ulit
ang transisyon ng pagkawalay ng dalawang pinaglapit
sa pagkalimot ng isa
paulit-ulit nagsisimula sa umpisa
ani mo'y palabas sa sariling haraya

iniipit ako ngayon ng tahimik
ni walang imik sa pagitan nating dalawa
napagod na ang mga paang umakyat para lang matanaw
o magbigay ng senyas, nagdadasal na bigyang habag

napapangiti na lang sa mga gunita
dahil naaalala ang ilang beses na pagsuko at pagtayo namang muli
tulad ng paulit-ulit na pagtugtog
ng musikang nagpapaalala sayo
idk *** 2/4/19
Katryna Jun 2020
pinaglapit
pinaglayo
pinaglapit ulit ngunit muling pinaglayo
nawili ang tadhanang makipaglaro
sa pusong hindi takot sumubok.

ang mga matang nagkatamaan,
muling nagkatitigan
bibig na sadyang napangiti
nanabik na muli kang madampian.

ngunit hindi,
tama na ang minsang nagkasakitan,
nakasakit at nakasagasa ng ilan.
tama na ang mga pantasya
na baka tayo talaga ang para sa isat-isa
na baka tayo nga ang tinadhana.

saiyong paglakad sa dambana
at sa iyong panunumpa,
sabi ko sa sarili,
tama na.

sa sobrang sanay ka nang masaktan,
wala nang luhang umaagos sa iyong pisngi.
sa sobrang sanay ka nang magparaya,
hindi mo na alam kung paano ang sumaya.

sa sobrang sanay kana sa pabugso bugso nyang dating at paglisan,
hindi mo na alam kung paano ang maiwan.

kaya tama na,
mapagod kana,

at huwag nang umasa
sa mga kathang isip na nilalatag nya,
kasama nya,
ang lahat ng ito ay lilipas at mawawala,
ng parang bula.
Love bring so many things even pain. 💔

— The End —