Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pilay" poems
*Araw araw ako'y naglalakbay Sa jeepney at tryk, nakasakay Madalas naglalakad sa tulay Nakasilong sa dahong makukulay Nang dumilat ang ulap at nagmasid Aral sa buhay ko'y dumarami Bilang ng tao at hilaw na kapatid Ako'y saksi sa kanilang pasanin Matatandang panot, hayop na pilay Batang walang saplot, naka-bitay Babaeng may sanggol na alay Kumakatok, nanlilimos ng karamay Binuksan nila ang mga mata ko Sa katotohanang pilit tinatago Mga bangungot sa bawat kanto Nabubulunan sa hiram na piso Sa bawa't yapak ng aking lakbay Dama ang kayamanan ng tao Higit pa sa laman ng aking bulsa Ang gintong binuo sa katauhan ko* Taya!
0
Oct 13, 2015
Oct 13, 2015 at 11:25 AM UTC
Jueteng shed
Patay. Nagsimula sa wala. Nagsimula sa bula. Kailan kaya kikislap Ang natutulog na kulisap? Sindi. Unti-unting nauubos ang yosi Umiikli na ang pagkahaba-habang pisi Aking tinanong nang masinsinan sa sarili "Sa pagsindi ba talaga nagsisimula ang pagsisisi?" Pundi. Ang ilaw ay biglang namatay Iyon na pala ang huli kong silay Ang mata ko'y tila parang pilay Hindi makalakad tungo sa inaagnas **** bangkay
0
Aug 10, 2014
Aug 10, 2014 at 10:29 AM UTC
Dagitab
Sa sulating papel, ilang letra ang nailimbag para lantaran maipahayag na ang pagdarahop sa alpabeto ay ang masamang salagimsim na pasanin Mapait ang sasapitin sa guhit ng palad Makulimlim na hudyat ng kaharian Sa malas na katalagahan Ang pangawan na nag-alingayngay Nagtitiis nang pagkahimay-himay Mahabang kadena na nakakabit Sa dantaon na nagnobena sa templo Ang naisaulo lang sa gilid ay ang iba't-ibang kapintasan na nagkadikit-dikit at nagtatanikala Natumba sa kaskaho ang nanlambot na tuhod Ito'y naging karanasan ng pilay Ginamit ang tungkod ng katatagan nang maayos na kumandirit sa daan Karamdamang na di maibsan Ang pagtitimpi ay sadyang kahinaan Tila'y sakitin na sisiw nagtatampisaw sa baha na sa inahin nakahanap ng pagkalinga
0
Dec 17, 2018
Dec 17, 2018 at 4:50 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #13
alam ko na sa simula, dambulahang pasakit naghihintay sa akin sa unang araw ng sigwa kalakip ang pagpapagal s'yang hampas ng kalbaryo doo'y hihimlay na lamang ako sa mundo ng kabagalan dahil alam ko na ang kahihinatnan tatagal lamang, oras ng wakas isang mahabang pagbabagtas s'yang aking mararanasan dahil pilay ang pugad naming kawan gapang, gapang, gapang lamang... hangga't may lupang matatapakan hangga't may krudong susunugin tanggap ko na ang lahat aabutan ko din sa huli, pagkagat ng dilim huwag ko na lamang intindihin upang maging manhid ang diwa pagdapo man ng pagkabalisa sakyan ko na lamang ito bahala na sa kinabukasan ko
0
Nov 24, 2024
Nov 24, 2024 at 10:07 PM UTC
HIMLAY
Pahinga ka muna Mukhang pagod kana Ilang milya na ba nalakad Bago ka tuluyang dito mapadpad Hindi mo kailangan parating mag-madali Tipong bawat araw na lamang ay nag-aatubili Sapagkat hindi ganiyan ang turo ng buhay Ika'y parati nasa unahan sa karamihan nakahiwalay Kung minsan dapat mo ring maranasan sa hulihan Nang malaman mo ang tunay na kahulugan Nang kasiyahan matapos ang tagumpay Kahit sugat-sugat ang katawan at ang paa'y pilay Pahinga ka muna Mukhang pagod kana Sa karera ng buhay Na 'di mo dapat itunuring na ganoong bagay Ayos lang mag-kamali Makailang beses mang maulit muli Dahil kung minsan kailangan mo matuto Mula sa pagkakamali na kung saan ka nalito Huminto ka ng sandali H'wag kang mag-madali Pakinggan ang pusong sumasambit Hindi mo kailangan lahat ng bagay ipilit Tandaan mo walang tunay na katagumpayan Sa isang tao na napipilitan Kaya ikaw na ay tuluyang huminto Nang dahil 'di talaga 'yan ang gusto
0
Dec 26, 2020
Dec 26, 2020 at 7:20 AM UTC
"Tigil na"
Kung wala ka talagang ideya Kung saan ako may pilay Alalayan mo man lang ako, putangina.
0
May 22, 2016
May 22, 2016 at 1:46 AM UTC
Untitled
kaya ang karaniwang tao na hindi sapat mula sa mga slums ng favelas ay binubuwis ang kanyang pea-utak upang magsulat ng walang kapararakan habang ipinagbibili ng kanyang ina ang sarili upang makalikom ng sampung dolyar para mapakain ang kanyang pamilya ng mga batang walang ama sa kalye oh..to be a well bred rich and respectable man ay napakaimposible kaya ang karaniwang tao na hindi sapat mula sa mga slums ng favelas ay binubuwis ang kanyang pea-utak upang magsulat ng walang kapararakan ito lang ang kaya niyang gawin ano pa ang meron sa pilay na makata mula sa HappyLand...yan ang balintuna ng ironic na makata.
0
Jan 22, 2023
Jan 22, 2023 at 4:12 PM UTC
balintuna ng ironic na makata.