Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagharap" poems
Isang araw nang matanong kita Mahal mo ba talaga Isang tulad kong di naman masaya Nakakagulat pa nga't nandyan ka Laging nasa tabi Na kahit umaga man o gabi Pinapasaya ako Mga matang inakip ang buong isipan ko Kaakit akit na salita binitawan mo Nang di mo napapansi'y Madalas kitang isipin Kaylan ma'y di nagbago Pangakong tinago Mga kasalanang naglalaho Unti unting nagagago ng tadhanang di natin mabago-bago kaylangan bang pahirapan bago makuha ang gusto katulad ng simpleng pagharap sayo marinig ang salitaang oo o ano mang salitang pwedeng makuha Para masagot mo ng totoo
0
Nov 23, 2015
Nov 23, 2015 at 3:41 AM UTC
Totoong kaylangang malaman
Walang araw at gabi na hindi ko naiisip ang iyong kalagayan. May mga pagmulat sa umaga na tila nananaginip ako, Iniisip ko na nagbago na ang lahat, na sa wakas ay nalampasan Mo na ang ang iyong hirap na pinagdadaanan. Mga pagkabigla ng isipan na para bang naalimpungatan lang. Subalit laging bumabalik sa mga katotohanan na kailangan harapin. Mga lungkot at kurot sa pusong tanawin, mga sana at mga Panghihinayang. Puno ng mga pagbabakasakali at pag-asa, Hinahanap-hanap ang kasagutan sa mailap na katanungan. Bakit ikaw? Bakit sa’yo pa nangyari? Bakit nagkaganyan ka? Wala ako’ng ibang hiling kundi ang maging maayos ka, Na maging malusog at kaaya-aya ka. Hindi ko hinangad ang yaman ng mundo, ikaw lang at ang kapatid mo ay daig na ang lahat ng yaman sa daigdig. Pero ‘hwag kang mag-ala-ala anak ko hindi kita iiwan, Kailanman hindi kita pababayaan ako’y laging nandito sa tabi mo. Haharapin natin nang magkasabay ang buhay. Naalala mo ba ang naghahabulan na mga alon sa dalampasigan? Masayang masaya ka habang ito’y humahampas sa iyong katawan, Ganito ang buhay punong-puno ng mga alon. Kailangan na ito’y harapin, wala ka’ng ibang gagawin. Ngitian mo ang hampas ng buhay maliit man o malaki ang dala nitong mga alon. Habang ako’y nabubuhay sasamahan kita sa pagharap mo sa mga alon, Hindi ka namin iiwan ng ate at mama mo. Lalabanan natin ang dagok ng mga daluyong, Sabay tayong tatawid na karagatan ng buhay, Umulan man at umaraw lagi kitang yayakapin. Ganyan kita kamahal aking bunso.
0
Dec 4, 2017
Dec 4, 2017 at 10:07 PM UTC
BUNSO

Continue reading...
28
Ubos na ang mga panahong hindi kailangan magmadali Yung pagising sa umaga na hindi na kailangan ng nagwawalang awtomatikong orasan Sa kakamadali ay nalilimutan nating magsoot ng pambahay na tsinelas pagbangon sa kama, Maging ang pagharap sa salamin at pagbati ng "magandang umaga" ay lipas na Ang mga pandesal at almusal na dati'y pinagsasaluhan sa lamesa, ngayo'y sa umaandar na sasakyan na inuubos okaya naman minsan ay dumadaan sa isang kainan para doon makakain Kung noon ay sinusulit ang bawat hakbang ng mga lakad at napapansin ang mga bulaklak at dahon sa iyong paligid Nalipasan na ng oras ang dati'y hindi ka tumatakbo at nagkukumahog, pinabilis ang pag-asam ng panahon Kung babalik pa sa kahapon, Lumipas na ang kapeng ilang beses **** hinalo't di na alam kung tunaw na ba ang bawat piraso ng oras kaya't di na napansing lumamig na sa paglipas ng oras At sana, sa bawat pagmamadali at takbong gawin para makarating Huwag mo sanang kalimutan Na oras man ang kaaway, Nakadikit ito sa ala-alang bumuo sa pagkatao natin Muli, ipapa-alala ko na huwag mo sanang kalimutang pwede ka magdahan-dahan Ipahinga mo ang iyong mga paa Dahil ubos na ang panahong hindi tayo nagmamadali Kaya sana, hayaan mo munang mag-isa ang mundo at umupo ka muna sandali Gumising kang hindi gula't sa nagwawalang orasan at isoot ang sapin sa paang sabik nang ihatid ka sa hapag-kainan Timplahin mo ang kapeng mainit at hintaying matunaw ang bawat piraso At doon, malalasahan mo, ang tunay ng sarap ng bawat segundong matagal mo nang hindi napapansing pinapalipas mo
0
Dec 2, 2019
Dec 2, 2019 at 10:22 AM UTC
94

20
Pabalik balik Urong sulong Tila hindi umuubra ang usal at salita Kapag nag isip ay lalo lang nagiging kawawa Nakakabalisa ang kawalan ng gawa Dahil sa takot ay nagpapakumbaba Kumbaga ang tamis at tawa ay isinugal at isinawalang bahala Sapagkat ang hindi pagharap sa takot ay masama Pinilit kong humakbang palapit Sinabayan ko ng dasal Ngunit minsan mas mabilis ang paghakbang palayo o pagtakbo kaysa patungo sa tarantang nararamdaman ko Sila nga ba ay mga pader na dapat kong banggain o sila ba'y mga haligi na nagtatanggol sa akin? Gusto ko silang paslangin kahit na parang bahagi rin sa akin na mamamatay rin Katakot takot ang pagkakatulad netong aking damdamin sa hindi pagiging malaya, sa pagiging mahaba lamang ng tanikala Kinakain na ko ng aking isip at katawan, Kahit na tiyan ko'y walang laman kundi kape at init ng laman, Paano nga ba magsisimula? Unti untiin o isang biglaang awitin, pag aklas sa panginginig, Pagtuklap sa mga matang gising na nagkukunwaring sa pagtulog ay mahimbing, Dahil totoo ang panganib kaya't natatakot ka sa maaaring mangyayari o sa hindi mo ginawa, Ngunit sa pagitan ng sarili mo at takot na naninirahan sa iyong isip sino nga ba ang mas totoo at mas mahalaga, Ang daga sa iyong dibdib o ang kaluluwa **** maga? Wag isaalang alang ang bait sa ating mga sarili dahil ang hindi paggalaw kahit na ang diwa mo'y pagal ay pagtaya sa isang maling sugal.
0
Jul 1, 2020
Jul 1, 2020 at 1:56 AM UTC
sulong urong
Lahat tayo’y lubak na daan ang tinatahak, Pagtupad ng pangarap sa buhay ang binabalak. Maraming sakripisyo ang kailangan, Upang maging maayos ang kinabukasan. Karamihan sa atin ay sa Diyos kumakapit, Dalanging bagong umaga’y sumapit, Mabawasan ang mga nararamdamang sakit, Kaya liwanag ng pag-asa ang nais makamit. Pagdarasal ng mataimtim, Ang sandata sa daang madilim. Upang ang liwanag ay ika’y sikatan, Maging gabay sa landas na walang kasiguraduhan. Sa Diyos ay nagpapasalamat, Para sa gabay na walang humpay. Hiling na magkaroon ng lakas, Sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.
0
Sep 2, 2020
Sep 2, 2020 at 12:53 AM UTC
Liwanag
Nakikiramay ang langit sa inyong ganap na pagpanaw, naghihintay nang inyong pagdating at pagharap sa Maykapal. ©2019
0
Apr 18, 2019
Apr 18, 2019 at 1:16 AM UTC
Pakikiramay
Isang pakiramdam matagal ko nang hindi kilala. Sa pagharap pala nito'y akin makikilala ang tunay na sarili. Sa pasakit na iyong iginuhit sa akin puso labis na pag durusa ang naramdaman subalit ng akin nalagpasan labis na pag mamahal sa sarili ang aking natagpuan salamat dahil natoto ako.
0
Apr 23, 2019
Apr 23, 2019 at 10:58 PM UTC
Aral