Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"natulog" poems
Ang isinulat ko ay isang pagtatala mula sa bulag, na matagal nang ninanais na makakita ng liwanag, dahil kumpara sa atin, kahit ipikit ang mga mata, kahit takpan pa 'yan, mayroon pa rin tayong nakikita, mapa-asul, mapa-dilaw, mapa-pula, hinding hindi ito aabot sa dilim, dahil mayroon pa ring mga bituin. Ito ang pagtatala ng bulag, "'Nak, kagabi lang ako nakaramdam ng galit sa isang tao, sa buong buhay kong nakatira sa tapat ng simbahan, kagabi lang ako nakaranas ng kulo sa puso ko, kagabi lang ako natulog nang galit, sana patawarin ako ng Diyos. Lumapit sa akin ang isang lalaki, sabi niya, 'Lo, mahirap bang magmahal?', 'Oo, hijo. May asawa ka na ba?', 'Meron ** E lagi ** kaming nagaaway, kaya umalis nalang ako ng bahay, ayoko na siyang kausapin, dahil baka husgahan nanaman ako, baka masaktan lang ulit ako, baka sabihin nanaman niyang ang hina-hina ko, sasabihin nanaman niyang hindi na ako natuto sa mga kasalanan ko, ang dami ko raw nasaktang tao, wala na silang nagawa kundi tumungo, dahil sa lungkot, dahil sa insulto, dahil sa mga salita kong galing sa puso. Naalala ko sabi ng nanay ko, na lahat ng sinasabi ko ay galing sa puso, pero bakit kung kailan ko gustong mabuo, napakahirap ibalik ang dating ako?' Ito ang iyak ng isang nangangailangan ng pagmamahal, isang lalaking may pusong bakal, ito ang naging payo ko, 'Hijo, kausapin mo ang asawa mo.' Biglang sigaw niya, 'E ayaw ko nga! Nagkasala rin naman siya, pareho lang kami, siya dapat ang lumapit sa akin.' Parang tinamaan ako ng bala ng baril, at ang puso ko'y biglang tumigil, dahil hindi ko naman kayo pinalaki nang mayabang, kaya hinawaan na ako ng galit, 'Ang yabang mo! sarado ang utak mo sarado ang tainga mo sarado ang puso mo mas bingi ka pa sa bingi at mas bulag ka pa sa bulag ayaw **** mahushagan kasi ayaw **** masaktan, ayaw **** masaktan kasi ayaw **** matuto, hindi ka natututo sa mga kasalanan mo, kasi akala mo na lahat ng ginagawa mo ay ayos na, hindi mo pinapansin ang kalagayan ng iba, na naghihirap sa kakaisip kung sila ba ang dahilan, kung bakit ka nagkaganyan. Minahal ka nila, pero hindi mo tinanggap, minahal ka nila, pero tinulak mo sila, minahal ka nila... hindi mo ba sila mamahalin? Lalo silang napalayo sa'yo, nung kinailangan mo ng tulong, pamilya at pagmamahal' Wala na akong narinig na boses, umalis na siya, sana lang kinausap niya ang asawa niya. 'Nak, tandaan niyo ang payo ko sa inyong magkakapatid, na 'wag na 'wag kayong maghihiwalay, dahil pag ako'y nawala, sana manatili kayong nakadilat sa katotohanan, na ang kayabangan ay nakakasira ng isang pamilya.".
0
Mar 24, 2018
Mar 24, 2018 at 1:12 AM UTC
Bulag

Continue reading...
72
Naglalakad ako pauwi nang makita kita sa isang tabi. Umiiyak. Humahalakhak. Lumalaklak. May hawak na bulaklak. At humihiling sa bawat talulot na pipitasin ay sana hindi ka niya iniwan nang wasak. Nilapitan kita agad at tinabihan. Dinamayan ka sa lamig. Ang mga binti **** sa sobrang tagal nang nakaupo ay namimintig. Walang salita o tunog na lumabas sa aking bibig. Kundi ang mga tenga lamang para makinig. Sa pagkwento mo habang ang boses mo'y nanginginig. Sabay nating pinanood ang pagbaba ng araw. Kasama sa paglubog ang galit na umaapaw. Napatitig ako sayo at napabulong na wag ka sanang matunaw. At nagtataka na bakit mayroong tao na sayo ay umayaw. Biglang tumibok ang puso ko ng laktaw-laktaw. Nagpapasalamat na natanaw kita at ako ay naligaw na parang langaw. Kinalaunan ay napatahan ka kahit saglit lang. Napasaya kahit saglit lang. Nabawasan ang sakit kahit saglit lang. Nakalimot sa problema kahit saglit lang. Nakasama ka kahit saglit lang. At naging parte ng mundo mo kahit saglit lang. Hinatid ka para ligtas na makauwi at nagtanong ka kung paano makakabawi. Makita ka lamang ngumiti, ang abala ay mapapawi. At sana, kung okay ka na talaga. Kapag natulog ka at ipipikit na ang mga matang namamaga. Ay malaman mo na ang iyong tunay na halaga. At matuklasan ang pagmamahal na pang-sayo lamang ng buong buo.
0
Jul 5, 2016
Jul 5, 2016 at 8:37 PM UTC
Panyo
Namumugto aking mga mata hindi dahil pina-iyak o naluluha ako Namumugto aking mga mata dahil napuyat ako Napuyat ako dahil sayo Napuyat ako dahil kausap kita hanggang mag umaga Napuyat ako dahil gusto ko marinig yung boses mo sa telepono Napuyat ako kasi hinintay kita matulog Matulog.... Natulog... Tinulugan mo ako. Tinulugan mo ako na parang pag-ibig mo Na para bang biglang nawala habang kausap ko sa telepono Pinatay mo ang cellphone mo Parang pag patay mo sa puso ko dahil ayaw mo ng estorbo. Yung mga araw na napuyat ako at akala ko ikaw ay natulog nagkakamali pala ako. Hindi ka pala tunay na nakatulog. May kausap ka lang pala na iba sa telepono. Nag puyat ako para sayo pero sinayang mo ang oras ko
0
Nov 29, 2015
Nov 29, 2015 at 10:04 PM UTC
Puyat
Pila ka gabii nang wala pa natulog, naghuwat nalang ko sa bituon na mahulog, Ikaw akong kalipay ug ang akoang tabanog, Sa imong gugmang init, akong panit kay nasunog.
0
Sep 20, 2019
Sep 20, 2019 at 12:04 PM UTC
Tabanog
Sinabi ko noon,di na ako magsusulat pa Ngunit iba pala ang nagagawa ng lungkot at pag-iisa Kaya heto ako ngayon,muling nagda-drama Ginigising ang plumang natulog sa mahabang panahon At bumubuong muli ng tula—na sayo lang nakatuon, Sinungaling ako— Tanda ko pa nang aking sabihin Di na kita gusto't nagbago na ang damdamin Pero ang Totoo,Hindi ko lang maaamin Ayokong aminin! Na hanggang ngayon? Walang iba't ikaw pa rin. Oo,Sinungaling ako— Kahit ipagsigawan pa sa buong mundo Sinu— Sinungaling ako? Ang tangi ko lang namang ginawa'y itago ang pag-ibig ko, Ilihim ang pag tingin sayo Dahil alam kong mali at wala pa sa panahon Pero,ang gusto ko lang naman ay ang iyong atensiyon Magkano ba ang isang sulyap? ang isang tingin? Ituro mo naman sakin kung san ko yan pwedeng bilhin, Kahit gaano yan kamahal susubukan kong bumili Gusto ko kasing masilayan muli ang iyong mga ngiti Hindi ko na kasi magawang mahuli pa ang iyong kiliti— Lagi tayong nag-aaway Magbabati ng saglit at sa isang kumpas lang ng kamay Hayun at tila may pader na bumaba at humarang Sa pagitan nating dalawa, Hindi ko namalayan na sa tabi ko, wala ka na pala! Masakit isipin na ang bilis **** bumitaw, Pero wala naman akong magagawa pagkat ikaw ang umayaw Hindi ko lubos maisip kung bakit ang lumilitaw Ako ang masama? Kahit na sa ating dalawa ikaw ang nagpabaya? Minahal kita ng higit sa kaibigan—alam mo yan! Pero kung wala talagang pag-asa Handa na akong palayain ka, Kahit wala naman talagang TAYO KAHIT HINDI KO ALAM ANG ATING ESTADO Palalayain kita. Palalayain kita para ako naman ang sumaya.
0
Mar 23, 2018
Mar 23, 2018 at 11:16 PM UTC
S I N U N G A L I N G A K O"

41
Ayoko na lamang bilangin ang mga oras Na nasisinagan pa tayo ng araw, Maghahabulan at magtatampisaw na parang mga basang sisiw Sa hubad na kalsadang naunang pagalitan ng langit. Naaalala ko pa noong elementarya'y Sabay tayong papasok sa eskwela Matapos humigop ng mainit na sopas ni Nanay. At minsan nga'y nakalilimutan nyang hanguin ito nang maaga Kaya matapos nating kumain ay sabay rin tayong magtatawanan At maglalaro ng "tag-tagan" patungo sa kanto sa sakayan. Hindi ba't pumupunta pa nga tayo sa may bandang iskwater, Makapaglaro lang ng pitsaw sa dati nating mga kaklase? Nagagalit kasi si Nanay kapag sa bahay natin sila niyayaya At magkakalat ang putik sa ating sahig Kasi pati si Bantay ay nakisali sa paghuhukay. Ilang beses din tayong naligo sa dagat Kahit na ang sabi ni Tatay ay manginas muna tayo Habang siya ay nasa laot pa. Pero uuwi tayong mga basa at walang pang-ulam na pasalubong Kaya muli tayong mapagagalitan Kasi ang titigas daw ng mga ulo natin. Hindi ba nahuli ako sa eskwela noon na nangongopya sa'yo? Tapos sinabi mo sa titser na ikaw ang nangongopya at 'di ako? Hindi ko kasi makalimutan yun Kasi pag-uwi natin sa bahay, ako pa yung nagtampo sayo Nung ikaw yung unang pumili sa doughnut na dala ni Tatay. At nung gabing iyon, hindi ako tumabi sa'yong matulog Ang sabi ko pa ay ayaw na kitang makita muli Kasi naghalo-halo na yung nasa utak ko. Pero alam mo ba, na sa mga oras na yun Hindi ko talaga inaasahang seseryosohin mo yun. Kaya noong maggising na lamang ako'y Nagulat akong wala sila Nanay at Tatay At si Aling Rosing pa ang nagsabi sa'kin Kung ano ang mga nangyari At kung saan ako pupunta. Sinabi ko na ngang ayoko na magbilang ng mga oras, Pero heto pa rin ako... At taon-taon akong nangungulila at nagsisisi. Siguro nga kung hindi ako natulog agad Ay baka may naggawa pa ako. Siguro nga kung hindi ko sinabi ang mga iyon, Ay hindi mo ring magagawang umalis. At siguro nga kung hindi ako nagtampo'y Wala naman talaga tayong pag-aawayan. Hindi ka rin hahanapin nila Nanay sa gitna ng gabi At hindi sila masasagasaan ng tren para iligtas ka lang. Siguro nga, pero huli na ang lahat eh Wala na kayong lahat at iniwan n'yo na 'kong mag-isa. Sana sa huli kong pagbisita'y mawala na rin ang lahat ng bigat, Mawala na ang pagkamuhi ko sa sarili ko, Kasi pagod na ako... Pagod na pagod na ako.
0
Oct 8, 2021
Oct 8, 2021 at 11:11 PM UTC
Riles

53
Takot ang tanging bumubuhay sa isipa't pusong pagal Saan man patungo, wala ng matanaw Tila natapos na ang lahat Tuluyan nang ginapos ng pasakit ng pag-asa Saglit na iidlip Hihintayin ang itim na usok Mapayapang mundo’y matatanaw Isipa’t pusong pagal muling titibok Hangin ay yayakap Halimuyak ng mga bulaklak dadampi Tuluyan nang natulog ng mapayapa
0
Nov 21, 2017
Nov 21, 2017 at 12:52 PM UTC
Mapayapa
Alas dose Nagsisimula ang mga hirit sa pagsibol ng liwanag ng nagiisang buwan Dalawang anino ng mga pusong pinagkaitan ng panahon at pagkakataon Mga diwang hirap makatulog sa kabila ng pilit ng dalawang pares ng mata para pumikit Ala una Nagising sa biglaang pagtawag Sa kabilang linya, ang boses ng nagiisang tangi Mga matang pilit na dumidilat ngunit singkit pa din Alas dos Nagsisimula pa lang ang gabi Mga palitan ng salita at biro Oras na para matulog para sa isa, may pasok pa kinaumagahan Alas tres Ang oras ng kadiliman Na nagsilbing liwanag para sa dalawa Mga tawa nilang mas lumalakas At damdaming mas lalong lumalala Sa kabila ng lahat, hindi man tama Pagsapit ng alas kwatro Natulog siyang may ngiti At panalangin Na sana’y ganito sila palagi Ng kanyang natatangi
0
Jun 10, 2021
Jun 10, 2021 at 3:44 PM UTC
Alas tres