Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nalagpasan" poems
sana nandito ka para nayayakap  kita, sana nandito ka para mahagkan ka, sana kahit kaunting oras lang  makasama ka, mapakita ko lang kung gaano ka kahalaga. sana noon pa kita nakilala, sana naunahan ko sya, di ka sana nasaktan at lumuha, sa pagtataksil at mali nyang nagawa. sana nabuo ako ng mas maaga, baka sakaling nakilala kita, hindi man kita masyadong mapasaya, pero gagawin ko ang lahat para ika'y mapaligaya. sana hindi nalang naging komplikado, baka sakaling maipag mamalaki mo ko, baka masabi mo na ako talaga ang mahal mo, walang biro at hindi nag tatago. sana hindi nalang kita nakilala, para hindi na tayo nahihirapang dalawa, pero salamat parin at dumating ka, dahil tinuruan mo kong wag magpakatanga sakanya. sana pinigilan ko nalang nararamdaman ko sayo, para hindi ako luluha kapag iniwan mo, sana hindi kita pinakinggan noong nagkagulo, edi sana ngayon malaya na tayo. sana kung may mag babalik ng nakaraan, mas pipiliin kong manahimik nalang, hindi magsasalita ng tunay na nararamdaman, para sa huli wala ng nasasaktan. alam kong minahal mo ko ng sobra, pero hindi mo ba naisip  na mas mahal kita, mas pipiliin kong maging masaya sila, kaysa sa kaligayahan nating dalawa. pero sa tuwing bibitawan na kita, hindi mo alam kung gaano kasakit na mawalay ka, kahit pigilan kong huwag pumatak ang mga luha, wala akong magawa dahil kusa silang nagwawala. sa rami ng pag subok na nalagpasan, alam kong hindi pa iyon ang katapusan, marami pang darating at dapat pag handaan, ngunit di ko alam kung kaya ko pang labanan. hindi ko alam kung naubos na ba ang luha ko sa kaiiyak, dahil sa tuwing may problema ni isang butil walang pumapatak, sanay na siguro ako sa relasyong ito, panay iyak, away at gulo. mahal kita kaya pilit kong kinakalimutan mga pangyayari, kahit magulo,  alam kong sa puso mo ako'y bawing bawi, hindi kita iiwan ano man ang mangyari, kung iiwan man kita asahan **** ako ay uuwi. pagpasensyahan mo na kung abnormal ako minsan, ganto talaga ako pero masarap mag mahal, minsan ka ng iniwan ngunit di ka kakalimutan, bihira ka lang makahanap ng katulad ko na mapag mahal. alam kong masasakit ang lahat ng Sanang nasabi ko, isip ang may gusto ngunit puso'y binabago, sana tama ang puso kong manatili sayo, sayo mahal ko , puso ko' y sinakop mo. #love #chances
0
Sep 29, 2016
Sep 29, 2016 at 4:49 AM UTC
SANA

Continue reading...
58
Nakayanan **** mag-isa, Nalagpasan **** hindi lumuha, Bakit sasabihin **** pagod na ako? Hinarap mo ang bagyo, Nilangoy mo ang delubyo, Ngayon, sasabihin **** pagod na ako? Sinangga mo ang naglalakihang sibat, Inilagan mo ang sunod-sunod na bala, Bakit ngayon, napapagod ka? Tinakasan mo ang dilim, Hinabol mo ang liwanag, Ngayong matatag ka na, saka ka pa mapapagod? Isipin **** hindi lang ikaw ang tao sa mundo, Alalahanin mo ang pamilya't kaibigan mo, Sila rin pasan-pasan ang bigat na dala mo. Buong buhay ka mang mapagod, Basta't sa Diyos huwag kang tatalikod, Dahil Siya ay laging nasa iyong bakod.
0
May 15, 2016
May 15, 2016 at 5:16 PM UTC
Huwag Kang Mapagod
Ang dakilang pangako… napanindigan ko po Ang lubusang tukso… nalagpasan ko po Ang sukdulang sakripisyo… nagampanan ko po Ang nakatutulirong laro… natapos ko po Ang minimithing pagbabago… nasimulan ko po Ang makabuluhang pakikitungo… ipinagpapatuloy ko po Kaya ako po’y nagsusumamo… Ihandog Niyo po Tagumpay sa Philippine Lotto! -06/07/2015 (Dumarao) *My Prayer Poems for Ultimate Victory Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 10:19 PM UTC
Tagumpay sa Philippine Lotto
Ngumiti kahit na napipilitan, kahit pa sinasadya. Linya mula sa kanta, linyang sasabihin sa kanya. Linyang nalagpasan ko na simula noong minahal ko s'ya. Linya ng pagkakaibigan. Isang linyang hindi ko na makita, simula noong makita ang iyong mga mata Buhok na maganda. Isang makabagong diwata, Isang dyosang kukuha bibihag Mamahalin ng tuluyan.
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:44 AM UTC
linya
Nalagpasan kursong pag-aabogado Kay Roxas nanungkulang Bise Presidente Naitatag Sentro ng Pananalapi Subalit Komunista sa mga nayon umatake. -12/21/2014 (Dumarao) *Pinuno Namin sa Panahong Tanso Collection
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:27 PM UTC
Gurong Pintor (Elpidio Quirino)
71 Nang mga pagsubok nalagpasan na Inanunsiyo ng diwata ang pagkasal sa dalawa 72 Sinang-ayunan naman iyon Ng magkabilang nayon 73 Mga ligaw na itik panghanda ng silangan Mga paniki naman sa kanluran 74 Isang kasalan na kakaiba Puspos ng biyaya, balot ng hiwaga 75 Sapagkat naroon din mga mahiwagang panauhin Si Amihan at iba pang diwatang kasamahan din 76 Malaking piging mula magkaibang sulok Idinaraos sabay sa tuktok ng bundok 77 Sa araw ding iyon, ipinagpaalam sila Na dadalhin ni Amihan sa Gintong Lupa. -07/12/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:54 PM UTC
Ihipna 11 -Ang Alamat ng Ikatlong Lahi sa Gintong Lupa-
Isang pakiramdam matagal ko nang hindi kilala. Sa pagharap pala nito'y akin makikilala ang tunay na sarili. Sa pasakit na iyong iginuhit sa akin puso labis na pag durusa ang naramdaman subalit ng akin nalagpasan labis na pag mamahal sa sarili ang aking natagpuan salamat dahil natoto ako.
0
Apr 23, 2019
Apr 23, 2019 at 10:58 PM UTC
Aral